Ethan's P.O.V"E-ethan, I-ikaw si p-pot?" Umiiyak na sabi nya, hindi ako nakasagot agad. Napatingin ako kay Arisse, bigla syang lumapit samin.
"Iwan ko muna kayo." Sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya at tumango, sinarado ni Arisse yung pinto. Pagtingin ko kay Nicole, tuloy tuloy lang yung pag agos ng luha nya.
Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. "Ethan! Sagutin mo ko." Matigas na sabi nya. "Ikaw ba si Pot?" Pagulit nya, yumuko at dahan dahang tumango. Napatakip sya sa bibig nya at mas umiyak, napapikit naman ako nung narinig ko yung pag iyak nya.
"A-all this time, yung taong hinahanap ko nasa harapan ko lang pala?" Hindi makapaniwalang sabi nya. Nakatingin lang ako sa kanya, gusto ko syang abutin at punasan yung luha nya pero hindi ko magawa, ayaw gumalaw ng mga kamay ko.
Pinunasan nya yung luha nya at tinignan nya ko "A-alam mo?" Tanong nya.
Napairap ako "Malamang, alam ko na ko si pot." Nagulat ako nung hinampas nya ko, napahawak ako sa braso ko at sinamaan sya ng tingin. Sinamaan rin nya ko ng tingin
"Letse naman to nagdra-drama ako tas sisirain mo! Seryoso kasi." Parang batang sabi nya, napatawa naman ako ng mahina.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga mata nya "Oo, alam ko. Alam ko na ikaw si Ba ang kababata ko." Diretsong sabi ko, nanlaki yung mata nya.
Napailing sya at kumunot ng onti yung noo nya "Kelan pa? I mean, pano? Bakit hindi mo sinasabi sakin?" Tanong nya, pero hindi ako sumagot. "Pot! Pano nga?" Pagtawag nya sakin, napailing na lang ako. Ang tagal ko na rin na hindi naririnig yung tawag na yun sakin.
"Nung nawala yung necklace mo." Halatang nagulat sya at napahawak sa necklace na natatakpan ng damit nya, napangiti ako ng tipid.
--Flashback--
Pabalik ako ng court para kunin yung ball cart, kasama ko yung isang player namin si Josh. Habang naglalakad ako biglang may nasagi ako, napatingin naman ako sa lapag. At biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung nakita ko yung necklace.
"Fuck." Mura ko, pinagmasdan ko yung clam na necklace na nakita ko. Biglang lumapit si Josh. "Captain, eto na oh" nakita kong tulak tulak na nya yung ball cart. Tinago ko yung necklace.
Tinanguan ko sya "Sigesige, mauna ka na. May nakalimutan ako sa bag ko e" tumango naman sya, kinuha ko ulit yung necklace at pumunta ako sa bag ko para itago yon.
Yung clam necklace na yon, isang babae lang yung pinagbigyan ko nun dati. Yung babaeng hanggang ngayon mahal ko pa. Ibig sabihin andito sya? Andito si Ba? Nasa paligid ko lang sya?
Buong training namin hindi ako makapag concentrate parang gusto ko na lang tapusin to at umuwi para maisukat sa clam necklace na meron ako. Mayamaya pumasok na kami sa court, nakita naman agad namin sila Arisse na naka harap kay Nicole na ngayong umiiyak, lumapit naman sila Jam dun.
Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Hindi kaya sya yung may ari ng necklace na yon? Lumapit ako para makasigurado.
"Kwintas sya tas may nakasabit na clam don. Tas may naka ukit pa dun e!" Umiiyak na sabi nya. Napatulala ako sa kanya, so sa kanya nga yun? "Yun na lang yung kwintas na iniwan sakin nung taong importante sakin"
BINABASA MO ANG
Young Love
FanfictionYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"