Nicole's P.O.VNakatingin lang ako sa lalaking nakatayo sa harap ko at nakangisi.Lul ka, Ethan. Gusto ko sabihin, pero hindi ako makagalaw. Hindi pa rin mag sink-in sakin. Napa balik lang ako sa reality nung isara nya yung bibig ko at tumawa.
"You're drooling. But it's okay, as long as it is me who you're drooling at" sabay ngisi.
Napa iling naman ako at napa blink sabay hampas sa kanya ng sobrang lakas, nagulat s'ya sa ginawa ko. Aba dapat lang sa kanya yan! After n'ya sakin hindi magreply ng matagal at hindi nakanuod ng game namin! Biglang may paandar s'yang ganito?! HINDI. AKO. KINILIG.
Hinimas nya yung braso nya at nakakunot yung noo. "Wow, you're welcome" sarcastic na sabi nya.
Napa padyak ako sa inis at pumasok sa gate pero bago ko pa maisara, hinarang na n'ya yung paa nya. At binuksan yung gate, inis akong tumingin sa kanya.
"Ano?!" Sigaw ko sa kanya, nanlaki mata nya sakin.
"After kita bigyan ng flowers, wa-walk out-an mo 'ko? Balik mo sakin yung flowers at dun pwede ka na mag wa—oy!" Sigaw nya sakin ng itapon ko sa kanya yung flowers at pumasok na sa dorm.
Napatingin sya sa flowers sabay habol sakin sa loob, para pigilan ako. At pinaharap sa kanya, ngumiti naman sya at umirap ako.
"Ito, binibiro lang eh." Inabot nya sakin yung flowers. "Sayo talaga yan, kasing panget mo." Pang aasar nya na mas lalo kong kinainis pero bago pa ko mag walk out at itapon yung flowers pero syempre di ko gagawin sayang naman yung flowers. Hinila na nya wrist ko at pinaharap sa kanya, may sincerity naman sa mga mata n'ya.
Huminga sya ng malalim. "First, sorry kung hindi ako nakapag reply. I'm sorry kung hindi ako nakanuod ng game mo, pero I swear I tried na makahabol pero hindi talaga kinaya eh." Napahawak sya sa batok nya at yumuko.
Biglang nanlambot naman yung puso ko. Pero, nagtatampo pa rin ako. Pero hindi ako galit, kasi wala naman akong karapatan eh. Hindi naman kami, masakit.
Tinignan ko sya. "Okay lang." Sabi ko, tumingin naman sya sakin.
"O-okay lang, hindi ka galit?" Tanong nya, umiling naman ako at ngumiti. "Promise?" Tanong nya, tumango naman ulit ako.
Pero bigla syang sumimangot. "Eh galit ka pa eh! Kita mo puro tango at irap plus walk out yung binibigay mo sakin." Natawa naman ako at kinurot yung pisngi nya.
First time ko makita na ganito ka sweet at kacute si Ethan, para syang ipis na ang sarap pisain. Joke.
"Oo nga, hindi naman ako galit. Wala naman ako karapatan magalit kasi hindi ta--" hindi nya pinatapos yung sinasabi ko kasi tinakpan nya yung tenga nya at pumikit, natawa naman ako kasi ayaw nya naririnig sakin yung 'hindi naman tayo' ang gulo nya rin ano?
Napangiti na lang ako tinanggal yung daliri na nakatakip sa tenga nya. "Nagtatampo lang ako" paglinaw ko sa kanya, tinignan n'ya lang ako.
Nakatitig lang s'ya sakin, kahit gusto ko mainis sa kanya hindi ko magawa. Una, kasi wala akong karaptan. Pangalawa, ang gwapo nya. Pangatlo, ang ganda ko. Pang-apat, ang ganda ko ulit.
Ngumiti naman ako sa kanya, nakatayo parin sya sa harap ko hanggang sa huminga sya ng malalim at tumango na rin. Pinadulas nya yung kamay nya from my arms hanggang sa wrist ko at swinay-sway yon, natawa naman ako sa kinilos nya. Nakita naman nya yung hawak kong plastic

BINABASA MO ANG
Young Love
FanfictionYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"