Nicole's P.O.V"Nicole, ano girl pagong? Bilisan mo. Kanina pa naghihintay si Naddie dun, may reserve seat na rin tayo." Pangungulit nya sakin, nasa library kasi kami eh may ginagawa akong school work. Ayoko na kasing gumawa sa bahay, eh eto naman si Arisse kanina pa ko inaaya
"Mauna ka na kasi Arisse, kita mo'ng may ginagawa pa kami eh. Susunod na lang ako" sabi ko habang hindi sya tinitignan at kinokopya yung mga hinahanap ko para sa AP sa isang libro. Napa padyak sya sa inis.
Friday kasi ngayon at may laro yung basketball sila Ethan sa court, laban sa hindi ko alam kung saang school. Eh samin naman yung home court kaya ang sabi ko susunod na lang ako, pero ayaw naman patinag ni Arisse, bibigwasan ko na 'to eh. De joke lang hehe
"Eh hindi nga kasi pwede, inutos ka sakin ni E--" bigla syang huminto at napatakip sa bibig na para bang nadulas sya sa dapat na hindi nya sabihin, napatingin naman ako sakanya.
"Nino?" Tanong ko, huminga sya ng malalim at umiling. Bigla syang umupo sa harap ko "Ilang number pa ba yan?" Tanong nya at tumingin sa orasan "Friday naman ngayon e! Pwede mo naman gawin yan sa bahay eh. Napaka-ano mo naman" at dumikwatro sya tas umirap.
Napairap din ako "Eto na, last na." At kinopya ko yung huling sagot. Tumayo naman na ako, napa palakpak sya sa tuwa "Teka. Babalik ko lang tong mga libro."
Kukunin ko na sana yung mga libro at babalik nung pinatong nya yung kamay nya sa libro "Wag na, sila na lang pabalikin mo." Inis na sabi nya at tinawag yung isang kaklase namin at sya yung pinabalik nya ng libro, nahihiya naman ako sa kaklase ko pero hinila na ko ni Arisse palabas ng room.
Patakbo kaming pumunta ng court rinig na rinig mo nga yung hiyawan sa may pinto pa lang ng Gym e. pumunta naman kami may harap. "Excuse me, excuse me!" Inis na sabi ni Arisse, grabe ang daming tao.
"I SAID EXCUSE ME!" sigaw ni Arisse, nagtabihan naman yung mga tao. "Ayan, gusto pa ata sigawan eh." Hila hila lang nya ko
"Oy chill ka lang." Sabi ko sa kanya, pero inirapan nya lang ako at umupo sa harap na bleachers. Andun na naman si Naddie at tinanong kung bakit ang tagal namin, ako naman yung tinuro ni Arisse. Napa peace sign na lang ako sa kanila, hawak hawak ko pa nga yung libro ko e kaya nilagay ko muna sa bag ko.
"Hindi ko makita." Sabi ko, hindi ko kasi suot yung salamin ko eh kaya kinuha ko muna to sa bag ko "Uy shit 3D" natatawang sabi ko, sobrang linaw kasi. Tinignan ko naman yung mga naglalaro, teka bakit wala si Ethan?
"Asan si ethan?" Bulong ko, napatingin naman ako sa baba namin at ayun si Ethan nakaupo lang.
Kinakausap nung coach nila na maglaro na si Ethan, nasa may baba kasi ng Bleacher na kinauupan namin sila Ethan, kaya rinig na rinig yung sinasabi ni Coach. Pinapasok nila si Ethan at pinalitan yung isang kamember nila. Mas nagtilian naman yung mga babae sa likod ko, sobrang hearthrob naman ng ugok na 'to. Napatakip ako sa tenga ko tuwing nakaka score si Ethan. Biglang napatingin sa gawi namin si Ethan, at pumwesto sa 3points at nag shoot.
"AAAAAAAAAAH!" Sigaw ng nasa likod namin, halos mapatalon na ko kasi pagka shoot nya tumingin sya sa gawi namin at nag smirk.
"3points for Ethan Castillo!" Announce nung speaker sa baba, mas tumili naman yung fans nya. Tuloy tuloy lang yung laro, laging 3points si Ethan. Shit ang galing pala nya talaga, tahimik lang akong nanunuod habang sila Arisse halos maubos na yung boses kakasigaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/73057102-288-k891936.jpg)
BINABASA MO ANG
Young Love
FanfictionYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"