YL 22

25 2 0
                                    




Nicole's P.O.V


1 week after nung nakauwi kami galing sa Puerto Galera, inasar asar ako minsan ni Ethan dahil dun sa nangyari sa Plaza dun, at syempre lagi ko syang sinasapak dahil dun. Tinetext na rin ako ulit ni Tobe, syempre nire-replyan ko sya ng ilang words kasi mamaya malaman ng mama nya tas sabihin kay mama, edi baka pagalitan pa ko kasi hindi ko nirereplyan yung anak ng friend nya diba? Pero alam naman yon ni Ethan, minsan nga sya yung nagrereply eh. 


At dahil second quarter na, nagpalit ulit kami ng Seat Plan, medyo napunta kasi ako sa gitna, nasa gilid ko si Arisse habang nasa harap ko naman si Naddie. Si Ethan naman, dun sya napwesto sa may gilid malapit sa pinto sa likod. Iba yung katabi nya at babae yon si Marie. Pero syempre, dahil si Ethan Castillo yung katabi nya balik sa pagiging masungit na naman si Ethan, hindi nya pinapansin si Marie, lagi syang naka yuko o kaya naman tulog. Hindi ko sya masyadong matignan kasi nasa likod sya e, baka maalaska pa kami ng teachers namin. 


Pagdating ko sa school, dumiretso muna ako sa locker ko kasi nakalimutan ko yung TLE book ko, first subject kasi namin yun eh. Pinauna ko na si Arisse sa room, pagdating ko sa locker ko, binuksan ko ito agad, nagulat ako nung biglang may nahulog na note. Kinuha ko yung TLE book ko at sinara yung locker.


Pinulot ko naman agad yung note, at binuksan. Pagka basa ko, biglang kumunot yung noo ko. 





Kamusta week mo?

-Eddie





"Sino si Eddie?" Bulong ko. Habang finofold yung note, halos mapatalon ako nung may nagsalita sa likod ko.


"Eddie ako" napalingon naman ako agad nung may malamig na boses yung nagsalita sa likod ko.


Biglang umangat yung gilid ng labi ko at nilingon sya. "Pauso mo Castillo." Natatawang sabi ko, nakangisi si Ethan sakin at kinuha yung book na hawak ko.


Tinignan nya ko at tinaas yung kilay "Kilig ka lang dyan eh." Sumandal naman sya sa mga loker habang naka ngising nakatingin sakin





Nagmake face ako sa kanya at naunang maglakad. "Asa ka" at kinagat yung lower lip ko para pigilan yung ngiti ko, Nilingon ko naman sya at sinenyasan gamit yung ulo ko.


Sumunod naman sya agad at umakbay sakin, tinignan ko yung kamay nya na naka akbay sakin at nilingon sya, mag naglalarong mga ngisi sa mga labi nya. Napailing na lang ako, may sira din to sa ulo eh.

Habang naglalakad kami sa hallway, bigla naman nya kinalabit yung tenga ko gamit yung kamay nya na nakaakbay sakin, iiwas ko naman yung ulo ko pero inuulit ulit nya hanggang sa mainis ako, tinignan ko naman sya ng masama pero naka straight face lang sya at parang walang ginagawa. 


Pinalo ko naman yung kamay nya "Ethan!" Saway ko at tinanggal yung pag kakaakbay nya sakin.


Tinignan naman nya ko na parang wala syang ginawa at nag taas pa ng kilay. "What?" Sabi nya, inirapan ko na lang sya at naunang maglakad, tumawa naman sya sa likod ko.


May mga ilang students yung nasa hall, hindi pa kasi nag be-bell eh. Napadaan ako sa section nila Pat, nagulat ako nung may nakita akong pamilyar na likod na nakaupo sa may arm rest ni Jam, napataas naman ako ng kilay kelan pa sya nagpunta dito? 


Napalingon ako kay Ethan at sinenyasan sya na andun si Arisse sa room nila Pat, lumapit naman si Ethan sa may pinto at ngumisi, nako feeling ko aasarin na naman nito si Arisse. Naka tayo lang sya sa may pintuan ng section nila Pat at nakacross arms habang naka sandal. Napa iling na lang ako at pumasok sa room namin, ilalagay ko na lang muna yung bag ko sa upuan ko. 


Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon