YL 4

20 4 0
                                    




--After a month


It's already a  month now. And grabe, sobrang saya. Well ofcourse paki tanggal yung homeworks dun, hindi masaya gumawa ng homeworks. Anyways, sa loob ng 1 month, Ayon onti onti ko na nakakausap yung ibang kaklase ko kasi nung una halos kami kami lang nila Naddie yung naguusap syempre Akward pa. Then, ayon naka sali ako sa Varsity, every other day yung training namin kasi yung basketball din nagtra-training. Tuwing lunch magkakasabay kami nila Arisse pati nila Jam. Kaso nahiwalay ng section samin si Jam at Pat, bali Section B sila. Then si Ethan naman, ayun gwapo pa rin. Hindi biro lang, wala same ang sungit at ang cold pa din. 


Hindi ko sya lagi kinakausap baka kasi mapansin nya na crush ko sya eh. 


"Okay, class dismissed." Sabay na pag ring ng bell, nagtayuan naman silang lahat. 


"Yes, lunch na." Rinig kong sabi ni Naddie, pero ako nakaupo pa rin at kumukopya ng notes sa Math, aba kahit naman may alam na ko kailangan ko pa rin ng guide.








"Sumakit brain cells ko sa Math ha." Biglang lumapit si Naddie sakin. "Matagal ka pa nic?" Tanong nya, umiling naman ako. 





Tumingin naman siya dun sa katabi ko. "Hintayin mo na kami Than?" Tanong nya. 





"Mauna na ko." Mahinang sabi nya, tumango naman si Naddie. Naramdaman kong sa harap ko dumaan si Ethan. Tuloy tuloy lang ako sa pag copy ng notes sa board, isang number na lang naman eh. 





Sinarado ko na yung notebook ko at tumayo. "Tara?" Tanong ko, tumango naman silang dalawa ni Arisse. Kinuha ko na yung wallet ko at Phone. 





Habang pababa kami nagtanong naman si Arisse "So kamusta nga pala na katabi si Ethan?" Natawa naman sila pareho. 





Yes, katabi ko si Ethan. "Ayon, napapanis lang naman yung laway ko." Mas natawa sila pareho, totoo naman eh. Sa loob ng isang buwan ilang beses ko sya sinubukan kausapin pero nganga lang ang abot ko. Kung hindi sya nakikinig sa teacher, natutulog! Wala ata nakakatagal dun eh! Nung nakita ko yung seat plan natuwa pa ko kasi katabi ko sya, ngayon parang gusto ko na magpalipat! Si Naddie at Arisse naman sa may bandang harap nakaupo, sa likod kasi kami ni Ethan eh.





"Hay nako, wala nga ata nakaka tagal dyan eh." Sabi ni Arisse, nag nod naman si Naddie.





Pag dating namin sa Canteen, nakita agad namin sila Pat na nagtatawanan. Dumiretso naman kami sa table nila at umupo sa harapan nila. Nakita kong napapangiti si Ethan, napataas ako ng kilay ko at napailing. Bago yan ah, ngumingiti si Ethan Castillo? Sabagay di naman sya Alien.

Hinihintay ata nila kami kasi wala pa silang pagkain sa harap eh. 





"Ano ba yung pinagtatawanan nyo? Kanina pa kayo eh." Saway ni Naddie, mas natawa naman sila Pat. Kita kong palihim na tumatawa si Ethan habang nakatingin kay Jam.





Tumawa muna si Pat bago magkwento "Eh siraulo kasi 'to si Jam eh, habang nag didiscuss si Sir bigla ba naman sumigaw, ayan ang siraulo napa labas." Tawa ng tawa si Pat, natawa din naman si Naddie at napailing. "Buti pa ko tahimik lang, Pero halos mautot na kaya ako sa pag pigil ko ng tawa. Tignan mo Arisse" nagulat naman si Arisse "Hindi ka ba proud sakin? Ako nasa loob!" 





Ngumiti si Arisse "Nasa loob nga, pero mga bagsak naman!" At umirap, napatahimik si Pat





Sinampal sya ng mahina ni Jam "Ano ha? Ako nasa labas pumapasa, ikaw nasa loob bumabagsak! Tara brad palabas ka rin ng tumalino ka naman. Tularan mo kasi ako." Mahangin na sabi ni Jam. Mas nagtawanan na lang kami habang nag aasaran sila kung sino yung mas matalino.





Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon