YL 19

29 3 0
                                    




--Puerto Galera


Nicole's P.O.V


Nakatingin lang kaming dalawa ni Arisse sa kanilang dalawa, si Pat naman nilalagay yung bag namin sa likod, habang itong Alien na to naka tingin lang samin.


"Anong sasama? Hindi!" Sabi ko, napakunot naman noo ni Ethan "Baliw, nagpaalam ka ba sa lolo't lola mo at sa papa mo na sasama ka samin?" Tanong ko.


Napataas naman sya ng kilay at tumango tango na para bang ang weird ng tanong ko. "Hindi naman ako sasama kung hindi ako nag paalam e, baka ilang oras pa lang ako nawawala nag pa search and rescue na sila." Natatawang sabi ko nya.


Nagkatinginan kami ni Arisse. Tumingin ulit ako kay Ethan "Seryoso ba 'to?" 


Napakunot naman yung noo ni Ethan, narinig kong sinara ni Pat yung back door at parang pinapagpag ba nya yung kamay nya, at tumabi sya kay Ethan.


"Mukha ba ng nagbibiro kami?" Tanong din ni Ethan. "Hindi naman kami pupunta ng maaga dito kung hindi kami sasama diba?" May pagka irita sa boses nya 


Napakamot naman ako sa tungki ng ilong ko. Hinila ko si Arisse, 7 steps palayo sa mga Alien na yon.


"Hala Arisse, hindi alam ng parents ko na may kasama tayong lalaki. Sure ako na kukutusan ako at papaulanan ng tanong nila mama." Problemadong sabi ko. 


Napakamot sya sa ulo nya "Kaya nga e, hindi ko rin alam kung ano bang direksyon ang tatahakin ng dalawang yan eh"


Napatingin naman kami sa dalawa na chinecheck yung gilid ng pintuan ng Van nila Ethan. 


"Pano na yan? Eh nakakahiya naman sabihin na wag sila sumama. Eh mukhang ready pa naman sila, sayang effort." Sabi ko, nag isip kami ng paraan ni Arisse para magpaliwanag kina mama. 


Napahinga ako ng malalim. "Ah—kilala ba ng parents mo si pot?" Sabi ni Arisse na parang may brilliant idea na naisip kasi nakataas pa yung pointing finger nya.


Tumango naman ako. "Oo—eh kahit na si Pot pa yan eh. Tatanungin nila kung ba't ako nagsama ng lalaki." 


Napahinga naman kami ng malalim ni Arisse, ano ba naman yan. Oo gusto ko sila sumama pero syempre ano naman sasabihin nila Papa? Nako, yari naman ako.


Tinignan ako ni Arisse, at tumingin ako kina Ethan. "Bahala na nga" napahinga na lang ako ng malalim.


Pumunta na kami sa dalawa at sa wakas naman daw at lumapit na kami dahil hindi daw nila alam kung may ritual pa kaming ginawa, nabatukan naman namin si Pat. Tahimik lang ako pag sakay namin. Nasa may window seat ako tas katabi ko si Ethan. Sa Likod naman namin si Pat at si Arisse.


Itext ko kaya sila mama? Eh ano naman sasabihin ko? Kung hindi naman ako magtext baka magalit sila kasi hindi ako nagsabi agad na may kasama kaming mga lalaki? Nako ano ba 'to. 


Binagga ng shoulder ni Ethan yung shoulder ko, napatingin ako sa kanya. "Huh?" 


"May problema ba?" Tanong nya. Unti unti akong tumango, wala naman sense kung sabihin ko na wala diba? Malalaman din naman nila pagdating namin dun.


Bumulong ako sa kanya. "Hindi kasi alam nila mama na may kasama akong lalaki. Baka kung anong isipin nila" sabi ko, napatango naman sya dahan dahan na tila ba't may iniisip sya.


Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon