YL 10

36 4 0
                                    




--Orphanage


"Saan ba kasi tayo pupunta?" Inis na sabi ko, habang nakatingin sa kanya pero sya busy sa phone nya. Kanina pa nya ko hindi pinapansin at kinakausap. "Sinama mo ba ko dito para manghula kung saan tayo pupunta?" Naka cross arms na sabi ko.


Inis nya kong tinignan. "Hindi kita sinama para magtata-talak ka dyan." At umirap pa sya sakin. Inis ko namang binagsak yung sarili ko sa upuan at tumingin sa bintana. Biglang nag vibrate naman yung phone ko, pansin kong napatingin sakin si Ethan pero hindi ko sya tinignan.





From: Mama

Baby Panganay ko! Ano kamusta? Kelan ka ba uuwi dito? Makauwi ka ba sa birthday ng kapatid mo? Miss ka na namin anak. Iloveyou anak.


Napangiti naman ako sa text ni mama, nireplyan ko naman agad sya na makakauwi ako kasi sa August may 1week dun na walang pasok kasi may retreat ata yung mga teachers namin sa Ilocos, kaya pwede ako makauwi nun. Miss na miss ko na rin si Katkat e, yung little sister ko.





Mayamaya huminto na rin yung sasakyan, napatingin naman ako nung binuksan ni Ethan yung pinto at bumaba sya, ine-expect ko na tutulungan nya ko bumaba pero hindi nakatayo lang sya sa harap ko.





Ang sama ng tingin ko sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay "Pati ba naman sa pag baba ang bagal mo?" Iritang sabi nya, pagbaba ko sinira na agad nya yung pinto. 





"Napaka impatient mo naman." Reklamo ko pero tuloy tuloy lang sya sa paglalakad, napatingin naman ako kung nasan kami. "Sisters orphanage." Pagbasa ko, teka anong ginagawa namin dito? 





Sinusundan ko lang si Ethan hanggang sa makapasok sya sa loob, nakita kong may lumapit na sister sa kanya at tuwang tuwang niyakap sya. Habang ako nasa likod nya





"Sister Carlita!" Nakangiting sabi ni Ethan. Humiwalay na si sister sa yakap nila at nakangiting humarap kay Ethan.





"Ethan! Buti naka dalaw ka dito, 3months ka na namin hindi nakikita dito ah, kamusta ka na? Nako miss na miss ka na ng mga bata." Nakangiting sabi nya, huh? Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Nagpupunta si Ethan dito? Napatingin naman sakin si Sister at nagtatakang tumingin kay Ethan, nilingon naman ako ni Ethan.





"Ah, sister kaibigan ko po pala. Si nicole" at hinatak ako ni Ethan papunta sa tabi nya, nakangiti akong bineso ni sister.





"Ay hello ija, kamusta ka? Buti naman at nasamahan mo si Ethan dito." Nakangiting sabi nya. Napatingin ako kay Ethan pero hindi sya nakatingin, ngumiti naman ako kay Sister





"Ah eh opo. Baka kailangan nya po kasi ng chaperon. Hehe." At akward akong tumawa, natawa naman si sister "nako nakakatawa naman itong kaibigan mo Ethan, at ang ganda nya ha."  namula naman yung pisngi ko.





"Nako sister, maliit po na bagay wag na po natin palakihin." Pagbibiro ko, mas natawa naman sya pansin kong napairap si Ethan. Sinamahan naman kami ni Sister sa may playground at dun ko nakita yung mga bata na nasa edad 2-5 years old na naghahabulan, nung nakita nila si Ethan tumakbo agad sila papunta samin





"Kuya Ethaaaan!" At niyakap nila si Ethan, binuhat naman ni Ethan yung isang batang babae at ngumiti sya dito, nagulat naman ako sa mga nangyayari. Si Ethan ngumingiti? At nakikipag laro sa mga bata? 





"Hi Caris, kamusta ka ha?" Sabi nya sa buhat buhat nyang bata na 4-5 years old lang ata, ngumiti na parang kinikilig naman si Caris kasi tinago nya yung mukha nya sa balikat ni Ethan nakita kong napatawa si Ethan sa kanya, maraming bata yung lumapit kay Ethan habang ako nakatayo lang dito sa gilid at pinagmamasdan sila.





Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon