YL 23

27 3 0
                                    




Nicole's P.O.V


From: Ethan Alien

Goodluck. Mag ingat ha? Tanga ka pa naman.

Received 9:15 am





"Nicole, ready papasok ka na." Napatingin naman ako kay coach at tumango. Tinago ko agad yung phone ko at tumayo pumunta naman ako sa gilid ng net para makita ng mag su-substitute kami ni Kaye, yung setter namin. 


Nung pinasok na ko, hindi pa rin mawala sa isip ko na hindi pa din nagtetext si Ethan. Nakina Marie kasi sya, magka group sila sa isa sa mga subject namin. Kanina pa yung text nya e, anong oras na! 1pm na tas may game din kami, wala sya. Napasimangot naman ako nung naalala ko yun, 2nd set na ng laro. Kami nanalo sa first set, kaya kapag napanalo namin to, panalo na kami. 


12-15 yung score, mas nakakalamang kami.


Nagulat ako nung biglang nasa amin na pala yung bola, hindi ako agad naka takbo sa harap kaya hindi ko na-set buti na lang sinalo to agad ni Naddie, napatingin sya sakin. Napa ayos naman ako ng tayo, sinesenyasan nya ko na umayos. Si Naddie kasi yung Captain namin eh. Umiling iling ako para maayos yung laro ko. 


Nakaka ilang pasa na sakin, nasasalo ko naman at naayos yung bigay sa open namin. Napapalingon naman ako sa may bleacher, inaasahan na andun si Ethan pero wala sya. Nagulat ako nung bigla silang nagsigawan, napatingin naman ako kasi dive si Arisse para masalo yung bola na dapat ako yung kukuha. 


Tumayo naman agad si Arisse at tinignan ako. "Ano ba nicole! Focus." Inis na sabi nya, napatango na lang ako. Tinignan ko si Coach, sobrang seryoso ng mukha nya.


Napatingin ako sa score. 23-20 na, mas nakakalamang yung kalaban. Bigla naman nag sign si coach ng time, kaya pumito yung referee, tahimik akong pumunta kay coach. Ako yung unang pinagalitan nya.


"Ano ba nicole! Nakakahabol na yung kalaban oh. Mag focus ka naman! Hindi mo pa nabibigay ng tama yung bola sa openner or sa middle. Ano ba, isang tabi mo muna yang iniisip mo at mag focus!" Sigaw nya sakin, napayuko naman ako. Inabutan ako ng bottle water ng kateam namin. 


Nung pumito na ulit yung referee naglakad na kami pabalik sa pwesto namin, nasa harap ko si Naddie, habang ako nasa gilid nya ko. Si Ali na yung mag se-serve. 


Bumulong naman si Naddie habang nakatingin sa kalaban. "Kung ano man yang iniisip mo nicole, erase it. Wag mo dalhin sa court yang problema mo." Seryosong sabi nya sakin. 


Tumango naman ako at nag sorry, totoo naman eh. Hindi ko dapat dinadala yung problema ko sa court yan yung unang rule namin, pero hindi ko magawa na hindi isipin. Semi-final na to eh! Kapag nanalo kami dito, makakasali na kami sa championship. Kung kelan naman importante yung araw, wala si Ethan. 


Hindi ko na inisip si Ethan nung nagstart na ulit yung laro, sobrang focus lang ako. Kaya naibabalik ko yung bola ng maayos, biglang nag tie yung score. 24-24. Sobrang rally na yung nangyayari samin, ang gagaling din ng kalaban namin. Hanggang sa sinigaw ni Cait yung pangalan ko at sinet ko naman ito agad, tinawag ko yung name ni Arisse kasi sya yung nasa open, sinakto ko sa kanya, sobrang kaba nung mga nanunuod, nagtayuan na nga eh. Hanggang sa tyumempo si Arisse na parang ispi-spike ng ng malakas pero drinop lang nya yung bola. 


Hindi naman nasalo nung kalaban kahit nag dive pa sya kaya kami yung panalo. Nagtata-talon kami sa sobrang saya, kasi kasali kami sa Championship! 


"WOOOOH KASALI TAYO." Sigaw nila kim at nagtata-talon kami. Tinignan namin si Coach at nag thumbs up samin. 


Nag line kami at nakipag apir sa mga kalaban, then nag punta kami sa coach nila.


Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon