Tiffany’s Pov
Nakita ko yung dating pinangyarihan namin. Dito kami napahamak at dito ko rin muntik nang kalimutan sila Nissan at ang barkada ko.
"Ashley! Lumabas ka dyan!" sigaw ko. Imbis na boses ni Ashley ang marinig ko, hindi. Kundi iba. "Tiffany, ikaw ba yan?!" may sumigaw din galing ito sa loob panigurado. Parang boses ni Chloe?
"Chloe,"
"Ako nga ito! Tiffany wag kang papasok dito—" sigaw nya. Pero parang may nagtaklob ng bunganga nya dahil naririnig ko parin yung mahina nyang sigaw gawa siguro ng pinantaklob sa bunganga nya.
Tiningnan kong mabuti ang mga dadaanan ko. May nakita ako akong isang bato kutob ko. Sumilip ako bahagya sa bintana. Kapag nasipa ko yung bato, gagalaw yung tali sa taas at bubukas yung aparador sa likod ni Chloe at paniguradong may laman sa loob iyon. Hindi ko lang alam pero, susubukan ko.
Humarap ako sa pintuan at nakita ko si Chloe nakataklob ang bunganga at nakatali ang kamay at paa nya. Sinipa ko yung bato at tiningnan kung anong mangyayari. Nakita kong nanlaki ang mata ni Chloe. "‘Wag, Tiffany!" sigaw ni Michelle. Nakilala ko yung boses nya sa isang gilid. Hindi ko muna sya pinansin
Nang bumukas yung aparador nakita ko yung isang baril na nakatapat sakin. Nanlaki naman yung mata ko at biglang yumuko. Saktong pumutok ang baril sa loob nito. Masyadong maparaan si Ashley!
Pagtayo ko ay naramdaman kong may pumukpok sa batok ko ng matigas na bagay kaya napaupo ako sa sahig. "Ugh," napahawak nalang ako sa batok at nakita ko si Ashley na may hawak na baril. Siguro iyon ang ginamit nyang pang pukpok saakin.
"Demonyo kang hayop ka!" sabi ko at tumayo. Agad nya akong sinuntok sa tyan kaya napaluhod naman ako.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil sa lakas ng suntok nya. "Tama na, Ashley!" sigaw ni Michelle. Tumingin ako sa kanya at umiling, binigyan ko sya nang tingin na 'wag-ka-na-munang-makialam-look'
Naramdaman ko ang sipa nya sa likod kaya napadapa na ako. Masyado na syang malakas. Teka, asan sila Nissan?!
"Miss me, my lovely cousin?" malambing nyang sabi habang hawak-hawak yung mukha ko at tinatapat sa kanya.
"Super miss, my lovely cousin." sabi ko bago ko sya sinampal. Tumayo ako at sinipa yung tyan nya. Kinuha ko yung baril at tinutok sa kanya. Lumapit ako kila Chloe para tangalin ang tali nila pero may pumasok na mga kasama ni Ashley lahat sila naka black.
Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko sila. Sina Tommy, Samantha, Ralph and Ivan? Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Bakit.. Bakit sila pa?
"Tiffany, wag kang magpapadala sa kanila!" sigaw ni Michelle. Natauhan ako sa sigaw nya. Nakatutok sakin ang apat na baril kaya hindi ko alam ang paraan para malabanan ko sila.
"Sige, iputok nyo yan. Uunahan ko na kayo kay Ashley!" pinaputukan ko lang yung gilid ni Ashley kaya napasigaw sya. "Tommy, ibaba nyo muna yung mga armas nyo ayoko pang mamatay!" natataranta nyang sabi. Dahan-dahan naman nilang ibinaba iyon.
Tinanggal ko yung tali ni Chloe at yung takip sa bibig nya. Pinakuha ko yung mga baril at kumuha naman silang dalawa.
"Walangya kayo! Mga traydor!" sigaw ko. Tiningnan ko si Tommy, Samantha at Ralph. Parang gusto kong maiyak. Pinagkatiwalaan ko sila, lalong-lalo na si Samantha.
"HAHAHA! Hindi ka makapaniwala, Tiffany ano? Masyado kang nagtitiwala, e!" singit ni Ashley habang natatawa. Tinapat ko ulit sakanya yung baril at pinaputukan ulit sa gilid nya. Buti at daplis daplis lang ang ginagawa ko!
"Masyado ka paring bobo, Ashley!" nakangisi kong sabi. "Ako? Bobo? Ikaw ata!" natatawa nyang sabi.
Naramdaman ko nalang namay pumukpok sa ulo ko at dahilan para mawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]
Teen FictionThey have a happy life. Simple life and simple personalities. What will happen when the devil is came back? The happy live turn to a messy, sad and complicated life. What we'll they do? Give up or not?