Chapter 17

7 0 0
                                    

Kinuha ko yung cellphone ko. And I read the message. OMG! O___O

Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Myghad! Opportunity ito.

"Nissan!!" sigaw ko kaya naman nagulat sya habang nakatingin sakin. Tumakbo ako palapit sa kanya at yumakap. Parang naguguluhan naman si Nissan sa reaksyon ko.

"Bakit, babe? A..anong nangyari? Anong text sayo?" tanong nya. Bumitaw ako sa pagkayakap.

"Myghad! Meron ulit kaming bagong movie!" sigaw ko. Nanlaki naman din mata nya. "Ha?! Di nga?" ngumiti naman ako nang abot hangganh tenga at tumango-tango. Nagsisigaw kame nila Nissan, habang tinataas taas pa yung kamay ko.

"Another opportunity mo." nakangiting sabi nya. "Yeah, namiss daw ako ng fans kaya ayun. Nakarating kay Manager!" nag apir nalang kaming dalawa at bumalik na sa ginagawa ko. Hindi ko parin matanggal ang ngiti ko habang nagawa ng graham at nagluluto.

Hanggang sa makarating ang barkada natapos akong magluto. Saktong-sakto. And sasabihin ko rin kay Mia yung pinag gagagawa ni Nissan. Hay nako! Minsan lang maging matakaw yung babe ko kaya hindi ko narin masyadong sinita kanina. Gumawa naman ako ng bagong graham.

"Mia..." tawag ko, lumapit sya sakin habang nakataas yung dalawang kilay nya. "Hmm? Bakit?" tanong nya.

"A.. E.. Kinain kasi ni Nissan yung graham na ginawa mo, hindi naman nya alam e. Kaya gumawa ako ng bago, nasa ref." tinuro ko pa yung ref at binalik ang tingin kay Mia. Natawa naman sya sakin pero hindi naman masyadong malakas yung tawa nya.

"Nako, Tiff. Nag abala ka pa, hindi nga rin namin makain ni Adrian yon kaya okay lang na kainin ni Nissan yun. Tutal, wala namang kakain e." panay kain ang sinasalita ni Mia. Napatango nalang ako at ngumiti.

"Gumawa pa ako e, kainin nalang natin bukas." nakangiti kong sabi. Tumango nalang sya sakin at bumalik na kami sa dinning para kumain. Mukhang pagod sila kaya, pinagluto ko sila. How sweet I am, diba?  Hahaha.

***

"Hoy, lalake! Umuwi ka na!" sigaw ko kay Nissan. Umiling naman sya habang nakain ng junk food na PICA. Halo-halong junk foods. Kain naman ng kain itong Nissan na to! May dragon sa tyan?

"Dito ka nanaman matutulog?" tanong ko. Tumango naman sya. Aba. Nalilibang na ata itong lalaking ito. "Baka hanapin ka na ng magulang mo don, umuwi ka na muna." sabi ko umiling naman sya sakin.

Nasa kwarto na silang lahat, naiwan nanaman kaming dalawa dahil ayaw umuwi nitong lalaking ito, baka hinahanap na sya don. Nagpaalam naman pero hindi naman sinabi na ilang araw matutulog yan dito.

Nakita kong pumasok ng bahay si Ralph. Napahawak ako sa ulo ko ng magtama yung mga mata namin.

Nakita kong sinusuotan nya ako ng cap sa ulo dahil sa media. Hinaharangan nya din yung mga reporters. Ang dami konh nakikita na hindi ko maipaliwanag!

Bumalik nanaman yung alaala ko. Naramdaman ko na may humawak sa braso ko. "Hey, Tiff okay ka lang? Muntik ka ng tumumba." sabi sakin ni Ralph. "A, I'm okay. Thanks." Ngumiti ako sa kanya kaya naman nilampasan na nya ako.

Bakit nga pala sya nandito? "Hey, Ralph! Bakit ka nandito?" tanong ni Nissan at nakipag apir.

"Naiwan ko yung charger ng phone ko," napatango nalang si Nissan. Alis na nga pala nila bukas.

"Alis nyo na bukas diba?" tanong ko. Napatingin sya sakin at tumango. Inayos nya yung charger nya at nilagay sa bag.

"Sige alis na ako, bye pre. Bye, Tiff. See yah!" ngumiti nalang ako at kumaway sa kanya. Sinarado ko na yung pintuan. At pinatay na yung T.V kahit nanonood pa si Nissan.

In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon