YL 2

40 4 0
                                    


Nicole's P.O.V


--First Day



2weeks had passed since nung dumating ako dito galing Puerto,  naging madali lang yung 2weeks na pag stay ko dito dahil kay Arisse and Naddie, sinamahan nila ako mag enroll and bumili ng school uniform. At dahil first day daw ngayon, naka civilian lang kami, nextweek pa naman daw start ng class kaya pwede 'to, naka sweatshirt ako at pants, tag-ulan na kasi eh. 

Kinuha ko yung glasses ko at shoulder bag ko. Okay lang may locker naman sa school e' kaya ballpen at yung binder lang yung dala ko, ofcourse hindi pwede makalimutan yung phone. Habang pababa ako narinig ko yung tawag sakin ni Arisse.


"Nic, you ready?" tanong ni Arisse sakin,pag baba ko nakita ko syang may dalang sports bag may training siguro sila. Naka Pants at Tshirt lang s'ya, Typical Arisse.


I nodded, sabay kaming lumabas ng dorm. 


Bigla s'yang may inabot na susi sakin. Nagtaka naman ako kung para saan yon "I forgot to give you the key ng room last week, naging busy kasi ako sa training. Nakita ko yan sa baba dun sa may mails, nag pagawa kasi ako ng spare key for you." nakangiting sabi n'ya, kinuha ko yon at nilagay sa bag. 


Ayan din yung isang nagustuhan ko kay Arisse, kahit mayaman sya sobrang down to earth sya. Hindi sya katulad ng iba, Bully. 

Pumara naman kami agad ng tricycle. Oo, tricycle. Walang kotseng gamit si Arisse, kaya sobrang simple lang nya hindi mo aakalain na mayaman. Nung dumating na kami sa harap ng school, ay grabe ang gagara ng mga kotseng dumadating. Tinignan ko si Arisse, nginitian naman nya 'ko at sabay kaming pumasok.


"Arisse, kinakabahan naman ako dito." bulong ko habang papasok kami at pinag titinginan ng mga tao. Natawa naman s'ya.


"Don't be, kasama mo naman ako eh. Let's go?" nakangiting sabi nya sakin, huminga ako ng malalim at tumango. 


"Hi Arisse."  bati nung nadaanan namin pero 'di ata narinig ni Arisse kasi dire-diretso lang s'ya.


"Ganda nun brad ah"


"Bago ba yan?"


Rinig kong bulungan sa gilid, medyo yumuko at inayos yung salamin ko. Grabe naman pala dito, bulong ba yon? 


"Don't mind them, ganyan lang talaga dito." She shrug her shoulders. Inayos ko yung tayo ko "Anyways, daan muna tayo ng bulletin board para macheck kung anong section tayo. Kasi dalawang section per year dito e'." tumango naman ako. 


Sobrang daming tao pag dating sa bulletin board, nakipag siksikan naman kami para makita yung section namin and thankfully magka section kami ni Arisse, lumabas kami ng building at naglakad ulit. 


"Anyways, maraming building dito." simula nya habang naglalakad kami. "Yung nilabasan lang natin kanina yun yung Main Building, Andun yung office, kung san tayo nag enroll, then andun din yung bulletin board." tumango tango naman ako. 

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon