Huli ka!
Gale's POV
Pagka-galing ko sa school ay di 'ko na inabala si Yohan.Tumakas ako.Alam kong pipilitin niya akong sumabay pauwi at baka di din niya 'ko payagan sa pool party celebration mamaya ni Jeydah.Nakakahiya naman kung ganon.
Dumaan ako sa mall para bumili ng regalo kay Jeydah.Nakakahiya namang pumunta sa party na walang bitbit na kahit ano manlang.
Tumingin-tingin ako sa paligid.Nakita ko ang isang navy blue round neck nike golf sa sport centrale kaya pumasok ako.Ano kaya kung ayun nalang? Nag-gogolf din naman siya eh.Ayos na yun.
Binayaran ko na yun.Hindi ko na ibabalot.Naka-paper bag naman eh.Pinatanggal ko nalang ang price tag at resibo para di naman nakakahiya
Umuwi na din ako.Hinanda ko ang bikini ko.Ang bra ay kulay gray.Hindi ko siguro ito papartneran ng panty.Masyadong revealing although party naman iyon.Basta di ko trip.Mag-boboyleg nalang siguro ako.Medyo baga din naman ang combination.Hinanda ko din ang kimono 'ko para habang lumilibot at nag-paparty pa ay di masyadong na-eexpose ang katawan ko.
Phone ringing
*Calling Yohan*Yes? -Me.
Where are you? Kanina pa ako nandito sa carpark.Di pa tapos ang klase mo? -Yohan.
Kinabahan agad ako.Nag-hintay siya? Omayghad.Parang may bahid na nga galit at pagka-irita ang boses niya.Anong isasagot ko?
Natagalan ako kaya nag-hello ulit siya para kumpiramahin kung nasa linya paba ko.
Kanina pa'ko umuwi Yo,Sorry di ko nasabi -Me.
What? -Narinig kong nagpabuntong-hininga siya.Bakas' sa boses niya ang asar.
Where are you now? -Yohan.
Dapat ko bang sabihin na nasa condo ako? Paniguradong pupunta yon dito at baka ayain ako nun.Baka di ako maka-punta sa party ni Jeydah.
Sorry Yohan pero nasa bahay kasi ako nila Ryan.Sorry may group study kami. -Binigo ko ang boses ko.
Nagbuga ulit siya ng hangin.Tsaka na i-end ang call.I think he's mad.
Naligo na ako.Nag-bihis din ako ka-agad.Naka-suot ako ng high waist short na mag acid design at ang do-it-yourself kong crop top.Finally na nasuot ko din.
Habang nag-dridrive ako at hanggang makarating akong party ay panay ang tawag sa cellphone ko ni Yohan.Nakaka-irita siya at naii-interrupt niya ang bawat ka-chikahan ko.
"Eh sino ba kasi yan?" Tanong ni Lara nang tumawag ulit si Yohan.
Naka-87 missed calls na siya sakin.Im sorry Yohan but i have to do this.Gusto ko munang mag-relax at maging malaya.Lalo na sa mga nag-daang linggo na alam naming parehong nanlalamig na kami sa isa't-isa.
"Ah wala ito" Shinut-down ko nalang yung cellphone ko.
"Wait lang Gale ha? Naglalambing na itong sweetie ko eh" Bigla silang naghalikan ng boyfriend niya sa harap ko.
Tumayo ako dun mag-isa habang tumutugtog ang Dj.
"Jeydah!" Tinawag ko siya habang nasa kabilang mesa siya.Nakita ko ang buka ng bibig niyang' tila nag-excuse sa mga kausap niya at pinuntahan ako.
"Naka-punta ka pala,Gale" Nag-beso kami.
"Ako pa? Hindi ako mawawala sa birthday celebration ng kapartner ko noh!" Tinapik ko ang balikat niya. "Happy Birthday Jeydah!" Nginitian ko' siya.
"Salamat" Ngumiti siya. "Nag-text nga pala sakin sila Cecil tsaka sila Ryan,Di daw sila makakapunta" Sabi sakin ni Jeydah.
Whut.So ano buong party loner ako? Di ako umasang sasamahan ako ni Jeydah dahil alam kong' busy siya sa pag-entertain ng bisita niya.
BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionDahil sa isang DARE. Ang buhay ni Gale Jacinto ay nag-iba. Si Gale ay isang simple at matalinong studyante.Hindi siya maarte.Simple at ordinaryo lang kahit sila ay may kaya. Habang si Yohan Marquez at ang kanyang bestfriend na si Larry Montesilva ay...