Chapter 16

8 0 0
                                    

"San ka pumunta?" tanong agad ni Chloe pagpasok ko sa Resto. Tinuro ko sa labas. "Do'n, sa labas." tumaas naman yung kilay nya.

"Malamang sa labas ka galing!" pagsusungit nya sakin. Umupo ako sa tabi ni Nissan at hindi nalang pinansin si Chloe. Sumandal ako sa upuan at pumikit.

"Babe, there's something wrong?" tanong nya sakin. Umiling ako at nag focus sa mukha ng babaeng yun. And impossible rin na sya yun.

Wait.. I remembered. Nung pumunta ako sa mall na ako lang magisa. Nakita ko sya, with her black or red dress? I can't remember her outfit nung day na yon. So possible ngang nandito pa sya.

"Tara na? Ahh~ busog na busog na ako!" sigaw ni Josh. At hinihimas pa yung tyan nya habang yung isang kamay nakaakbay kay Michelle. Chansing rin 'tong isang ito! Nagtayuan naman kami, nagbayad na si Samantha sa kinainan namin.

Naramdaman ko yung akbay ni Nissan sakin at lumabas na kami ng Resto. Habang nasa byahe, nakikita kong napapatitig rin sakin si Nissan. Nahahalata nya atang may problema ako, teka! Problema ba yun? Napairap nalang ako sa hangin.

***

Humiga ako sa kama ko at pinikit sandali ang aking mga mata. Sulit yung araw na ito! Sobrang saya ng barkada. Kaya napangiti ako ng kusa. "Babe," agad kong minulat yung mata ko at nakita ko si Nissan na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.

"Hmm?" binalik ko yung tingin ko sa kisame. Nakita ko syang lumapit at umupo rin ako sa kama. "Wala," ngumiti sya at humiga rin sa tabi ko. Abnormal talaga.

"Dito ka ba matutulog?" lumingon ako sa kanan ko para makita ko sya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Bumilis agad yung tibok ng puso ko. "Kung gusto mo," sabi nya at ngumiti. Hinalikan nya ako sa noo at tumingin ulit sa mata ko.

"Dito ka na matulog. Tabi tayo." nakangiti kong sabi. Matagal ko na rin syang hindi natatabihan sa pagtulog. Almost a month or a year? I don't know.

Tumayo muna ako at nagtoothbrush, naligo sandali. Lumabas ako ng CR nakita kong nakahiga parin si Nissan at nakatingin sa kisame. Huh? Anong meron ba sa taas.

"Babe," tawag ko pero hindi sya nalingon man lang.

"Babe," nakatingin parin sya sa kisame. Aba! Ayaw mong mamansin ha!

"BABE!" sigaw nya sakin. Tumawa naman ako nang malakas. Hoho~ hinalikan ko sya sa pisngi tapos bigla kong sinampal. Ewan ko lang kung masakit ba o hindi!

"Babe, kanina pa kita tinatawag. Ni hindi ka nga lumilingon mag salita. Haha! Yan napala mo." dumila pa ako sa kanya na para bang nangaasar. Inirapan nya lang ako. "Bakla ka ba? Haha! Maligo ka na don. May extra tuwalya at damit ako dyan. Wag kang mag alala kasya sayo yun."

Tumango nalang sya at dumiretso na sa CR para maligo. May reserba talaga akong mga damit, toothbrush, tuwalya and more. Yung iba mga bigay ng fans like bed sheet, punda sa unan, some shampoo and soap. Tshirt na may name ko. Mga ganun. Kaya madaming extra. Thanks sa kanila.

Habang hinihintay ko yung nilalang na lumabas ng banyo, nag online muna ako sa Instagram and yun pinost ko yung picture namin kanina sa Resto at Park. Syempre, sinama ko yung picture namin ni Nissan kanina. Sa walang magawa, e.

And parang may pumasok sa utak ko. Napailing ako at pinindot yung search botton. I search and may nakita akong account nya, I stalk all her pictures. Pero last upload nya nakaraang taon pa. Sobrang tagal na ng pic na na-upload nya.

I go to my fb account and madaming FR, Message and Notif pero hindi ko muna pinansin yun. I search her name again. Pero last post nya is last year din. WTF?!

"Babe," napabalikwas ako ng upo dahil sa tawag ni Nissan sakin.

"A, e.. Bakit babe?" tanong ko. Muntik ko nang maibato yung cellphone dahil sa gulat. "Para kang namatayan sobrang seryoso mo." natatawa nyang sabi. Napakamot nalang ako sa ulo.

"Haha. Sige, may kunin lang ako sa kusina." mabilis akong tumakbo papuntang kusina at nakita ko si Chloe at Michelle na nanonood pa ng TV.

"Andyan pa si Nissan?" tanong ni Michelle. Tumango naman ako at pumunta sa dinning, umupo ako don.

