Pat's P.O.VNakakatitig lang kami sa kanya habang naglalakad sya papasok ng room nila, kanina pa namin sya sinusundan eh, pero bigla syang tumigil kaya napatago kami agad. Para tuloy kaming naghahalikan kasi sya naka sandal sa pader tas ako nakaharap sa kanya at nasa gilid ng mukha nya yung dalawang kamay ko.
"Dude are you gays?" Nagulat kami sa boses na nagsalita at napa ayos ng tayo, napalingon naman kami sa kanya.
"Uy, Ethan!" Bati ko at nakipag apir sa kanya, pero nakatingin lang sya samin. "why are you following me?" Tanong nya nagkatinginan kami ni Jam, at napaiing.
"hindi ah! Feeling nito, eh dito din daan namin papuntang room eh." palusot ni Jam
Napataas ng kilay si Ethan. "Ah, kaya nung tumigil ako nagtago kayo agad?"
"H-hindi kami nagtago, may nakita kasi kaming butiki na naglalampungan eh nacurious si Jam kaya sinamahan ko!"palusot ko at tinignan si Jam "Ikaw talaga oh nakita mo na yung butiki? Halika na sa kaklase." Nilingon ko naman si Ethan "Sige pare." at tinapik sya sa likod
At mabilis kaming naglakad palayo, nagkatinginan kami ni Jam. "Mukhang hindi pare." napatango naman kami.
Imposible e, kasi sa picture kahawig na kahawig talaga ni Ethan, kaso dun ang laki ng ngiti nya ibang iba sa Ethan namin. Napailing na lang ako at dumiretso sa room
--
NICOLE'S P.O.V
"Fourth reason, SAS." Sabi ni Ethan. Ako naman sinusulat ko sa cattleya notebook. Math time kasi namin 'to tas ginawang free time ni sir para daw makapag search kami dito sa Library dun sa Project namin. Kanina pa nga ko sulat ng sulat dito e, sya naman taga hanap. Nakakapagod na nga e' pero okay lang, hindi naman ako katulad ng iba na sumusuko agad at nangiiwan. Ansabe ng hugot oh?
Biglang may binigay sakin si Ethan na ruler. "Pwedeng pantayin mo naman?" At kinuha sakin yung notebook sya yung nagpantay ng sunod na kailangan kong idrawing para sa proving proving na 'to. Inis nyang binalik sakin yung notebook "Stupid." Sabi nya, inis kong kinuha yung notebook at umirap ng palihim.
"Oh edi ikaw gumawa, arte" bulong ko "Ano yon? May sinasabi ka?" Tanong ni Ethan, tinignan ko naman sya at ngumiti ng sarcastic "Wala, sabi ko pag bubutihan ko na yung pag drawing ng triangle na yan" at ngumiti. Umirap naman sya at tumingin ulit sa libro.
Tuloy tuloy lang sya nagsasabi hanggang sa sumakit na talaga yung kamay ko pano ba naman benteng example yung kailangan tas ang hahaba pa ng mga pinagsasabi ni Ethan na reasoning, tumayo naman si Ethan at naghanap hanap ng pwedeng librong makuhanan. Binaba ko muna yung ballpen at nagstretching kasi ang sakit na ng batok at likod ko kakayuko. Minassage ko din yung right hand ko, ang sakit na talaga promise. Sinandal ko muna yung likod ko at pumikit
"Ms. Villanueva, ang saya ata ng buhay mo at hindi gumagawa?" Napadilat ako nung narinig ko si Sir sa likod at nakapamewang, bored kong tinignan si sir.
"Sir, kanina pa ho ako nagsusulat. Sumasakit na nga po kamay ko e!" At pinakita yung kamay ko tinaasan lang ako ng kilay, aba. "Tska naghahanap pa po si Ethan ng libro! Sige na sir dun ka na mag laro ka na lang ng Jackstone." At yumuko muna ako. Rinig ko namang umalis ni sir, paglingon ko nakikipag laro na ulit ng Jackstone, napailing na lang ako.

BINABASA MO ANG
Young Love
Fiksi PenggemarYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"