Tiffany's Pov2 weeks ago, nang malaman naming lahat na nagkaayos na sina Josh at Michelle. O, diba? Ang galing-galing ko talaga.
Lumabas ulit yung sweetness nila sa isa't-isa. Napapangiti na nga lang ako kapag nakikita silang magkasama at parang binabalikan nila yung sweet nila dati. Halos tanggalin ko na yung buhok ni Nissan sa sobrang tuwa nung malaman kong nagkaayos sila. Nakabalik na rin sa Pilipinas si Michelle kasama si Josh.
"Ano, guys. Gala naman tayo!" sigaw bigla ni Summer.
"Sa'n naman yung punta, natin?" tanong ko.
"Restaurant, nalang tayo. Sabay-sabay tayong kakain. Minsan lang kasi tayo pumunta sa Resto." sabi naman ni Chloe.
"May restaurant tayo, a." Samantha.
"Common sence nalang, bes a. Syempre sa ibang Restaurant naman." Chloe.
"Grabe ka sakin." Sam.
At nagtayuan na sila para maligo. Pero nakasandal pa rin ako sa balikat ni Nissan. Amf! Tinatamad pa ako.
"Babe, di ka pa maliligo?" tanong ni Nissan habang hinahawi yung buhok ko.
"Tinatamad pa, babe."
"Hmm, ok. Ano bang gusto mong pagkain sa Restaurant?"
"Kung anong masarap. Bakit?"
"Wala lang. Namiss ko nga rin yung gala nang barkada, e."
"Ako nga din, lagi kasing nakatambay dito sa bahay."
Ngumiti sya sakin at tiningnan yung mata ko.
"Maligo ka na. Uuwi muna ako sa bahay."
"O, sige. Magiingat ka. Text nalang kita kapag tapos na ako."
Tumayo na kaming dalawa at pumunta na sa pintuan. Hinalikan nya muna yung noo ko bago sya umalis. Kumaway nalang ako at nag flying kiss.
Gala-gala time na. Kahit tinatamad lang.
"Ang sweet, a." Samantha.
"Syempre. Haha. Aalis na pala kayo ni Ralph sa isang bukas, diba?"
"Yeah. Ma miss ko kayo."
"Ay, ang arte. Haha, nandito naman kami lagi, a. Galingan nyo don, a."
"Wala pa kami sa airport kung makapag speech ka."
"Practice lang."
Tumawa naman kaming dalawa at nag apir. Tumaas na ako sa kwarto para maligo. And after 25 minutes natapos na rin ako at pumili ng damit. And yung sinuot ko yung tshirt naming barkada na may number and name sa likod. Kulay Green yung akin.
Text ko muna si Nissan para couple!
Tiffany:
Babe, suotin mo yung green tshirt na may name mo sa likod. Para parehas tayo.
Nissan:
Yes, po. Tapos ka na ba?
Tiffany:
Yep, ewan ko lang kung tapos na silang magayos.
Nissan:
Sige po, papunta na ako dyan.
Tiffany:
Ok, babe. Ingat sa pag drive.
Tinago ko na sa bulsa yung phone ko at nagsuklay na. Nagipit ako pony lang. Para hindi masyadong mainit.
BINABASA MO ANG
In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]
Teen FictionThey have a happy life. Simple life and simple personalities. What will happen when the devil is came back? The happy live turn to a messy, sad and complicated life. What we'll they do? Give up or not?