YL 3

20 3 0
                                    







After ng inccident sa Canteen, dumiretso kami agad sa C.R ng girls at nagpalit. Pagtingin ko sa Plastic, may damit dun na Vneck at yung panyo. Napailing na lang ako, kahit din pala masungit mabait din. 





"Shit." Mahinang mura ko dahil pati yung necklace ko natapunan, ang lagkit na! Inis kong pinunasan yung necklace, bakit ba naman ito pa? Tsk. 





Mabilis akong lumabas ng cubicle, napatingin naman agad sakin si Arisse at Naddie. Dumiretso ako sa lababo at naghugas. Gusto ko ng umuwi at ang lagkit ko na! Napaka swerte ko naman, first day na first day eto nangyari sakin.





"You okay?" Tanong ni Naddie sakin, tumango naman ako. Si arisse naman mukhang may kausap sa phone. Pinunasan ko agad yung necklace ko, napatingin si Naddie dun sa necklace ko.





"I like your necklace, is this a clam?" Tanong nya habang hawak hawak yung necklace ko, tumango naman ako. "Where can you buy this one? It's so cute!" Natawa naman ako sa kanya at kinuha yon.





"Hm, bigay yan ng special na tao sa buhay ko." Natatawang sabi ko, napatango naman sya at napaisip.





"Oh I know!" Napatingin ako sa kanya, anong I know daw? "I think I already saw that din somewhere." Nanlaki yung mata ko at bumilis yung tibok ng puso ko.





"Talaga saan?" Excited na tanong ko, nakita nya somewhere? Ibig sabihin andito siya? Malapit sya sakin? Pwede ko nasya makita ulit?





"Hm yeah. Pero nakalimutan ko na kung saan e' basta feel ko nakita ko na yan dati." She shrug her shoulders. Bumagsak naman yung shoulders ko at dahan dahan yumuko.


Napansin naman ata nya yon at tumingin sakin. "Why?" she asked, umiling na lang ako.


Biglang pumasok si Arisse galing kasi sya sa labas ng C.R. "Hey, You okay na?" nakangiting sabi nya, tumango naman ako. "About Ethan, I'm sorry na ganun yung inact nya kanina ha? Cold kasi talaga yun eh lalo na sa mga babae. Except nga lang samin na mga kaibigan nya, Ako na lang magsosorry dun sa sinabi nya."


Oh, kaibigan pala nila yung lalaking sungit na yon. Ethan pala name nya, Nice name. Napatango na lang ako.


"Okay lang." ngumiti ako. "Paki nga pala sa kanya, thankyou dito sa damit" at tinignan ko yung damit "lalabhan ko na lang at ibabalik sa kanya" nakangiting sabi ko. Nanlaki mata nila at naka tinginan, oh may masama ba dun sa sinabi ko?





"That.. clothe." turo nya sa suot ko. "Si- si Ethan may bigay nyan?" halos di makapaniwalang tanong nya. Dahan dahan akong tumango





"Bakit? Masama ba? May magagalit ba?" tanong ko, may mali ba? Baka naman may girlfriend yung Ethan, baka may magalit? grabe naman kasi yung reaction nila. Parang napaka imposible yung ginawa ni Ethan.





Umiling si Arisse. "No, I mean. Never ginawa ni Ethan yon. Kahit kanino, kahit nga samin eh." tumango naman si Naddie "Tska, never nagpapahiram si Ethan ng damit nya."





"Sayo lang." sabay nilang sabi. Napa tulala naman ako sa sinabi nila.








Never ginawa yon ni Ethan? Ang alin ang mambato ng plastic sa mukha o yung magpahiram ng damit? Pero baka naman yung magpahiram ng damit? hehe.





Biglang uminit yung pisngi ko "Hehe baka naman nafeel bad lang sya dun sa pag sungit nya sakin nung nakaraan at kanina. Hehe." akward na sabi ko at inayos yung damit ko





Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon