Nicole's P.O.V*bell rings
"That's all for today, don't forget your quiz tomorrow okay?" Sabi ni Ms. Bago, before sya lumabas ng room namin.
Pagka-alis ni ma'am, nagsimula na naman silang mag-ingay. Napatingin naman ako sa upuan ni Ethan, pero wala pa rin sya. Asan kaya yon? Kakatapos lang ng first subject namin, pero wala pa rin sya. Kapag ito wala pa rin ng 2nd subject namin, lagot talaga sya sakin. Hindi kaya may sakit sya? Hindi impossible eh! Magkausap lang kami kahapon eh. Itext ko kaya?
Kukuhanin ko pa lang yung phone ko nung bumukas yung pinto ng room kaya naman napatago ako agad ng phone, pero isang lalaki ang pumasok dito at tuloy tuloy ang lakad nya papunta sa upuan nya ng president namin at binigay yung slip kasunod nun ang pag punta nya sa upuan nya. Pinagmamasdan ko lang sya nung ibaba nya yung bag nya at kasabay nun ang pag yuko nya sa desk nya para matulog. Napakunot naman yung noo ko, kakapasok lang nya matutulog sya agad?
Kinalabit ko naman si Arisse na nasa tabi ko, at napatingin sya sakin. "Puyat na naman si Ethan—ayon oh." Tinuro ko si Ethan kasi hindi alam ni Arisse na kakapasok lang ni Ethan, kaya napalingon sya agad.
Tumingin naman sya sakin. "Oo nga ano? Ewan ko—puntahan mo." Nag shrug sya ng shoulders, at tumingin ulit sa dalawang notebook na nasa harap nya at nagsimula na kumopya.
Napakamot naman ako sa ulo ko. 'yun lang yung reaction ni Arisse? Parang may mali eh, pero bahala na. Tumayo na ko at nagsimula ng maglakad papunta kay Ethan, nakayuko lang sya sa desk nya habang si Marie naman tumayo at pumunta sa tabi ng isang kaklase namin, kaya umupo muna ako sa upuan nya. Binuhat ko yung upuan ng tahimik papunta sa tabi ni Ethan, at hinawakan yung ulo nya.
Napatingin naman sya agad sakin, ngumiti ng onti at pumikit ulit. "Why?" Tanong nya habang nakapikit.
Inayos ko naman yung buhok nya "Bakit ngayon ka lang pumasok?" Tanong ko. "Late ka na tuloy, hindi mo na-abutan yung first subject, may new lesson tayo. Gusto mo kopyahin mo notes ko?" tumango sya habang naka pikit, pinagmasadan ko lang sya halatang antok na antok talaga sya.
Napahinga na lang ako ng malalim. Tatanungin ko sana si Ethan kung bakit sya puyat nung biglang pumasok yung teacher namin, kaya naman tumayo na ko at pumunta sa upuan ko. Mamaya ko na lang sya tatanungin.
****
"Ethan, kanta ka nga." Utos ni Arisse kay Ethan, napataas naman ng kilay si Ethan sa kanya kaya napatawa ako ng mahina.
"Ayoko nga, ano ako utusan mo?" Mataray na sabi ni Ethan kay Arisse. "Ikaw na lang, ikaw naka isip eh." Dagdag pa nya, napatawa naman kami ni Naddie sa kanila. Naglalaro kasi si Ethan sa phone nya ngayon eh kaya nagsusungit.
Nag giggle naman si Arisse. "Sungit naman nito, ang boring kasi eh." Napasalumbaba naman sya, pero hindi na sya sinagot ni Ethan.
Nasa may likod kasi kami ngayon nakaupo, wala kasi kaming subject teacher eh. Iilan lang kami dito sa room, kasi yung Iba tumakas at nag-gala ata or nasa canteen. Nakaupo ako habang si Ethan naka upo sa arm rest ng chair ko at naka sandal sa dingding habang naglalaro. Saktong pasok naman ni Marc at ni Arnel kaya tinawag sila agad ni Arisse para pakantahin, napailing naman ako.
"Ito si Arisse kala mo naman binabayaran mo sila Marc kung makapag utos ka." Natatawang sabi ko, pero binelatan lang ako ni Arisse.
Umupo naman sila sa tabi namin habang hawak hawak yung gitara. "Anong gusto nyo?" Tanong ni Marc, napaisip naman kami.
May naisip naman ako agad na kanta. "Ay alam mo yung 'God must have spent'?" Tanong ko kay Marc, tumango naman si Marc at si Arnel, nag start na si Marc at kumanta naman si Arnel. Ang ganda talaga ng boses nito! Nakikisabay naman kami sa kanila, pag dating sa chorus, naririnig ko na nakikisabay si Ethan pero naka bulong lang sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/73057102-288-k891936.jpg)
BINABASA MO ANG
Young Love
FanficYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"