YL 13

44 4 0
                                    




Nicole's P.O.V


"Good, Cause I like you too." 


"Good Cause I like you too"


"Good Cause I like you too" 





Paulit ulit na nag pla-play sa utak ko yan, paikot ikot na nga ko sa kama eh. Hindi ko makuha yung tulog ko, bumalikwas ako at napaupo ako sa kama sabay napasigaw. Tinakpan ko ng unan yung mukha ko.


Tinakpan ko yung tenga ko, tama na please.





"Nicole? Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Arisse, napatingin ako sa kanya. Kakagaling nya ata sa banyo hawak pa nya yung toothbrush nya eh.





Napatawa ako saglit at umiling. "Nakakainis! Nakakainis!" At pinag papalo yung ulo ko. Ayaw mawala sa utak ko yung sinabi ni Ethan!





Tumabi sya agad sakin at hinawakan yung kamay ko na pinag papalo ko sa ulo ko "Huy! Ano bang problema? Para namang timang to eh." Sabi nya. Napatingin ako sa kanya





Huminga ako ng malalim "Eh kasi si Ethan eh!" Inis na sabi ko, tinanong naman nya kung bakit pero sabi ko tapusin nya muna yung pag toothbrush nya. Tumakbo sya pababa sa C.R ako naman bumaba rin ako at umupo sa Sofa, naka simangot ako habang hinihintay si Arisse. 





"Badtrip! Badtrip." Sabi ko, hindi ako makatulog sa sinabi nya. Maya maya lumabas na agad si Arisse at umupo sa tabi ko. "Spill." Sabi nya, tinignan ko muna sya at tumingin sa harap.





"Sabi nya gusto daw nya ko." Naka simangot na sabi ko, napa kunot naman noo nya. "Nino?" Tanong nya ulit.





"Ni Ethan" pagkasabi ko nun nag sisi-sigaw na si Arisse, pinahinahon ko naman sya kasi promise nag hehesterical sya pinag papalo ba naman ako. 





"Ohmygosh! Ohmygosh! Sabi na eh!" At ngiting ngiti sya nakatingin sakin, napasimangot naman ako. Sabi na ang alin? Napansin naman nya na hindi ko sya gets. Napa straight face sya "Seriously nicole? Ang manhid manhid mo! Ang sarap mo bigwasan." Inis na sabi nya





Napa kamot naman ako sa ulo ko "Ako na naman yung manhid." 





"Eh totoo naman e, like seriously? Bakit hindi mo pa napapansin na gusto ka ni Ethan, Dati pa lang te!" Frustrated na sabi nya. Huh? Dati? Eh ang sungit sungit nga nun sakin pano ko mapapansin?


"Ikaw bibigwasan ko Arisse eh! Pano ko naman malalaman, eh ang sungit sungit sakin nung tao!" Defensive na sabi ko, napahinga naman sya ng malalim.





"Seriously? As I've said diba nga, masungit si Ethan sa ibang babae tas cold sya wala syang kinaka--" hindi ko na sya pinatapos.





"Sakin din naman eh! Anong pinag kaiba ko sa ibang babae diba? Kutusan kita eh." nagulat ako nung ginulo nya yung buhok nya at Tinignan nya ko ng seryoso.





"Pwede bang wag kang kumontra? Hayaan mo ko magsalita." Tumango naman ako at umirap, sige nga. "Kasi si Ethan, wala talaga syang kinakausap na babae. Kung may kumausap sa kanya? Dedma sya! Tas kapag may nadapa o nakawawa sa harapan nya, wala lalagpasan nya. Rude nga sya te." Tumango tango naman ako. 



"Pero sayo girl, oh san ka pa! Unang kita pa lang nya sayo--" inunahan ko na sya "Unang kita nya sakin binatuhan ako ng tissue" tinakpan naman nya yung bibig ko.





Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon