YL 15

25 3 0
                                    







Ethan's P.O.V





Nasasaktan ako dahil sa mga sinabi nya, pero mas nasasaktan ako kasi nasasaktan ko sya. Hindi ko alam na ganun na pala yung pagka gusto nya sakin. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi sa kanya yon, Oo gusto ko sya pero naguguluhan din ako at the same time, I don't know why. Gusto ko lang maging honest sa kanya kaya nung tinanong nya ko sinagot ko, pero hindi ko alam na ganun pala kalaking epekto sa kanya. 





Mga bata pa kami, hirap ako mag express ng feelings ko, baka masaktan ko sya. Pero hindi ko namamalayan sa sobrang ingat ko, nasasaktan ko na talaga sya. Tinatry ko naman ipakita sa kanya eh, I'm trying but I didn't know na hindi pa pala sapat yon. 





Hindi ko rin alam kung bakit ko sya sinumbong e, kasi nung nakita ko yung ginawa nya bigla na lang ako nainis kaya hindi ko napigilan sabihin kay ma'am, para makuha yung phone nya. Nakita kong malayo na sya.





Napapikit ako at huminga ng malalim. "STUPID!" Sigaw ko, nakita kong nanlaki yung mata nila Arisse sakin dahil sa sigaw at yun pa yung tinawag ko sa kanya.





Hindi sya kumibo, tuloy tuloy lang sya sa paglakad nya. Napailing ako at sinundan sya, nakita ko naman susunod sana sila Arisse pero pinigilan nila Pat. Nung naabutan ko sya hiniwakan ko yung braso nya at pinaharap sakin, inis naman nyang tinanggal yung kamay ko sa pagkahawak sa braso nya.





Huminga ako ng malalim. "Gusto mo ba malaman kung bakit kita sinumbong kay ma'am?" Tanong ko, umirap sya sakin at pinunasan yung luha ko.





"Kanina ko pa nga tinatanong diba!?" Sarcastic na sabi nya, napahinga ako ng malalim kasi naiinis na din ako sa kinikilos nya ngayon, pero sige huminahon ako bago tumingin sa mga mata nya.





Napatingin naman ako sa mga dumadaan sa gilid namin. "Could you please lower down your voice?!" Tinaasan nya lang ako ng kilay, dumaan naman yung Van namin kaya sinakay ko sya kala tuloy nila kinikidnap ko, pumapalag sya pero nung naisakay ko na sya tumahimik sya sa isang gilid.





"Hindi tayo makakapag usap dito." Sabi ko sa kanya kasi ang daming tumitingin samin. Sinabi ko kay manong na dalhin kami sa may tahimik na lugar, pagka park nya pinababa ko muna yung driver. Humarap ako agad kay Nicole na naka cross arms at nakasimangot.





"Oo sinabi ko na hindi pa ko sure sa feelings ko, pero that doesn't mean pwede ka na makipag kita sa iba." Pagkasabi ko nun tumingin sya agad sakin.





Nakita ko yung text nila ni Tobe kanina. Shit I don't know why pero nung nakita ko makikipag kita sya uminit agad yung ulo ko. That boy, hindi ba't malinaw sa kanya na hindi ako nagsha-share? Kailangan pa ata ng pasa sa mukha bago makaintindi eh. Fuck, kelan pa ko naging ganito ka possesive?





"Wow!" At nag slow clap pa sya. "Ano ka swine-swerte? Ang unfair mo naman talaga eh no?! Porket hindi ka sure sa feelings mo pag babawalan mo na ko makipag kita sa iba? Eh ano naman kung makipag kita ako? Bakit ano ba tayo?" Napatingin sya sakin, hindi ako nakakibo. "Oh tignan mo! Ni hindi mo nga masagot! Wala naman tayo diba? Tas hindi ka rin naman sure sa feelings mo. O ano kinakainit ng dugo mo kung makipag kita ako kay Tobe?! Ano naman sayo yun ha?!"  inis na sigaw nya.





Napapikit na lang ako kasi unti unti na kong naiinis.





"Sabi mo gusto mo ko?" Tanong ko sa kanya, ngumisi sya at tumango.





"Oo gusto kita, pero hindi ibig sabihin nun hindi na pwede magbago yon." Matapang na sabi nya, napatingin ako sa kanya at dumilim yung mga mata ko. 





Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon