"Ethan bading ka ba?" Napatakip ako agad sa bibig ko at napamura sa isip ko.
Napatigil si Ethan at unti unting humarap sakin, ang sama ng tingin nya sakin. "What the f-fuck did you just say?" Dahan dahan syang lumapit sakin at ako naman unti unting umaatras.
"Ba-bading ka ba?" Napatakip ulit ako sa bibig ko, stupid Nicole! Bakit inulit mo pa? Mas sumama yung tingin nya sakin, palapit sya ng palapit ako naman atras ng atras hanggang sa naramdaman ko na yung malamig sa likod ko. "Shit." Bulong ko, kasi pader na yung nadama ko.
Biglang nag smirk si Ethan at mas lumapit sakin hanggang sa nilagay nya yung dalawang kamay nya sa gilid ng ulo ko, unti unti na ko nagdadasal sa lahat ng Santo na kilala ko. "You think I'm gay?" Napaka seductive ng tono ng boses nya, hindi ako makatingin sa kanya naka yuko lang ako at nanginginig yung tuhod ko.
"Edi sana.." Hinawakan nya yung chin ko at pinatingin sa mga mata nya, nalunod naman ako sa mga tingin nya. Bigla nyang nilapit yung ulo nya at dahil dun napa pikit ako at sobrang lalim ng hugot ng hinga ko, naramdaman ko yung lips nya na medyo tumama sa tenga ko. "Hindi ako makakalapit sayo ng ganito diba?" Pabulong na sabi nya, napadilat naman ako dun.
Sobrang lapit ng mukha ni Ethan sakin at amoy na amoy yung manly scent nya, Shit ilayo nyo po ako sa tukso at baka malapa ko 'tong lalaking 'to. At bago ko pa magawa yung nasa isip ko itinulak ko sya at akmang aalis na nung binalibag nya ko pasandal sa pader at trinap yung dadaanan ko.
"A-ano?" Nanginginig na sabi ko, kasi promise mas malapit yung mukha nya ngayon. Napatingin naman ako sa lips nya. At tinignan yung mata nya, hindi hindi ako pwede mag patalo, halata naman na inaasar nya ko eh. Naka smirk kasi sya ngayon.
Inayos ko yung tayo ko na halatang kinagulat nya pero hindi nya pinakita. "Ano? Bading ka ba Ethan? ang picky mo sa food, tas may preserved flower ka pa dyan sa libro mo!" Triny kong mabuti na iiwas yung ulo ko sa kanya at tignan yung libro nya. "Tapos napaka sungit mo sa mga babae, lalo na sakin! Tas napaka sensitive mo. Hindi ba signs yung ng pagiging bading?" Tinulak ko sya ng bahagya,a t tinaasan sya ng kilay, hah kala nya ah.
Bigla nyang hinawakan yung wrist ko, "Hindi mo ba talaga alam? Are you really stupid o sadyang ganyan ka talaga kamanhid?" Matigas na sabi nya. Napatulala naman ako, Ano daw?
Umayos na sya ng tayo at tumalikod sakin, pero bago pa sya makapag lakad nagsalita ako. "Kung hindi ka bading, eh ano? Gusto mo ko?" Matapang na sabi ko, pero wala syang sinagot narinig ko lang yung pag ngisi nya at naglakad palayo iniwan akong naka sandal sa pader.
![](https://img.wattpad.com/cover/73057102-288-k891936.jpg)
BINABASA MO ANG
Young Love
FanfictionYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"