Hay, bakit ko ba ginagawa ito? Matagal na syang wala dito. Bakit kaylangan ko pang syang hanapin? Baliw na ako, hahanapin ko pa ba yung taong wala na, na patay na. Nailing nalang ako at pinindot yung home botton ng cellphone ko. I just stare my wallpaper, isang taon ko na nga ata itong hindi napapaltan. Yung picture namin nila Cyrus nung bata, with my family. Andito pa si Ashley. Napabuntong hininga nalang ako.

I change it at yung picture namin ng barkada yung pinalit ko. Ito yung mag kakaakbay kaming lahat. Buti nalang nagkaroon ako ng ganang mga kaibigan. Tumingin ako kay Chloe at Michelle. Papunta silang dalawa dito.

"May problema ka ba Tiff?" tanong ni Chloe at umupo don sa harapan ko si Michelle naman sa tabi ko.

"Wala naman, bakit?" nakakunot kong tanong. Nagkatinginan yung dalawa at sabay ring tumingin ulit sakin.

"Tiffany, nakikita din namin sya." bigla akong kinabahan sa sinabi ni Chloe sakin. A..a-anong nakikita? Teka..

"What do you mean?" nagtataka kong tanong.

"Nung nasa resto tayo. Nakita ko din sya, napatingin sya saten kaya bigla syang tumakbo. Dalawa ang naka blonde don, Tiff. Kaya mali yung napuntahan mo. Tumakbo sya sa kanan at yung hinabol mo sa kaliwa. Kaya hindi kami nagtataka na buhay pa sya.." Chloe explained to me. Napatulala ako sa sinabi nya.

"We searched din sa mga account nya sa social media. Puro last year ang mga post nya. Yung iba naman hindi lang last year." sabi sakin ni Michelle.

Yeah, Michelle's right. Nag search din ako kanina. Pero nung nasa resto kami hindi ko napansin yung dalawang naka blonde.

"Alam na ba nila?" pareho silang umiling sa tanong ko. "Good," tumayo ako pero bago pa ako makaalis.

"Wag nyo munang sabihin sa iba. Hindi pa ito yung oras."

***

I just woke up na nakayakap kay Nissan. Tulog pa din sya. I just stare his face. Why so handsome, babe ko? Lalo akong naiinlove e! Tumayo na ako at pumunta na sa kusina. Wala sila Chloe siguro nasa Resto yon at nagtitinda.

Nagluto muna ako ng bacon, egg, fried rice, fried chicken and some ham. Para lang naman samin ito  ni Nissan. Tumaas ulit ako at tulog pa din sya.

Tumalon ako sa higaan at yumakap agad kay Nissan. "Babe," bulong ko sa tenga nya. Gumalaw naman yung kilay nya. Napaka taray naman nito. "Babe, gising na!" Inalog ko pa yung mukha nya kaya napadilat yung isa nyang mata. Ang cute!

"Hmm?" sabi nya. "Kakain na tayo.. Tara na!" sabi ko. Tumayo ako at kinuha yung kamay nya para hilahin palabas ng pintuan. Ayaw nyang matikman yung luto ko? Ang sarap-sarap nun. Baka mapunta ka sa heaven dahil natikman nya yung luto ko. "Babe," inaantok nya paring sabi. Natawa naman ako kase isang mata lang yung nakabukas sa kanya.

I kiss him and napangiti naman sya. Pang pagana lang yun. Nako, inaabuso ako nitong Nissan na ito e. "Ganan ka ba mag gising sakin kapag umaga?" nakangisi nyang sabi. Napa irap nalang ako at hinila na sya palabas ng kwarto. "Depende." narinig ko ang tawa nya.

***

"Nissan!" tawag ko sa kanya. Napamewang nalang ako ng makita ko syang nasa kusina. Hay, napaka kulit talaga nang lalaking ito. "Sabi kong wag mong kakainin yan!" sigaw ko ulit sa kanya. Nanlaki naman yung mata nya habang nakatingin sakin. Ang cute!

"E, nagugutom ako." nakasimangot sya habang may dungis yung mukha. Ginawa kasi ni Mia yung graham. Para sakanila ata ni Adrian yun. Hay nako! Nissan naman.

Nasa Resto pa sila. 7pm palang, di ko aakalain na silang lahat ay pupunta don. At bukas na pala ang alis ni Ralph at Samantha. Babalik naman din sila kaya hindi ako magdra-drama.

"Kainin mo na yan. Magluluto nalang ako at gagawa ng bago." sabi ko. Nilapag ko sa lamesa yung mga pinamili ko. Hindi nya ako pinansin at kumain pa din sya. Hindi pa ba sya nabusog don sa niluto ko kaninang umaga?

Ayy, oo nga ano? Kanina pang umaga yun, gabi na. Tinamad kasi akong magluto kanina.

"Hmm! Nga pala, babe. May nag text sayo kanina." sabi nya. "Ano yun? Nabasa mo ba?" tanong ko habang nakatalikod sa kanya. Dahil may hinuhugasan akong mga gulay dito. "Hindi. Eto oh!" sabi nya. Nilapag ko muna sa isang tabi yung mga gulay at nagpunas ng kamay.

Kinuha ko yung cellphone ko. And I read the message. OMG! O___O

In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon