YL 20

31 3 0
                                    




--Katkat's Birthday


Nicole's P.O.V


Nasa may white beach kami sa resort kasi namin gagawin yung birthday ni Katkat eh. Nasa may pool area kami tas may stairs dun pababa papuntang beach. Naghahanda na kami para sa birthday ni Katkat mamayang hapon, buti na lang at may lilim dito. Close friends lang yung mga sinama namin, at syempre yung relatives namin. Habang inaayos ko yung mga table bigla naman lumapit sakin si mama at tinap ng mahina yung likod ko.


Napalingon naman ako, at binitawan yung hawak kong tela. "Anak hanapin mo nga muna si Katkat—nakita kong kalaro ni Ethan kanina dito e" sabi ni mama habang lumilingon lingon.


Tumango naman ako at kinuha yung phone ko sa table "Opo ma." Iniwan ko muna yung ginagawa ko, nakita ko naman si Arisse at si Pat na tumutulong na ayusin yung mahabang table kasi dun ilalagay yung mga pag kain. Ayaw pa nga sila patulungin nila mama pero nagpumilit sila.


Lumingon lingon naman ako, sa mga nadadaanan ko baka sakaling makita yung dalawa. Alam nyo ba sa loob ng ilang araw na pag stay namin dito, si Katkat halos ayaw na humiwalay kay Ethan. Sobrang kinukulit at bine-baby kasi ni Ethan si Katkat, itong batang maharot naman to tuwang tuwa. Naging maayos rin naman yung pag stay nila Ethan dito at nagpunta rin kami sa mga magagandang lugar dito, tska medyo okay naman sila papa sa kanila.


Nung gabing dating din kasi namin, kinausap ako ni mama at papa. Tinanong kung may something ba samin ni Ethan, kasi napapansin daw nila yung pagiging malapit namin ni Ethan, umamin naman ako sa kanina at kwinento lahat lahat, pati na rin yung sya si 'pot' at nung pag amin namin sa isa't isa, hindi naman sila nagalit. Nag advice lang na mag focus kami sa studies ganyan, um-oo naman ako at wag daw namin sisirain trust nila samin, malaki na daw ako ganyan. At eto pa, pag gising namin kinabukasan, nakita ko magka usap si papa at si Ethan, pero nung nakita nila ako ngumiti lang si papa at tinap yung likod ni Ethan, nung tinatanong ko naman kung ano yon, ayaw sabihin. Sa kanila na lang daw yon. Luh no?

Nag tanong tanong din ako sa staffs kung nakita nila yung dalawang mag syota, di biro lang. Dapat kami ni Ethan yung hinahanap pag ganun diba? Biro lang ulit. May nakapag sabi na nakita daw nila na naglalaro sa may beach, napapunta naman ako dun muntik pa nga ko masubsob dahil naapakan ko yung mahabang beach dress ko, inaasar pa nga ni Ethan kasi parang kulambo lang daw yung suot ko, walang alam sa fashion sabagay talaga ibang planeta naman sya eh.


At ayun nga, nakita kong naka pasan si Katkat sa may batok ni Ethan habang hawak hawak naman ni Ethan yung dalawang kamay nya habang naglalakad sila sa tabing dagat, para silang mag tatay kasi naka polo at shorts si Ethan na pang beach tas naka open yung damit nya, kaya kitang kita yung abs nya. Napangiti naman ako, naiimagine ko tuloy pano kung may anak na kami ni E—wait what? 


Erase erase. Napailing na lang ako at lumapit sa kanilang dalawa, nung nakita ako ni Ethan ngumiti sya sakin, nakita rin ako ni Katkat at napatili dahil sa excitement, natawa naman ako. Nung maka lapit ako sa kanila, nakatayo ako sa harap nila nakatingin sila pareho sakin, tumingin muna ako kay Ethan tas Katkat.


Inistretch ko yung dalawang arms ko at inaabot si Katkat "Come na katkat, mabigat ka at baka nahihirapan na si ku—okay?" Natatawang sabi ko nung biglang yumakap si Katkat sa ulo ni Ethan at pumikit, napakagat si ethan sa lowe lip nya at natawa. 


Dahan dahan kong binaba yung kamay ko at nag cross arms. "Osige na, dyan ka na sa kuya Ethan mo" parang nagtatampong sabi ko, kasi hindi na sumasama sakin si katkat lagi na lang kay Ethan, nung nagpunta nga kami ng Tamarraw falls nila Arisse, hindi sya pinapasama ni mama kaya iyak sya ng iyak, nung si Ethan yung kumausap, tumigil sya. Nagulat nga rin sila mama e


Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon