Chapter 19

5 0 0
                                    

Michelle's Pov

I just hired some trust peoples. Mga detective ofcourse. Kaylangan ko sila ngayon. Pinaiimbestiga ko yung bumaril kay Tiffany. Kapag nalaman ko kung sino yun. Malalagot sakin yun!

May pumuntang mga pulis dito kanina dahil narinig din ang putok ng baril kanina. Mabuti nalang at nandoon kanina si Cyrus. Kung wala, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama pa kay Tiffany. Baka hindi ko na kayanin pa.

"Michelle, okay ka lang?" tanong sakin ni Josh. I just nooded pero sa totoo lang, hindi ako ayos ngayon. Nakakagulo ng utak itong mga nangyayari. Parang ako yung muntik ng mamatay dahil sa pagkagulo-gulo ng utak ko.

"Don't worry. Mahahanap rin natin yun." sabi nya sakin. Tumango nalang ako at tumayo para kumuha ng tubig sa ref.

Ininom ko muna yung tubig na sinalin ko sa baso, nakatitig lang ako sa baso at pinaikot-ikot ito.

"TIFFANY!!"

"Wag Ashley!"

"Sana mamatay ka nalang!"

Bumalik yung mga paghihirap namin. Mga paghihirap na dinaan ni Tiffany. Hindi ko naramdaman na nabitawan ko na yung baso kaya nabasag ito. Sa sobrang pagkagulat ko. Agad ko itong pinulot at dahil sadyang tanga ako nabubog pa yung kamay ko.

Lumapit agad sakin si Josh. At dala-dala yung first aid kit. Ginamot naman nya ito agad, napaiyak nalang ako at napahawak sa ulo. Ang gulo.

Si Josh narin ang naglinis nang nabasag kong baso. Sabi nya sakin magpahinga nalang daw muna ako sa kwarto. Mas mabuti pa nga. Humiga ako sa kama ko at pumikit ng mariin.

Hindi rin naman ako makapagpahinga. Kaya pumunta muna ako sa pinakalikod ng bahay. At doon nagmukmok. Naka tulala lang ako dito at pinagbubunot yung mga damo.

Narinig kong nag vibrate yung cellphone ko. Unknown number, nagdadalawang isip ako na sagutin kaya sinagot ko ito.

"Hello,"

"Michelle..." bigla akong nanghina. Parang gusto kong maiyak. Sobrang nanginginig yung tuhod ko. Sa boses na iyon.

"Kamusta naman kayo dyan? Masaya ba ang buhay?" nag evil laugh pa sya. "Sabi ko sa inyo, hinding hindi ako titigil hanggat hindi napapasakin si Nissan," alam kong nakangisi sya at napaka demonyo nang aura nya ngayon.

"Desperada kang babae ka! Wala ka talagang pinagbago," sigaw ko sa kanya. "Kaya obvious na mas lamang talaga sayo si Tiffany! Mas matalino, mas maganda, mas madiskarte. Kesa sayo demonyo,"

"Talaga lang, Michelle. Hahaha! Tiffany Mae Santiago. Pangalan lang. Pero kayang-kaya kong burahin ang pangalan nya dito sa mundo," narinig ko syang nagsmirk. "Wag kang mag alala, Michelle. Isusunod kita..."

She hang up at napaiyak nalang ako. Dahan-dahan kong binaba yung phone ko at pinagsusuntok oo yung hita ko.

Hayaan mo na kaming sumaya, Ashley!! Wala ka talagang pinagbago! Demonyo ka pa rin!!

****

Chloe's Pov

Kanina ko pa hinahanap si Michelle. Nakapatay yung cellphone nya kaya hindi ko matawagan. Hindi ko pa sinasabi kay Josh na hindi ko makita si Michelle kahit sa barkada. Nandoon parin sila sa labas. Yung iba, pumunta muna sa police station para tumulong sa paghahanap sa bwisit na lalaking muntik ng patayin si Tiffany.

Ni hindi ko nga rin mahanap si Tiffany. Hindi naman din sya sumama sa police station.

Maya-maya ay nakita ko si Michelle na lumabas sa pinakalikod ng bahay. Pwedeng magtago doon dahil hindi naman alam ng barkada na may pinaka likod ito. Tska, ano namang ginawa nitong babaeng ito?

In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon