Michelle's Pov
"Ang awkward promise!" Samantha.
"Nabibingi na nga ako eh." Mia.
Tahimik lang kaming lahat dito. May 30 minutes pa naman kami para pumunta sa 'Happy Food'. 'Yan yung pangalan na binigay ni Tiffany. Lagi daw kasi kaming masaya, at yung food dinagdag nya lang 'yun kasi nga kainan yung restaurant diba?
"Tara na nga. Pumasok nalang tayo." Chloe.
"Pa'no sila Tiffany at Nissan hindi ba natin hihintayin?" Gian.
Biglang nag ring yung phone ni Samantha kaya lahat kami napatingin sa kanya. Nag sign sya na si Tiffany iyon kaya ini-loud speak nya.
["Sam?"]
"Hoy, girl. Nasa'n ka na? Kanina pa kami naghihintay dito."
["I'm sorry, may pupuntahan lang kaming dalawa ni Nissan. Importante lang, kaya kayo na mauna sa Happy Food. Anjan ba si Tom?"]
"Wala sya dito, bhe. Sige, mag ingat kayo ni Nissan ha?"
["Yes boss! Babye. Galingan nyo sa restaurant ha. Pag may palpak, pag uuntugin ko kayong lahat. Maliwang ba?"]
"Yes boss! Kami bahala. Ingat kayo jan ni Nissan kung saan man kayo pumunta. Haha, basta ninang ako!"
["Walangya ka Sam. Sige na ingat!"]
Binaba agad ni Tiffany yung tawag. Dumiretso na kami sa Happy Food. Tahimik lang din kaming dalawa ni Josh sa byahe. Ayaw nya yata magsalita hindi ko naman sya pipilitin. Bumaba na kami do'n at mas nauuna talaga ang customers kesa sa mga nag ta-trabaho. Panay yakap lang sila at signatures sa cellphone or sa likod nang damit.
Binuksan ni Sam yung restaurant at binuksan na namin, deretso naman agad sila Josh sa kusina. Kami naman todo serve. Madali lang naman eh, nakakataba lang talaga nang puso yung mga sumusuporta sa'yo kapag ganito.
"Hay! Kapagod."
Nakaupo lang kami sandali dito dahil isang oras na kaming nag se-serve. Lahat naman nang customers nakain na, masaya sila syempre sino ba naman ang hindi sasaya diba?
"Change?"
Napatingin kaming lahat kay James na nagluluto habang nakatingin sa'min.
"Anong change?"
"Kayo magluto kami mag seserve. MUNA"
Diniinan nya talaga yung muna ha. Pero sangayon ako do'n, kami ang magluluto para sa customers. Yepss!
"Agree!" Josh.
"Me too." tinaas ko yung kamay ko ganun din yung iba kaya panalo yung sang-ayon. Napatingin ako kay Josh, nakangiti sya at nakatingin sakin. Kumindat sya sakin at nakipag-apir. Ewan pero ganun kami eh, kapag masaya.
Ayun nakipag palit nga lahat. Nagluto din ako, parang ako na rin muna yung pumalit kay Josh.
***
Tiffany's Pov
"Mr.Oh. Hindi kaylangan ni Mr. Smith na pumunta sa Japan dahil sa isang pagkukulang nya."
"Mrs. Santiago. Wala kang alam sa pinag-gagagawa ni Mr. Smith. Sya yung may kasalan kung bakit bumaba yung ratings, he deserve that."
"Wala naman pong kasalan si Mr. Smith dito, nahihirapan naman din yung tao. Parang sya nalang lagi yung gumagawa nang lahat, hindi naman sya sa Superman para hindi mapagod diba?"
Natahimik sya bigla sa sinabi ko. Simula kasi nung nawala si Nissan dito sa kumpanya, yung Papa ni Nissan. Sa lahat nang project si Nissan at ang Papa nya lang ang gumagawa, ayaw tulungan nang secretaries yung President nila dahil mas gusto nilang tulungan yung V.President dito. Fvck! UNFAIR!
BINABASA MO ANG
In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]
Teen FictionThey have a happy life. Simple life and simple personalities. What will happen when the devil is came back? The happy live turn to a messy, sad and complicated life. What we'll they do? Give up or not?