--NecklaceIt's Saturday morning at andito kami ngayon nila Arisse sa school gym, may training kasi kami. Habang hinihintay namin yung iba, nilagay ko muna yung bag ko sa gilid at pinatong yung necklace ko sa taas ng bag, Hindi naman mawawala yan e. Nagstretching muna ako at kinuha yung bola, nag start naman ako mag practice ng palo ko sa wall. May tape kasi na nakalagay dun dapat dun mo papatamaain yung bola. Mayamaya nakarinig ako ng ingay sa may gawi nila Nadz, nakita ko sila Pat at Jam.
Napatigil ako at tinignan sila. "Sila lang?" Mahinang tanong ko habang nakatingin sa kanila. Teka, bakit parang nalungkot ako? I shrug my shoulders at tinuloy yung pag palo ko. Maya maya tinamad na rin ako at pumunta na kina Nadz.
Umupo ako sa tabi nila at kinuha yung Gatorade ko sa Bag. Habang umiinom ako, nakikinig lang ako sa kanila. Nag hi naman sakin yung dalawa, ngintian ko lang sila. At napag alaman ko na may training din sila ng Basketball after namin, pero maaga sila nagpunta. Feeling ko nililigawan 'to nila Jam eh.
Nagcheck na lang ako ng phone ko, ay nagpadala na pala sila mama ng pera. Kukunin ko na lang mamaya sa Banko.
"Ito na pala si Mr. Late e" napatingin naman ako sa sinasabihan nila, Si Ethan pala. Nag bro-handshake naman sila, at tinanguan kaming girls. Umupo sya sa tabi ni Pat.
Mayamaya dumating na rin yung iba at nagstart na kaming mag training, ako yung Setter samin. Kaya nakahiwalay ako, trinatrain ako kung pano mag set ng maayos. Maya maya pinapunta sakin si Kim, yung libero namin. Hanggang sa pinag sama sama na kaming lahat, ibibigay nila sakin yung bola ise-set ko at papaluin nila. Si Naddie yung Middle namin kasi medyo matangkad sya. Si Arisse naman yung sa Open namin.
Tuloy tuloy lang yung training namin, sobrang tagaktak na yung pawis ko. Kasi laging hard training yung ginagawa namin, okay lang pogi naman yung coach namin e, hehe. Nung nag water break, tumakbo ako agad sa bag ko at uminom ng Gatorade hanggang sa maubos ko to. Patay, wala akong dalang tubig. Di bale makiki inom na lang ako kina Arisse, hindi naman sila LC e. Nanunuod pa rin sila Jam samin, pati si Ethan. Kaya kilig na kilig tong mga kateammates namin e, Halos lahat sila may crush dito sa tatlo.
"Ang gwapo talaga bwiset." Rinig kong bulong ni Ali dito sa gilid namin. Napatawa naman ako
"Sinabi mo pa, jusko nagkakasala ata ako dito eh" bulong naman ni Kim, halos mapatawa ako sa mga pinagsasabi nila eh.
"Etong mga to magkakagusto na nga lang sa mga panget pa." Asar ni Arisse sa kanila, natawa kaming lahat. Nag start na ulit kami mag training, sumasakit na nga legs ko eh.
Pinag hiwalay kami by 5, 10 kasi kami sa buong team. Kateam ko si Arisse, Ali, Kim, at Pam. Sa Kabila naman si Naddie, Chloe, Cait, Gel at Kaye. Nag start na yung free game namin, nasa samin yung bola kami yung unang magse-serve. Nagstart yung game at tuloy tuloy lang ito, ang nasa isip namin ay totoong laro na 'to yun kasi sabi ng coach namin eh. Para masanay daw kami, make sense.
Habang naglalaro kami nakita ko sa Peripheral vision ko na tumayo sila Ethan at lumabas ng Gym, baka andun na rin yung coach nila. Hanggang sa natapos yung laro hindi ko na ulit nakita sila Ethan. Pupunta na sana ako sa Bag nung tawagin kami ng coach kaya mabilis kong kinuha yung panyo ko sa taas ng bag ko. Nag form kami ng circle at kinausap ni Coach.
"Okay, medyo maganda naman yung laro nyo kanina." Bigla nya ko tinignan, ohmygosh my heart. "Nicole, kapag mag se-set ka medyo taasan mo ng onti para matira nung mag o-open or middle, then tawagin mo sila sa name nila para alam nila na sila yung titira. Pero okay naman yung laro mo kanina" tumango na lang ako. Nag bigay rin sya ng ibang tips sa iba. "Okay may laban na kayo next month kaya lagi tayong hard training, lalo na malalakas yung makakalaban nyo."
Tumayo na kami at nag paalam kay Coach. Kinuha ko yung bag ko at dumiretso sa Locker, magpapalit ako ng damit. Kasabay kong naglalakad sila Arisse.
"Sumakit yung kamay ko don ah." Comment ni Arisse, tumango naman ako. "Asan na kaya yung mga ugok na yon?"
"Baka nag start na sila mag training, jogging ganon." Napa nod naman sila. Nagpalit na kami ng damit, sa Locker kahit mag hubad kami sa harap ng isa't isa okay lang, hindi naman sila maarte eh.
Nung isusuot ko na yung necklace, nagulat ako na wala sa bag ko. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko, kinalkal ko yung buong bag ko pero wala, sinimulan na kong kabahan.
"Yung necklace ko" nanginginig na sabi ko habang tinatanggal lahat ng gamit ko sa bag ko. Pero wala!
Lumapit naman sakin si Naddie. "Oh bakit? May nawawala ba sayo?" Tanong nya, tumango ako at tumingin sa kanya.
Naluluha akong tumingin sa kanya "Y-yung necklace ko." Kinakabahan na sabi ko. "Ha? Saan mo ba kasi nilagay?" Tanong nya.
"Andito lang yon eh, nasa taas lang yon ng bag ko e" habang hinahanap ko pa rin sa bag ko pero napatay ako "tapos.." Triny ko alalahanin lahat..
Pinatong ko sa bag ko..
Naglaro ako..
Nag start yung training...
"Nung nag training ba tayo nasa taas pa rin ng bag mo?" Tumango ako, dumating naman si Arisse at tinanong kung anong nangyari "Yung necklace nya nawawala."
Alam ko nasa taas pa yon ng bag ko eh! Asan na yon? Triny ko tanungin yung mga kateammates ko pero wala daw silang nakita kanina.
Napaupo naman ako, hindi pwedeng mawala yon. Yun na lang yung natitirang bigay sakin ni Pot nun e, sobrang mahalaga sakin yon! Naiiyak na ko kaya lumapit sila Arisse sakin agad.
"Ohmygosh. Uy wag ka umiyak, makikita din natin yon. Halika sa court tignan natin, baka naman may nakapulot nun." Natatarantang sabi ni Arisse. Mas naiyak ako.
Pinunasan ko yung luha ko at inayos yung bag ko, yung necklace ko! Hindi pwedeng mawala yon. Promise ko sa kanya hindi ko iwawala yon e, yun na nga lang yung pinanghahawakan ko kung sakaling makita ko sya ulit eh. Hindi pwede mawala yon.
Nagpunta kami sa court at hinanap yon pero walang tao sa court, pinuntahan ko yung place kung san ko nilagay yung bag ko pero wala, nawawalan na ko ng pag asa kaya napaupo ako at umiyak.
Sorry pot, sorry.

BINABASA MO ANG
Young Love
FanfictionYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"