Nissan's Pov
Wala na akong nagawa kundi umiyak. Kahit ano pang gawin ko hindi na mababalik. Hindi na sya mababalik. Hindi na mababalik ang mga nakaraan namin. Lahat kami parang panda na sobrang paga ng mga mata dahil sa mga nangyari.
Parang hindi ko kakayanin kaya lumabas muna ako ng ospital. Hindi ko kakayanin na makita si Tiffany na nakahiga sa higaan sa ospital.
Pinagsusuntok ko yung pader nang ospital. Wala man lang akong maramdaman na sakit, nakita ko yung dugo sa pader pero wala parin akong ginawa kundi magbasag, suntukin yung pader at magsisigaw.
Nangyari na ito dati. Yung ginawa sakin ni Ashley! Tangina, ang sakit!! Sana ako nalang yung namatay! Sana ako nalang.
Parang may yumakap na malamig na hangin sakin. Pakiramdam ko si Tiffany iyon.
"Tiffany,"
"Bakit mo ginawa sakin ito? Bakit.. Bakit ikaw pa? Maglalakad pa tayong dalawa sa simbahan diba? Sabi mo walang iwanan pero bakit mo ako iniwan? Tiffany.." para akong tanga na may kausap.
Wala na sya! Nissan! Wala na! Kahit paulit-ulitin ko yang word na yan, hindi ko maipasok sa utak ko! Parang hindi ko kakayanin. May pinangako sya. May pinangako sya na magiging masaya daw kami. Tangina! Bakit namin magagawa iyon kung wala sya?! Wala!! Kulang yung barkada namin!!? Tiffany.
***
Tiffany Mae Santiago
1989–2016
Born: December 4, 1989
Died: November 20, 2016***
Parang gusto kong hukayin yung ilalim nito at yakapin sya. Wala na akong–kami magagawa kaya umiyak nalang kami. Halos hindi ko matingnan si Tiffany sa kabaong baka hindi ko talaga kayanin. Hanggang ngayon di ko parin matanggap. Tumingin nalang ako sa langit na maliwanag.
"Magiingat ka dyan ha? Kumain ka ng tama sa oras at lagi kang ngumiti. Mahal na mahal kita Mrs. Smith. Wag mo akong kakalimutan ha? ‘Wag mong pababayaan yung sarili mo dyan. Alam kong kasama mo na ang mga anghel at Diyos kaya magiingat ka. Ayoko nang pahabain pa ito, basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Tiffany Mae Santiago-Smith. Magkikita rin ulit tayo."
The End.
BINABASA MO ANG
In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]
Fiksi RemajaThey have a happy life. Simple life and simple personalities. What will happen when the devil is came back? The happy live turn to a messy, sad and complicated life. What we'll they do? Give up or not?