YL 21

28 3 0
                                    




Nicole's P.O.V


Papunta na kami sa may dagat kung saan ginaganap yung 'night life' na tinatawag namin. Kasama ko si Tobe, Oo si Tobe pinasama kasi sya ni mama eh. Nagdadalawang isip pa nga ko na isama sya, eh syempre baka ano isipin ni Ethan, alam nyo naman diba? Tska hindi na rin kami nagusap ni Tobe after nung nangyari samin ni Ethan noon, tinatry ko na rin iwasan kasi si Tobe kaya akward ako ngayon, syempre after ko ba naman sya hindi kausapin biglang ganito? 


Tahimik lang kaming dalawa, medyo nauuna ako sa kanya maglakad buti nga nakikisama si Tobe kasi kung kakausapin nya ko, hindi ko alam yung isasagot ko. Habang palapit kami ng palapit kina Ethan, mas lumalakas yung tibok ng puso ko. Nakita ko naman na maraming tao na nakapalibot, malakas din yung tugtog nila dito. Parang party life din kasi 'to, medyo binilisan ko yung lakad ko kasi hinahanap ko rin sila Ethan, nagiging giraffe na nga ko para lang mahanap sila eh pero masyado ata akong maliit. 


Habang lumilinga linga ako "Asan na ba sila?" Bulong ko, naramdaman ko naman na huminto si Tobe sa likod ko, medyo naglakad lakad ako ng onti kasi ang akward talaga. 


Nagulat ako nung biglang may humawak sa shoulders ko, nilingon ko naman si Tobe. "Huh ano yon?" Kabadong sabi ko. 


Tumingin sya sakin at biglang ngumuso, nanlaki naman yung mata ko. Teka, bakit ngumunguso to? Halik ba gusto nito? Nako ayoko nga! Napatakip ako sa bibig ko at umatras habang nanlalaki yung mata, biglang naningkit naman yung mata nya na para bang nagtataka sya sa kinilos ko. Hindi ba dapat ako yung magtaka kasi bigla syang ngumunguso?


Bigla naman nanlaki yung mata nya "Shit—no no it's not what you think" at winagayway nya yung kamay nya sakin at biglang natawa. "what I mean is—ayun sila oh." At may tinuro sa likod ko.


Napatingin naman ako sa tinuturo nya at napapikit ng mariin sa kahihiyan, tinignan ko sya at mabilis na tumalikod "Oo nga, tara." Sabay bilis na naglakad narinig ko naman yung mahinang pagtawa nya


Jusko naman kasi Nicole, ano ba yang iniisip mo. Napaka dumi ng isip mo, Berde na ba yung bagong favorite color mo? Aba kung sila Pat ba naman yung maging kaibigan mo, makita nyo. Naglakad ako palapit sa kanila, nasa may bandang harap kasi sila habang nanunuod nung babae at lalaki na iniikot ikot yung apoy, nakakatakot kaya yan never ako nagpunta sa harap kasi feeling ko mababato nila yung apoy at baka masunog pa ko. 


Napalingon naman sakin si Arisse, nung nakita nya ko tinawag nya ko habang nagsisign na lumapit sa kanila, umiling iling ako kasi ayoko talaga sa harap at pasimpleng tinuturo si Tobe na nasa gilid ko, nanunuod din kasi sya. Hindi mamukhaan ni Arisse yung kasama ko at parang sinisingkitan pa nya yung mata nya para makita, medyo nasa may madilim kasi kami na place. Biglang nanlaki yung mata nya, at napaharap sa gilid nya, dun ko naman nakita si Ethan at katabi sila Jane. 


Biglang tumakbo si Arisse papunta sakin, nakita kong napalingon sa pwesto namin si Ethan. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa kaba, nakatitig lang sya sa pwesto namin at parang nagtataka kung bakit hindi ako pumupunta, nung nakalapit na sakin si Arisse hinatak naman nya ko sa gilid napatingin lang si tobe sa ginawa ni Arisse, lumingon muna si Arisse kay Tobe at tumingin sakin.


Hinawakan nya ko sa may elbo ko "Anong ginagawa ni Tobe dito—sya yun diba?" Tanong nya, sumisigaw na nga sya kasi ang lakas ng mga tunog eh. sinilip muna nya ulit si Tobe at tumingin sakin ulit, dahan dahan akong tumango. 


Napakamot ako sa cheek ko "Eh kasi diba pinaiwan ako ni mama kanina eh yung anak pala nung friend ni mama—si tobe" napatingin ako kay tobe na ngayong nanunuod na ulit, medyo malakas yung tunog at lumapit sakin si Arisse. "Sya yung anak ng friend ni mama" sigaw ko, nanlaki yung mata nya.


Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon