Chapter 20

3 0 0
                                    

Tumingin muna ako sa paligid ko and nakita ko yung CCTV. Hindi ako nagpahalata na nakita ko yun pero I know nanonood si Ashley. Isa lang ang CCTV at meron pang likod itong abandonadong bahay ba o tambakan lang?

Pumunta ako sa likod. And I'm sure wala ngang CCTV. Meron nanamang mga lalaking mababaho ang kasama ni Ashley at panigurado rin ako don. Hindi naman nya kayang magisa.

Nakakita ako ng kahoy at nagtago muna ako. I wait the sign, before I go and give Ashley a World War.

Nakita ko ngang lumabas si Ashley and dahan-dahan pa syang naglalakad. Blonde nga ang buhok nya, so tama kami nila Tiffany ng naiisip at nakita. Hindi na ako nagdalawang isip na hampasin sya sa ulo. And she fainted. Nakita ko yung mukha nya, ganun parin sya. Walang pinagbago, buhok lang. Psh!

May tumakip ng bibig ko at may nakatapat na baril sa mukha ko. Nanlaki naman yung mata ko sa nakita ko. "Wag kang magdadalawang isip na gumawa ng kaingayan, Chloe. Mamatay ka." Pagbabanta sakin.

S..sino yung babaeng hinampas ko? Hindi ko makita yung mukha nung babaeng nakahawak sakin pero pamilyar ang boses nya.

Kinaladkad nya ako papunta sa loob. At gaya ng sinabi nya hindi ako nagingay o ano man. Pinilit ko ang iyak ko. Dahil ayoko ko pang mamatay.

Pinaupo nya ako don na para bang patulak kaya sinamaan ko agad ng tingin yung babae. At laking gulat ko ng makita ko sya. "Ashley..."

"Bakit, Chloe? Hindi ka ba makapaniwala na nasa harapan mo ako. Hmm!" Nakangisi nyang sabi. Inaamin ko, mas lalo syang gumanda ngayon, pumuti at nagbago ang buhok nya. Carbon copy ang nahampas ko kanina. Bwisit talaga!

"Walangya ka, Ashley! Asan si Michelle?!" sigaw ko. Lumapit sya sa akin at tinapat nya ang mukha nya sa mukha ko.

"Wag kang mag-alala, Chloe. Mahimbing na natutulog ang iyong kaibigan." ngumisi ulit sya sakin at may pinuntahan sa isang side. Mukhang mga baril. Pinupunasan nya yung mga baril at nakaharap ito sa akin pero malayo. Masyado syang nagmamayabang.

"Anong gagawin mo dyan, Ashley?!!" sigaw ko. Pilit kong tanggalin yung tinali nya sakin. Mukhang mahigpit. Tatayo na sana ako dahil wala akong tali sa paa pero tinapat nya sakin yung baril.

"Sa’n ka pupunta? Tatakas ka? Alam mo, Chloe. Hindi na ako yung dating Ashley na nakilala nyo. Kahit si Tiffany at Cyrus kinalimutan ko na pinsan ko pa. Sa sobrang galit ko sa kaibigan mo, naging ganito ako. Pinagbigyan ko na kayo kaso inaagaw nyo rin sakin ang pagiging artista. Kaya punong-puno na ako, ayoko na rin nang maagawan." speech nya habang dahang dahan na naglalakad paikot at papunta sakin.

"Kayang kaya kitang patayin, Chloe kapag gusto ko." napakademonyo ng aura nya lalo na kapag nakangisi nya. Hindi ko man lang mailabas ang mga luha ko dahil sa galit ko.

"Ganan ka ba kadesperada, Ashley?! Pinsan mo sila! Ni hindi ka nga nila makalimutan dahil nagaalala parin sila sayo. Gusto nilang magkaayos na kayong tatlo pero ikaw parin ang lumalayo! Ikaw ang gumagawa ng harang sa kanila. Ikaw din ang gumagawa ng katangahan at kaiingitan mo sa kanila, Ashley!" sigaw ko. Umiling-iling sya habang nakagat ang ibabang labi nya dahil totoo ang mga sinasabi ko.

"Hindi totoo yan, Chloe!! Inagaw na nila lahat sakin lalo na yan si Tiffany!!" sigaw nya na parang naiiyak. Dahil sa emosyon ko nadala na rin ako sa iyak nya.

"Hindi nya inagaw. Baka hindi ka deserve sa mga pangarap mo pero may magandang opportunity pa rin ang may dadating sa buhay mo. Yung higit pa sa pangarap mo." tinapat nya ulit sakin yung baril. Naiyak na sya sa harapan ko.

"Hindi! Kasi inagaw na nya. Wala na akong confident sa sarili ko para magawa ko ang pangarap ko sa buhay pero hindi! Kasi inagaw nya!" pinaputok nya yung baril sa bubong kaya napapikit ako.

Hindi nalang ako nagsalita dahil hindi nya rin naman maiintindihan ang point ko. Mamatay na kung mamatay.

"Asan si Michelle?" yan yung nabuka ng bibig ko kaya napatingin sya sa gawing kanan nya. Tumingin din ako don at nakita ko syang nakahiga. "Anong ginawa mo sa kanya?!" sigaw ko.

"Wag kang mag alala, hindi pa sya patay."

"Michelle!" sigaw ko. Nakita kong gumalaw yung ulo nya. "Michelle si Chloe ito," sigaw ko nakita ko syang dahan-dahan na tumayo at tumingin sakin. Nanlaki naman ang mata nya at tumingin kay Ashley.

"Hoy! Ashley, anong ginawa mo kay Chloe?! Walanghiya ka," sigaw nya. Napangisi si Chloe.

"So kawawa naman kayong dalawa, nagtatanong kayo sakin nan. Wala pa akong ginagawa sa inyo." Nakangising sabi nya.

"Mamayang gabi, mag ready na si Tiffany dahil sisiguraduhin kong luluhod sya sa harapan ko." umalis si Ashley kaya nagsisigaw kame.

"‘Wag mong gagawin yung nasa isip mo, Ashley! Pinsan mo sya,"

"Ashley! ‘Wag! Demonyo ka talaga."

Hindi man lang nya kami pinansin. Tatangglin ko na sana yung tali ko sa likod kaso may dumating na limang lalaki. Ang laki ng mga katawan nila. Siguro sila yung magbabantay samen! Bwisit !

***

Cyrus Pov

"Nasan na kaya yung dalawa?" tanong ni Mia. Napakibit balikat sila at ako hindi ako mapakali paikot ikot ng bahay. Nasan ba yung dalawa.

"Tinawagan nyo na ba?" Adrian.

"Hindi naman sumasagot pero yung last na tawag ko patay na cellphone nya siguro lowbat."sabi ko. Ginulo ko yung buhok ko at napa buntong hininga.

Hapon na pero wala pa sila. Kaninang umaga pa umalis si Chloe. Pero hindi ko rin alam kung anong oras umalis si Michelle. "Don't worry, babalik yun." sabi ni Tiffany. Napatango-tango nalang ako kahit kinakabahan parin. Wala ako sa feel na ligtas ngayon sila Michelle at lalo na si Chloe.

***

Maikling update. Matatapos na ire. 1 or 3 chapters nalang. Saranghae~ readers.

In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon