Nicole's P.O.V"Ano na nicole?" Tanong ni Arisse habang naka upo sa kama ko. "Kanina ka pa d'yan sa salamin, nahihilo na rin ako—aray!" Reklamo n'ya nung natamaan ko sya ng hanger kasi hinahagis ko lang yung mga damit na nakikita ko sa closet ko.
Naghanap naman ako ulit sa closet, tas may nakita ako na palda then may line na see through yung baba then crop top, umiling naman ako kasi may part sa tyan ko na kita. Ang dami na ngang damit sa kama ko na naka-kalat eh, kanina pa kasi ako naghahanap ng damit tas kapag hindi bagay ihahagis ko lang sa kama.
Bigla akong tinulak ni Arisse palayo sa closet ko at s'ya yung nag hanap. Napa higa naman ako sa side ng kama ko na walang damit, nakadapa ako at nakataas yung dalawang kamay ko.
"Ayoko na, hindi na ko pupunta sa party. Wala ako mahanap na damit" reklamo ko, suko na 'ko. Bakit ba kasi hindi ako nagdala ng mga magaganda kong damit sa Puerto eh!
Eh malay ko ba na aayain ako ni Ethan sa 80th birthday ng lola n'ya, diba? Kagabi lang din n'ya sinabi na birthday pala ng lola n'ya ngayon akala ko nga sinabi n'ya lang sakin eh, ngayon pala may balak s'ya na isama ako. Hindi man lang ako nakapag handa, o naka bili ng pwede isuot.
Tas ang sabi n'ya lang sakin 'maganda ka naman eh. Hindi mo na kailangan mag suot ng maganda' ungas ba sya? Syempre hindi ako kikiligin don, nabatukan ko tuloy. Syempre kailangan ko mag handa para magustuhan ako ng family n'ya diba? Nakakahiya naman kung ang simple-simple ko lang, 80th birthday pa yon! Ang sakit talaga sa ulo ng panget na yon.
"Oh, eto." Napatingin naman ako sa sinabi ni Arisse, may off-shoulder na white tas below the knee s'ya. Umiling naman ako, masyadong simple.
Napakamot sa ulo si Arisse, marami pa s'yang binigay pero umiiling ako. Napaupo rin sa kama ko si Arisse at sumuko, buti pa s'ya may isusuot na buong barkada kasi namin invited, ayaw nga sumama ni Arisse kasi andun daw si Pat eh kaso yung daddy ni Ethan yung nagsabi. Ayun pa, yung daddy ni Ethan gusto daw ako makilala! Oh sino hindi kakabahan at maco-conscious diba? Nakakainis naman kasi 'to si Ethan eh. Hindi naman sa show off ako, pero diba kung kayo din naman gusto nyo yung pinaka best nyo yung ihaharap nyo. First Impression last nga daw diba? Tska hindi naman bongga talaga yung gusto ko suotin, yung simple yet elegant ba. Eh yung mga andito ko, pang Mall lang eh.
Napatingin ako kay Arisse. "wag na lang kaya ako pumunta Arisse?" Tanong ko, napatingin naman sya sakin at pinitik yung noo ko, kaya napahawak ako agad sa noo ko sa sobrang sakit.
Tinaasan n'ya ko ng kilay. "Hindi pwede, gusto ka daw makilala ng daddy ni Ethan." At umirap s'ya. "Ako nga dapat yung wag na sumama eh, andun lang yung kumag. Masira pa yung party" bitter na sabi nya.
Napa-upo naman ako sa kama ko at tumingin kay Arisse. "Edi wag na tayo pumunta, mag tago na lang—aray kanina ka pa ah." Reklamo ko kasi pinitik nya ulit ako sa noo, hindi kaya mag red na yung noo ko? Napanguso akong tumingin sa kanya.
Umirap s'ya sakin. "Para kang tanga nicole—6pm pa naman yung party diba?" Tanong nya sakin habang tumitingin sa orasan nya, napatango naman ako bigla s'yang tumayo kaya napatingin ako sa kanya.
"Magbihis ka, bibili tayo ng damit mo." Sabi nya at bumaba na, napatingin naman ako sa orasan 2:30pm na.
Kaya nagpalit ako agad ng damit, naka shorts at crop top lang ako para mabilis magpalit. Bumaba na kami agad ni Arisse at nagjeep papunta sa Mall, mabilis lang naman yung byahe. Halos kaladkarin na nga ko Arisse kasi ang bagal ko daw maglakad, may nadaanan kasi kami mga pagkain hehe. May pinasukan naman si Arisse, hindi sya yung basta basta na mga boutique, kakaiba 'to.
BINABASA MO ANG
Young Love
FanfictionYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"