Tiffany's PovToday is the day.
Waah!! Opening na ngayon nang resto namin. Naligo ako nang bonggang-bongga nagayos din ako para sa damit. Mag kaka pareho lang naman kami nang t-shirt may pangalan pa nga sa likod ehh.
Masyado pang maaga para pumunta ako do'n pero nauna na ako. Susunduin nga dapat ako ni Nissan pero sa excite ko, nakalimutan ko na 'yun. Nag drive na ako papunta sa restaurant na pinagipunan namin.
Sa totoo lang, hindi pa rin nawawala yung inis ko kila Chloe, pero para sa ikakabuti nang career namin ginawa ko yung tama. Nasaktan ko kasi si Nissan eh, pero nag sorry naman ako sa kanya at bati na kami ^_^
"Kyaaah~ anjan yung idol ko!"
"Waaah~ ang ganda-ganda nang idol ko!"
"Si Tiffany Santiago andito na. Kyaah~"Napahawak ako sa tenga ko. Grabe, mas nauna pa sila kesa sakin. Mag exited siguro sila, kesa sakin. Ngumiti ako sa kanila, niyakap naman nila ako at may nagpapirma na din. Kahit sa likod nang cellphone or tshirt nila pinipirmahan ko na rin. Hanggang sa makapunta ako sa pintuan.
"Wait lang kayo fans ha? Hintayin nyo yung ibang idols."
Awkward nang sabi kong yun ah! Nagsigawan nalang sila bilang sagot. Pumasok na ako do'n. Tiningnan ko yung ref, kumpleto ang ingredients. Pati yung cabinet, para sa baking okay na. Naglinis muna ako do'n kahit walang kaylangang linisin dahil malinis na talaga ang kitchen.
Tinawagan ko muna si Tom dahil tatlong araw na syang hindi nagpaparamdam sakin. Nakakapagtampo na sya ha!
Calling Tom...
Nakailang ring nang sagutin nya ang tawag.
"Tom.." hindi muna sya nagsasalita kaya ako na yung nagtanong.
"Pupunta ka ba sa opening?"
Tiningnan ko yung phone ko kung nakaend call hindi naman. Bakit ayaw nyang magsalita?
"Tom are you there?"
Napasimangot nalang ako dahil ayaw nyang sagutin yung tanong ko. May nagawa ba akong mali sa kanya? May kaylangan ba akong itama? Langya. Ano bang pinagsasabi ko? Bestfriend ko naman si Tom eh.
"Yes, im here"
Parang nabuhayan ako sa salita nya. Akala ko patay na 'tong si Tom at iba na ang may hawak nang cellphone nya. Syempre, joke joke lang.
"Pupunta ka ba? Please, Tom pumunta ka na ha? Please... ako na humihingi nang favor."
Para kong tanga nag pa-puppy eyes kahit hindi naman nya ako kita. Pero sana naman pumayag sya para kumpleto yung barkada namin mamaya.
"Okay. I'll be right there"
Iend call naman nya agad yun. Tinago ko na yung cellphone ko at tumingin sa labas. Nakita kong papadating yung kotse ni Nissan at Ralph. Kaya naman nagsigawan yung mga fans sa labas, kahit hindi artista si Nissan pinagkakaguluhan sya, nakita kong niyayakap at kini-kiss sya sa cheecks. Naman, mga fans magsi-ayos kayo baka hindi ko mapigilan ang pagseselos ko dito.
"Hi babe. Goodmorning"
Niyakap ko si Nissan kahit wala akong gana. Kasabay din pala nila si Sam, naku may something na yata sila ni Ralph. Nagkaka-devolopan na yata sila ah.
"There's something wrong?"
"Wala naman."
"Weeh? Sorry na kung may kasalanan ako. Please."
Nag puppy eyes pa sya sakin at hinawakan yung kamay ko. Nilayo ko muna yung kamay nya at kumuha nang tissue sa bag, humarap ako sa kanya at pinunasan yung dalawa nyang pisngi at pinagpag ang damit.
BINABASA MO ANG
In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]
Teen FictionThey have a happy life. Simple life and simple personalities. What will happen when the devil is came back? The happy live turn to a messy, sad and complicated life. What we'll they do? Give up or not?