--Weird-Flahback- (Author's P.O.V)
(Summer 2006) (Puerto Galera)
Tahimik na nakaupo ang seven years old na si Nicole at hawak hawak ang kanyang teddy bear habang nakatingin sa dagat, hinihintay nya kasi ang kanyang kaibigan na si "Pot" sa usual spot nilang dalawa sa may resort nila Nicole, ganitong oras kasi sila nagkikita para maglaro. Summer last year sila unang nagkita dito, at simula non lagi na sila magkasama para maglaro. Hindi mapag hiHindi mapag hiwalay ang dalawang bata simula noon, kaya naging mas close sila pareho.
Pero mag iisang oras na hindi pa rin dumadating ang kanyang kaibigan, biglang tinawag si Nicole ng kanyang mama.
"Nicole, halika na anak. Kakain na hinahanap ka na rin ng lolo mo." Dismayado namang tumayo si Nicole at sumama sa kanyang mama "Hindi pa rin ba dumadating ang kaibigan mo?" Umiling si Nicole at ngumuso.
After nila kumain ay bumalik si Nicole sa kanilang usual spot, nilaro laro nya yung teddy bear nya ng biglang may nagtakip sa mata nya, ng tignan nya ay dumating na ang kanyang kaibigan. Nakangiti syang salubungin yung kaibigan nya pero naalala nyang nagtatampo nga pala sya dito.
Biglang humalukipkip si Nicole habang nakabusangot at tumalikod sa kaibigan nya. "Nagtatampo ako sayo, hmp." Nagtatampong sabi nya.
Nagulat naman yung kaibigan nyang lalaki "Sorry na ba." Sabi ni Pot, pero nakabusangot pa rin si Nicole, biglang may lumitaw na kwintas sa harap nya.
Nawala yung pagka busangot nya at aabutin na sana nya yung kwintas nung nilayo ito ni Pot, napasimangot naman sya. "Galit ka pa din eh." Sabi ni Pot.
Nagdalawang isip si Nicole kung magagalit pa ba sya o yung kwintas, pero mas pinili nya yung kwintas. "Eh kasi ang tagal mong dumating Pot e! Kaya nagtampo ako sayo. Pero sige, bati na tayo!" Masiglang sabi nya "Akin na yung kwintas" at nilahad nya yung kamay nya.
Umiling si Pot at pumunta sa likod ni Ba at hinawi ang kanyang buhok. Sinabit naman nya yung kwintas, nakangiting tinitignan ni Nicole yung kwintas na may naka sabit na 'clam' pero parang biniyak sa dalawa yung clam kaya yung isang pisngi lang yung nakay Nicole, biglang inipit ni Pot ang mukha ni nicole sa mga kamay nya. "Alam mo ang cute cute mo ba, mamimiss kita!" Biglang nawala yung ngiti ni Nicole at napasimangot
"Ha? Bakit aalis ba kayo pot?" Tanong ni Nicole, unti unting tumango si Pot at malungkot na tumingin sa dagat. "S-saan kayo p-punta?" Naiiyak na sabi ni Nicole.
Huminga ng Malalim si Pot "Sa Manila, kinukuha na kasi ako ni Lolo eh." At tumulo na yung luha ni Nicole. Tinignan sya ni Pot at ngumiti "Kaya wag mo iwawala yan ha? Meron din ako nyan" at pinakita ni pot ang kwintas nya na kalahating pisngi ng clam "Diba? Partner tayo! Kaya promise mo na hindi mo iwawala yan ha?" Tumango naman si Nicole "Kasi kapag nawala yan, magagalit ako sayo. Malay mo magkita tayo sa Manila, Ayan yung palatandaan natin ha? Yung sayo may naka ukit na 'ba' " tinignan naman ni Nicole at meron nga. "Sakin naman, meron ding 'pot' " Nakangiting sabi ni Pot at pinunasan yung luha ni Nicole.
--End Of Flashback--
Nicole's P.O.V
Nakaupo lang ako dito sa Bleachers at umiiyak, naalala ko na naman yung araw na yon. Nag promise ako na hindi ko wawalain yon eh. Pano na kami magkikita? Hindi mapakali sila Arisse kaya kung sino sino yung mga tinanong nila kung may nakita silang kwintas pero walang sumagot. Mayamaya nakita naming pumasok isa isa yung mga basketball players, mukhang dito na sila mag tra-training. Nung nakita kami nila Jam bigla silang tumakbo samin.
BINABASA MO ANG
Young Love
FanfictionYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"