Arisse's P.O.VMay mali e, maling mali talaga. Nakatingin lang kami ni Pat sa dalawang taong hindi nagpapansinan sa gilid namin. Si Nicole, nakatingin lang sa libro nya tas si Ethan naman nakatingin lang din sa libro pero minsan lilingon kay Nicole tas titingin ulit sa libro, ganun din naman yung ginagawa ni Nicole.
"Para silang tanga." Sabi ni Pat, napatango naman ako. Biglang lumapit si Naddie. "Oh ano meron?" Tanong nya pagkaupo nya, lumingon ako kay Naddie at nginuso yung dalawa, curious naman syang tumingin dun sa dalawa.
"May nangyari ba? Bakit hindi ata kinukulit ni Nicole si Ethan?" Curious na tanong nya, bigla naman tumayo si Nicole at lumabas palihim naman syang sinundan ng tingin ni Ethan. Napailing naman kai ni Pat.Napakamot si Naddie sa ulo "Ano ba nangyari? Kwento." Pangungulit nya, humarap naman ako naddie pero si Pat pinagmamasdan lang silang dalawa.
Kwinento ko lahat kay Naddie yung kwinento ni Nicole sa dorm hanggang sa nangyari sa Mall, napatakip naman sya sa bibig nya pati sya hindi makapaniwala eh.
"Seryoso? Sabi na gusto sya ni Ethan eh!" Napa clap sya, tumango tango ako.
"Oh diba? Ayaw kasi maniwala ni Nicole eh. Pero ewan ko ba sa dalawang yan, nauna kasi silang umuwi kahapon tas pagdating ko naman sa Dorm kagabi, ayan si Nicole tahimik lang. Hindi nga normal sa kanya yan e" natatawang sabi ko, nag agree naman si Naddie. "Tas pagdating dito, ayan hindi nagpapansinan yung dalawa."
Totoo, pagdating ko sa dorm kagabi hindi nagsasalita si Nicole tahimik lang sya. Pero nung madaling araw narinig ko syang parang umiiyak ganon, pero hindi ako sure ha? Tas ayan pagdating namin dito sa school hindi nya hinanap si Ethan tas hindi man lang nya kinakausap. Ano kaya nangyari nung pag hatid sa kanya ni Ethan? Hay.
Biglang nag bell means start na ng first class namin, napamura naman si Pat at pagapang na lumabas ng room namin.
"Ayan, tukmol ka mapapalabas ka na naman." natatawang sabi ko.
Napalingon ako dun sa dalawa sa likod, naka yuko ngayon si Nicole sa desk nya. Si Ethan naman, tahimik lang na naka sandal sa chair nya. Pero halatang palihim na tumitingin kay nicole, pwede bang lumipat ng upuan?! Gusto ko malaman kung ano nangyari eh!
--
Nicole's P.O.V
Hindi ako makapag concentrate sa pag rereview, badtrip naman kasi may quiz pala kami sa History hindi pa ko nakapag aral ngayon na nga lang tas hindi pa ko makapag review kasi nasa tabi ko si Ethan, sobrang akward. Kahit anong pag basa ko sa libro hindi ko talaga maintindihan, bahala na nga. Stock knowledge na lang!
Biglang pumasok na yung teacher namin, nag discuss lang sya ng onti para sa iququiz namin then nag pasa na sya ng paper, nagulat ako nung walang pinasa saking papel.
Tinaas ko naman yung kamay ko "Sir wa--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nung may naglagay ng papel sa harap ko, napalingon naman ako kay Ethan binigay nya kasi yung Quiz pad nya sakin.
Dahan dahan kong binaba yung kamay ko.
"Ano yon Ms. Villanueva?" Tanong ni Sir, napatingin ako kay sir tas kay Ethan. Lumapit naman sakin si Sir "Wa-wala po kasing quiz pad si Ethan" sabi ko kay Sir, pumunta sya sa harap at kumuha ng isa at binigay kay Ethan.

BINABASA MO ANG
Young Love
Fiksi PenggemarYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"