Prolouge

25 2 0
                                    


Tiffany's Pov

"Hoy, ilang araw nalang yung opening ayaw nyo pang magisip nang recipe natin para sa menu!"

Napapasigaw na ako sa inip sa sobrang tahimik nang barkada. Wala namang nagbago sa'min, lalo lang kaming gumanda at gumawapo.

Si Michelle at Josh? Ayun minsan nag-aaway sila dahil mahilig nang maginom si Josh lalo't may mabigat na problema minsan at dinadaan nalang sa inom. Ayaw naman kasi nang ganon ni Michelle kasi nga daw, ayaw nyang magkasakit si Josh. Kung maginom kasi si Josh 2-3 case ang iniinom and take note. Sya lang mag isa.

Si Mia and Adrian? Ayun nagbago na dahil lagi na silang nalabas na magkasama. Last time nasabi ni Mia sa'min na kapag nalabas daw sila ni Adrian kinikilig sya. That's the maturity!

Si Summer at Gian? Minsan dinadalaw namin si Tita Lyn sa US. Nung nakaraang buwan nag stay sila muna sa US dahil sa gusto nila. Tapos nun nung pagkabalik nilang dalawa, ang sweet na sweet na. Sa sobrang sweet sumabog na yung puso sa kilig at umabot sa cheesy ang moves nang dalawa.

Si Chloe at Cyrus? Ayun nag-babangayan minsan dahil lang sa maliliit na bagay pero hindi pa din mawawala yung sweetness nila sa isa't-isa.

Si Tom? Ayun, madalas na syang napapatambay sa barkada. Plus one kamo. Tahimik minsan pero nakikisali sa tawanan. Hindi pa din sila magkaayos ni Cyrus at nakigulo na din si Nissan. To the rescue naman ako pag nagaaway sila.

Si Sam at Ralph? Next month may movie silang dalawa. ∪ˍ∪ malalayo sakin si Sam. Sa Italy kasi sila mag sho-shooting eh. Ewan ko lang kung may mabubuong love sa kanilang dalawa pagbalik nila sa Pinas.

Si James? I heard na may girlfriend na sya. Name is Marra yung secretary ko namin, nagkatuluyan na nga yung dalawa pero si James hindi pa din nya maalis ang saya sa barkada. Minsan kasama nya si Marra dito sa bahay.

Ako at si Nissan? Heto sweet pa din. Bihira nalang sya pumuntang bahay para makita at dalawin ako dahil balang araw mapapasakanya na yung kumpanyang hinahawakan nang Dad nya. I understand naman eh, minsan lang sya kulang sa barkada pero pag may outting kami hindi yan absent.

***

"Thank you sa pagtulong!"

Tumayo na muna ako dahil unti palang yung recipe namin sa menu namin. Yung cake at cupcake ni Sam nandito na, ganun din si Adrian. Hay! Unti palang ang naiisip namin eh pero may ibang araw pa para magisip.

"Where you going?"

"Somewhere"

Mabilis kong kinuha yung bag ko at umalis muna sa bahay nila Samantha. Dito kasi muna kami tumambay dahil pinakita nya yung pag gawa nang cupcakes nya. Mabilis din akong nag maneho dahil baka masundan ako ni Nissan. Alam ko na naman na susunod 'yun, masanay na kayo.

Binuksan ko muna yung Restaurant na pinagipunan namin. Maganda ang pagkakagawa nya. 7 ang four seater. Then, may 2 kaming mahabang table para sa family. At my 5 kaming six seater. May second floor pa kami, hindi muna namin yun bubuksan. Dahil kapag madami nang customer saka lang namin bubuksan.

May chalkboard din kami dito kung ano talaga ang special recipe namin. Yun ang naisipan ni Summer at Chloe eh, sila kaya nagpagawa 'nan.

Nag wifi lang ako sandali para i-post yung picture nang restaurant namin. Inaya ko lang yung mga tao para pumunta sa opening pero hindi ko sila pinilit kung ayaw nila. Para wort it naman yung pagpapagawa namin dito.

"What are you doing here?"

"Sh*t!"

Napamura pa ako sa sarili ko. Humarap ako do'n sa nagsalita. Nung nakita ko sya gusto ko syang sipain palabas nang restaurant namin dahil sa panggugulat sakin, buti nalang wala akong sakit sa gulat.

"Pa'no ka nakapasok sa loob? Ni-lock ko 'yun ah?"

Tinaas nya yung susi nya. "Samantha gave me!" ngumisi pa sya sakin. Ugh, ano bang ginagawa nya dito?!

Inakbayan nya lang ako at ginulo ang buhok ko.

"Tutal may pinagsamahan naman tayo nung mga bata pa tayo. Ako na ang maghahanap nang recipe para sa restaurant nyo."

Natigilan ako sa sinabi nya. Nakakahiya naman kasi kapag tinanggap ko yung favor nya diba?

"Wag nalang. Nakakahiya noh, kaya--"

"Ngayon ka pa nahiya? Tutal wala naman din akong share dito sa Restaurant nyo diba? Kaya 'yun nalang ang maiitutulong ko."

Kapal nang mukha nitong si Tom. Ngayon pa ako nahiya? Kelan ba ako huminga sa kanya na hindi ako nahihiya? Lintek na Tom 'to. Kung hindi lang talaga 'to sa Restaurant namin hinding-hindi ko tatanggapin yung alok nya.

"Tss. Oo na, kelan mo ba ibibigay sakin yung recipe's?"

"Dalawang araw yun para magawa"

"Edi sa isang bukas!"

Tinanggal ko yung akbay nya sakin. Tumayo muna ako at pumunta muna sa kusina.

Kumpleto naman sa gamit yung kusina namin. Buti nalang talaga at tinulungan kami nila Manager para sa kulang dito. Bakit kaya ang daming mabait sa'yo? Ang alam ko lang kasi kapag mabait ka talaga sa kapwa mo, mabait din sya sa'yo.

Paraniod time nanaman ako. Kung ano-ano iniisip ko.

Ilang araw nalang... magbubukas na yung Restaurant namin at hinding-hindi mawawala sa isip ko na.

Magbubukas din ang bagong problema sa buhay namin...

***

Hi nga pala sa readers jan! I hope na magustuhan nyo itong second book. Kamsa~

Nagmamahal,
Kapatidni_Yul

In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon