Papunta na ko sa parking lot ng bigla akong hilahin ni Arisse papuntang C.R? Bigla nya kong binalibag sa may salamin, nagulat naman ako sa inasta nya. Bigla syang may hinalungkat sa bag nya pinagmamasdan ko lang sya ng bigla syang may nilabasNanlaki mata ko "ANO YAN?!' Tanong ko, napairap naman sya. "Lipstick!" In a duh-tone.
Hinawakan nya yung pisngi ko at handang maglagay ng iniwas ko yung ulo ko "B-bakit kailangan pa nyan?" Nagtatakang tanong ko.
Tumigil sya at tinignan ako na parang 'really'? Nakapamewang sya at napahawak sa noo nya "Grabe Nicole, ano haharap ka na lang kay Ethan ng ganyan?" Tinuro nya ko, napatingin naman ako sa buong katawan ko.
okay naman ah? tumingin ako sa kanya "Oo, anong meron?" Tanong ko. Napairap sya at napa facepalm.
Huminga sya ng malalim "hindi ba't sabi nya you'll meet him in the car park? 3pm right?" Napatango ako "Edi ibig sabihin nun mag DA-DATE kayo! Inaaya ka nya. Mygosh Nicole!" Hindi makapaniwalang sabi nya. Uminit naman agad yung pisngi ko.
Bigla ko syang pinalo sa braso "Uy baka hindi naman, grabe naman. Agad agad?" Nahihiyang sabi ko habang nakangiti "Wag ka nga!" Kinikilig na sabi ko.
At sa huli, nilagyan pa rin ako ni Arisse ng lipstick pero yung super light lang, inayos pa nya yung hair ko. Sinamahan nya ko sa Carpark, at seryoso halos kaladkarin na nya ko papuntang car park sa sobrang excitement nya, ng makita na namin si Ethan na nakatayo sa labas ng Van nya, halos mapatili at mapatalon si Arisse.
"Kinikilig ako!" Pigil na tili nya, mas lumalakas tuloy tibok ng puso ko. Tinulak tulak nya ko papunta kay Ethan, napalingon muna ako sa kanya at sumenyas sya na 'go na go'
Humarap ako kay Ethan at dahan dahan na lumapit sa kanya, naka tingin sya sa phone nya nun napansin nya ata na malapit na ko kaya tumingala sya, ramdam ko yung init ng pisngi ko kaya yumuko ako ng onti.
"Ba-bakit mo pala ako pinapunta dito?" Pigil na pigil na yung kilig ko promise, nakahawak ako ng mahigpit sa palda ko, kinagat ko yung ilalim ng labi ko para pigilan yung ngiti ko.
"Cancel plano natin ngayon." Cold at simpleng sabi nya, nawala naman yung ngiti ko at napatingin sa kanya. "h-huh?" Tanong ko, tumingin sya sakin.
"Hindi mo ba narinig?" Masungit na sabi nya. "May pupuntahan ako ngayon, hindi tayo makakagawa ng project, next time na lang."
Project? Anong project? Nanlaki mata ko at napa atras, hindi kaya.. Yung nine months project yung gagawin namin? Namula pisngi ko kaya napatakip ako sa pisngi ko. Tinignan nya ko na parang nagtataka sya sa pinag gagawa ko.
Napailing ako ng palihim. "A-anong project?" Kinakabahan na tanong ko. Umirap sya "Stupid. Hindi ba't partner tayo sa Math." At umirap sya sakin, napatango naman ako. Oo nga pala nakalimutan ko.
Tinignan ko sya "Sige.. Next time na lang, sabihan mo na lang ako." Wala syang sinagot at sumakay na lang sya sa kotse nya at umalis at iniwan ako ditong nakatingin sa kotse nya.
Napa padyak ako at bumalik sa loob "Ano ka ngayon nicole? Asa ka pa 'no? Taas mangarap girl!" Kinakausap ko yung sarili, inis kong sinabunutan yung sarili ko habang naglalakad. "Eh hindi naman nya kasi sinabi na gagawa kami ng project!" Kumuha ako ng bato na nakita ko at tinapon yon. "May pa 'meet me at the carpark' pa sya" at ginaya ko yung boses nya. "Nakakainis! Nakakainis!" Frustrated na sabi ko.

BINABASA MO ANG
Young Love
FanficYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"