YL 17

24 5 0
                                    




--Exams Day


Nicole's P.O.V


Inaantok akong pumasok sa school, lintek gumising kasi ako ng 3am para mag aral ulit ng History eh. Akalain nyo yon? First day na first day, major subjects agad yung ita-take namin? Lintek na yan. Ayan bangag na bangag talaga ko. 3 days lang kasi yung exams namin, tas 3 subjects per day. 

Math, English at history yung ita-take namin ngayon, kaya sobrang ngarag ako. Lalo na yung sa Math! Yumuko ako sa desk ko at ginawang unan yung dalawang braso ko, at hinirap yung ulo sa may side ng chair ni Ethan, wala pa naman sya eh. Onti pa lang kami dito sa room, yung iba nag aaral, yung iba nag kwe-kwentuhan. 


Nagulat ako nung may kumalabit sakin. Inis kong tinignan yung kumalabit sakin, antok na antok pa kasi ako. 


"Uhm nicole, may extra Sci-cal ka? Para sa Math." Tanong ni Jay, kaklase namin. Napahawak naman sya sa batok nya. Umiling ako "Wala e, tanong ka sa ibang section. Isa lang kasi yung sci-cal ko." Sabi ko, tumango naman sya at umalis na.


Binalik ko na yung pwesto ko at pumikit. Nung makakatulog na ko, nagulat ako nung may sumusundot sa ilong ko, inis kong pinalo yung kamay nya at nilagay yung ulo ko sa pagitan ng dalawang braso ko, inayos ko pa yung pagkakayuko ko. Nagulat naman ako nung bigla nyang pinasok yung dalawang daliri nya sa maliit na butas sa mga braso ko para masundot yung ilong ko.


"ANO BA." Inis kong sigaw at tumingin sa kung sino sumusundot sa ilong ko, nakita kong natatawa si Ethan habang kinakagat yung lower lip nya, hinampas ko naman sya. "Kitang natutulog eh." Inis na sabi ko at yumuko ulit.


"Wag mo na kasi kulitin Ethan, nagising pa yan ng 3am para mag aral." Rinig kong sabi ni Arisse. Nasa may harap na chair ko kasi sya nakaupo.


Tinakpan ko bahagya yung tenga ko kasi ang iingay nila. "Bakit? Nag aral naman kami nung Saturday ha?" Tanong ni Ethan, Oo nung Saturday nag aral kami sa kanila ng Math, pero kasama namin sila Pat kasi hindi daw nila magets yung Math. 


"History inaral n'yan." Sagot ni Arisse, hindi ko na narinig sumagot si Ethan. 


Biglang sumakit yung ulo ko, kaya siguro wala rin ako sa mood kasi masakit na ulo. Narinig kong naglapitan yung mga kaklase namin kay Ethan para magpaturo ng Math, pero hindi sila sinasagot ni Ethan. Sumilip naman ako, para makita ginagawa ni Ethan. May sinusulat lang sya sa notebook nya at pinasa na yon sa mga kaklase namin, nagkumpulan naman sila sa Notebook ni ethan. Ayan ha, wag pa kayo kumopya ng notes sa board. 


Halos kasi lahat ng nasa exams, sabi ni sir ay yung mga binigay daw nyang examples sa seatworks, quizzes at monthly test. 


Biglang narinig kong nag sara yung pinto, means andyan na yung advicer namin at co-advicer para mag bantay, umupo na ko ng maayos. Pero nakaramdam ako ng sakit sa ulo kaya pinatong ko yung siko ko sa table at yung palm ko nakahawak sa may forehead ko, ang sakit talaga.


May kumalabit naman sakin, nilingon ko si Ethan. "You okay?" Tanong nya, tumango naman ako. "Kumain ka ba ng breakfast mo?" Umiling naman ako, napa-tsk sya. Eh wala akong gana mag breakfast eh.


Maya maya pinasa na yung test papers, Math yung unang ita-take namin. Naglabasan na ng sci-cal at scratch papers, halos nanlumo ako nung nakita ko yung mga questions. Tinry ko pa rin gawin yung formula at yung mga tinuro ni sir, buti na lang may multiple choice. Mabilis kong nasagutan yung test 1 and 2, kasi halos yun yung mga pinag aralan namin na examples. 


Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon