YL 18

24 3 0
                                    




-- Street food


Nicole's P.O.V


-Friday Evening


"Nicole, palagay ako sa bag mo ha?" Sabi ni Arisse, tumango naman ako. 


Nagaayos kasi kami ngayon ng gamit, uuwi kasi ako ng Puerto Galera may 1 week vacation kami kasi may seminar yung mga teachers sa Ilo-Ilo. Then, birthday din ng little sister ko na si Katkat. Nalaman naman ni Arisse na uuwi ako kaya sumama sya, wala din naman daw syang gagawin eh. Guto sana sumama ni Naddie kaso hindi s'ya pinayagan, aalis ata sila ng family nya. Sila Jam naman, may training daw kaya hindi pwede. Kami naman ni Arisse nag pa-excuse muna sa training, pumayag naman si coach. 


Nung maayos na namin yung mga gamit namin, nilagay na muna namin ito sa may gilid malapit sa pintuan, habang inaayos ko yung mga bags namin, kumuha naman si Arisse ng pagkain namin sa ref at manunuod na lang muna kami ng movie. 


"Nicole, nagtext si Ethan." Sabi ni arisse habang kinukuha ko yung ibang bag ko sa taas at binaba ito.


Tinignan ko sya, hawak nya yung phone ko. "Pabasa naman Arisse." Sabi ko, hindi ko pa kasi nasasabi kay Ethan na uuwi ako ng Puerto Galera e. Pagka dismissed kasi namin kanina, umuwi kami agad ni Arisse para mag ayos ng gamit, bukas ng madaling araw kasi kami aalis para maaga kami makapunta sa Puerto.


"Hoy, taba. Nasa baba ako." Pagbasa ni Arisse, nanlaki naman mata ko. Napatakbo ako at kinuha yung phone ko, nung nabasa ko at hindi nga nagjojoke si Arisse, lumabas ako at sumilip sa may bintana ng hall.


Hala andito nga sya. Mabilis akong bumaba, para mapuntahan sya. Nung nakarating ako sa baba, binagalan ko yung lakad ko para hindi halata na nagmamadali akong makita sya. 


Anong ginagawa nya dito?


Nung nakita ko sya, ngumiti naman sya sakin. Lumingon lingon ako, wala syang dalang kotse? 


Lumapit naman ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, pero pinipigilan ko yung pag ngiti ko. 


Mas lumapit naman sya sakin. "Wala, kakatapos lang kasi ng training namin tas nag lakad lakad ako." Huminto sya at tumingin sakin "Then, nagulat ako my legs took me here." 


Tinulak ko naman yung mukha nya. "Baliw." Sabay iwas ng tingin, at napangiti ng palihim.


Biglang tumaas yung balahibo ko nung akbayan nya ko, siniko ko naman sya ng pabiro sa tyan nya. "Namimihasa ka sa pag hawak hawak sakin ha" natatawang sabi ko.


Tumingin sya sakin "Kinikilig ka na naman dyan." Natawa kami pareho, inaya naman nya ko mag lakad lakad, tinext ko si Arisse, um-okay naman sya agad. 


Nakita namin yung nagtitinda ng isaw dito sa kanto namin, tas meron ding nagtitinda ng kwek-kwek, dirty ice cream, in short street foods. Bumili naman kami ng Isaw, betamax at tenga. Naglalaway na ko kanina pa e, umupo muna ako sa may gilid kasi bibili daw ng inumin si Ethan, sinusundan ko sya ng tingin. Ang gwapo nya, halatang halata na galing training naka basketball shorts, tshirt at naka sapatos pa. Partida, naka talikod na yan ha? Pero ang gwapo pa rin! 


Habang papunta sya sakin, nakatitig lang ako sa kanya. Bakit po ba sobrang pogi nya? Nung nagpaulan po ba ng kagwapuhan, naliligo sa ulan nun si Ethan? Gwapo, pogi, tas sungit face pa! Saan ka pa? 


Pero sorry, akin sya. Maglaway na lang kayo sa kanya. 


Tinapat naman nya yung juice na binili nya sakin "Oh, baka mag laway ka pa sakin eh." Natatawang sabi nya, inis ko naman kinuha to sa kamay nya at inirapan sya. Umupo naman sya sa tabi ko


Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon