YL 26

29 2 0
                                    


Nicole's P.O.V


5

4

3

2

1



"HAPPY NEW YEAAAR!"

Sigaw namin nila Arisse at Naddie habang magka akbay kaming tatlo at sabay sabay na sumisigaw habang nag tata-talon, tawa kami ng tawa kasi hanggang ngayon, naniniwala pa rin kami na tatangkad kami.

Nagsimula na umingay at lumiwanag ang kalangitan dahil sa iba't ibang fireworks na nagsisiputukan, nagyakapan kami nila Arisse at nagbatian, naghiwa-hiwalay kami para batiin yung mga kasama namin, andito kasi kami sa bahay nila Ethan, dito namin cinelebrate yung new year namin. Pero nung Christmas, umuwi ako ng Puerto, lumawas din ako para sa new year akala ko nga hindi papayag sila mama eh dahil naka ilang speech pa sila bago ako payagan. Nakita ko sila Tito, Lolo at Lola at binati sila, binati rin nila ako pabalik.

Hinanap ko agad si Ethan habang tinatakpan yung ilong ko ng panyo kasi sobrang usok, nasa may garden kasi kami, kita din kasi dito yung mga fireworks. Pumasok ako sa loob para hanapin si Ethan pero wala s'ya. Hinanap ko din sa sala, kitchen pati nga sa kwarto n'ya dahil baka nagpapaka- cold Ethan na naman s'ya, pero negative.

Nakasalubong ko yung isang pinsan ni Ethan at sinabi na nasa labas daw kasama sila Pat at Jam, dumiretso naman ako sa labas ng gate nila, at nakita ko s'ya na may hawak na stick tas nagsusulat sila sa ground, dahan dahan akong lumapit para iback hug s'ya pero 5 steps away pa lang ako, lumingon na s'ya. Ngumiti naman s'ya sakin.

Binilisan ko yung pagpunta ko sa kanya. "Hey" sabi ko at yumakap sa bewang n'ya, nilayo naman n'ya yung stick na hawak nya at unti unting nawawala yung light dun.

Binato na n'ya yon, at inakbayan din ako. Nakita kong nagtatawanan si Jam at Pat, palapit samin. Binati ko naman agad yung dalawa at dahil dun nagreklamo si Ethan.

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

Sumimangot s'ya sakin. "Mas nauna mo pa sila batiin kesa sakin?" Nagtatampong sabi nya.

Tumawa naman si Pat at Jam. "Syempre, kami naman talaga unang crush ni Nicole." Sabi ni Pat.

Sumabat naman si Jam "Oo nga, kami naman talaga kung hindi ka lang si Pot-pot eh." Maarteng sabi n'ya sa 'potpot' kaya nagtawanan kami.

Tinulak naman sila ni Ethan "'Dun na nga kayo, mga bading! Wag n'yo masyado ipahalata na crush n'yo ko-- tsupi" at pinagsisipa sila, pinalo ko naman si Ethan habang tumatawa.

Umiwas naman si Jam. "Kami bading? Napaka gwapo ko naman maging bading-- kita mo 'to brad eto ba yung bading?" Nanlaki naman mata ko habang tinataas ni Jam yung shirt nya kitang kita yung abs nya at yung V-line nya.

Ula-lam! Pero bago ko pa mabilang kung ilan yung layers, may isang malaking palad ang tumakip sa buong mukha ko. Sa sobrang laki ng kamay n'ya imbis na mata ko lang yung takpan, buong mukha ko yung sakop.

"Get your ass out of here Jam." Inis na sabi ni Ethan, narinig ko yung tawa nila at unti unti humihina, 'dun lang tinanggal ni Ethan yung kamay n'ya. Nakita ko naman na wala na sila Jam, luminga-linga naman ako.

Sinamaan ko ng tingin si Ethan. "Panira ng view." at tumalikod na sa kanya pero bago ko maka hakbang hinawakan na n'ya yung wrist ko, at hinarap sa kanya. Pinigilan ko naman tumawa habang naka kunot yung noo n'ya sakin. These past few months kasi dahil sa hard training at pag g-gym ni Jam, putok na putok na yung mga muscles nya. Though, kahit pa naman noon eh may abs na si Jam, pero ngayon kasi iba na yung pagkaka-hot nya. Muntik ko na nga ko mag taksil kay Ethan dahil nagcu-crush ako kay Jam eh.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon