Chapter 10

6 1 1
                                    

Josh Pov

"Tol, chix 'yun bakit hindi mo pinansin? Sayang naman."

Natatawa naman ako sa pinagsasabi nitong si Mark. Yung bago kong tropa. Lately rin naman, lumalayo muna ako kila Cyrus. Nakakahiya narin kasi kila Tiffany dahil sinaktan ko yung kaibigan nila. Kaya lumalayo muna ako.

"Tol, alam mo naman ayoko nang ganan!"

"Ayaw? Eh nung 1st year high school nga tayo. Ang lakas mo sa chix. Bakit parang ngayon..."

Tiningnan naman nya ako nang nakakaloko at tinusoktusok yung tagiliran ko. Ito nanaman yung isip bata nitong si Mark.

"Ikaw, Josh ha. May girlfriend ka na ba? Kaya ka ba ganan ha? Uyy, si Josh hindi na matandang binata!"

"Baliw ka talaga, Mark. Ewan ko nga, kung girlfriend ko ba talaga sya o hindi na."

"Oww! LQ ba? Kung LQ, kayo pa rin. Dahil magkaaway lang naman kayo. Hindi naman kayo break nun kapag LQ."

Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Mark ang mga totoong nangyari sa buhay ko, kaya baliw talaga ang mga pinagsasabi nitong Mark na ito.

"Tumahimik ka na nga lang jan! Ayun oh! May chix, bilis habulin mo."

"Oo nga nuh, pre! Ang ganda, maputi tapos ang sexy pa. Tingnan mo yung korte nang katawan,pare! Tapos naka short at sando lang. Pero mas sexy yung isa nyang kasama. Noh? Tapos-"

Tinulak ko sya syempre nakaupo kami kaya sa ulo sya natamaan. Ang daldal nang g*go!

"Oo na! Pumunta ka na don!"

Natawa nalang sya sa inakto ko pero tumakbo pa rin sya doon at nakipag friends. Walanghiya talaga!

Hmmp! Naalala ko naman si Michelle. Kamusta na kaya sya don? Kumakain kaya sya nang maayos? Natutulog ba sya sa tamang oras? Kaya nya kaya sarili nya don?

May iba na kaya sya don?

***

Nakatulala lang ako dito sa loob nang bahay habang iniikot yung baso na iniinuman ko. Napaparanoid nanaman ako! Gusto ko syang puntahan pero may side rin na  may pumipigil sakin.

"Josh, umiinom ka nanaman?"

Napatingin ako kay Mommy, pababa sya nang hagdanan. Inilapag ko muna sa lamesa yung baso ko at sumandal sa sofa.

"Wala ito, Mom. Wag nyo na akong intindihin. I can handle myself"

"Anak, why so defensive? I'm just asking you, why are you drinking again?"

Napapa-english na si Mom. Hay, pa'no ko ba sasabihin ito? Hindi ko naman kayang maglihim sa mga magulang ko eh.

Umupo si Mom sa tabi ko at tiningnan ako nang mabuti. Ayan na nga!

"I know you have a problem, Josh. Bakit mo tinatago 'yan? Andito ako, sabihin mo lahat sakin."

Hindi ko alam kung papaano ko papasalamatan ang mga magulang ko dahil simula palang nang bata ako sila na ang nag-alaga sakin at nagpalaki. Sila rin yung taong nasasandalan ko nang hindi pa dumadating ang mga bestfriends ko sila Cyrus. Sila lang ang nagpapasaya sakin, pero nung dumating rin yung tropa ko nagbago lahat. Naging babaero rin ako nang mga araw na yun, pero dumating sa buhay namin sila Michelle. Sya. Sya lang ang nakapagpabago sakin, hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kung mawawala pa sya sa buhay ko.

"About Michelle?"

I just nooded at Mom's question. Hindi naman din ako makakatanggi dahil nahulaan nya na kung sino ang problema ko. Actually, hindi naman sa problema ko sya, na di-dissapoint lang ako sa mga naiisip ko kanina at yung mga nangyari samin.

In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon