Michelle's Pov
"Michelle! Yung niluluto mo. Langya, nagsasayang ka ba nang ulam?"
Natauhan ako sa sigaw sakin ni Tiffany. Nyeta, patay ako dito sa ammazonang 'to. Binuksan nya na kasi yung condo na binigay nang manager nya. Malaki naman eh. Mabilis naman akong lumabas nang kwarto at deretso sa kusina.
Sunog na yung bacon at adobo na niluluto ko. Patay ako sa ammazonang babaeng 'yun. Pinatay ko naman agad yung apoy at tiningnan yung adobo ko. Hindi naman eh, hindi naman over cook. OA talaga 'tong si Tiffany.
"OA kang babae ka. Gusto mong ikaw ang lutuin ko do'n?!"
"Gaga ka talagang babae ka. Gusto mo ba talagang masunog yung niluluto mo?! Kung hindi pa kita sinigawan, masusunog yung niluluto mo. Pangalawa na 'yan babae ka ha." Tiffany.
"Ano bang problema mo at kanina ka pa tulala?" Chloe.
Napakamot nalang ako nang ulo ko at bumalik nalang sa kusina. Nakakainis na kasi si Josh eh. Lately, lagi na syang umaalis nang hindi ako kasama. Tapos kapag uuwi naman sya, laging nakatutok sa cellphone nya.
"Michelle!!"
Muntik ko nang maitapon yung bacon na niluto ko sa sigaw ni Tiffany. Ano bang problema nitong babaeng 'to?!
"Ano?!"
"Kanina pa kami tanong nang tanong kung bakit ka nakatulala, anong ginagawa mo ayun nag hahanda lang. Parang kausap namin yung mga sarili namin dito!" Tiffany.
"Ano nga kasi, girl?" Mia.
Umupo naman ako sa tabi ni Summer. Napabuntong hininga ako at napayuko.
"Alam ko na.." Summer.
Tumabi lang ako alam na nya agad. Psychotic ba sya? Wew. Tss!
"Summer manahimik ka. Hindi ikaw si Michelle." Tiffany.
Nagpipigil nalang nang tawa si Mia at Chloe. Hindi ko nalang sila pinansin, nakikinig silang lahat sa sasabihin ko. Baka naman ka-text nya yung mga magulang or kapatid nya. Tapos kaya sya naalis baka naman nagba-bonding sila nang family nya. Hindi pa naman sigurado kaya wala akong dapat ikatakot o ikatulala sa harap nang mga kaibigan ko diba?
"Ang dami nyang sinabi." Tiffany.
"Oo nga, kaya pala hinabol sya nang pittbull kanina." Mia
"Haha. Ang ganda nang dahilan mo" Chloe.
Hindi kasi ako nagsalita kung anong dahilan ko. Kaya ayan inaasar na nila ako, napasimangot nalang ako. Naku, sayang naman yung niluto ko kung hindi kami kakain.
"Mga panget tara kain na."
"Okay, panget."
Kumain lang kami at syempre hindi mawawala ang katangahan at kwentuhan namin. Nagtatawanan din kami, ang saya nga namin kapag ganito eh. Dapat nga naandito yung mga boyfies namin eh, pero wala. Busy sila at mag ba-bonding din daw silang lima. Si Ralph at Sam? Ayun nagre-ready na para sa pag-alis nila papuntang Italy.
Next next week pa sila aalis. Hanggang sa matapos kami, babalik na rin kami sa condo namin.
"Hoy, panget. Ayusin mo ha! Tawagan mo lang kami kapag kaylangan ha? Baka may mangyaring masama sayo." Chloe.
"Duh. Kung ano-ano iniisip nyo. Meron akong budyguards sa labas. Sige na mga, panget. Mag ingat kayo" Tiffany.
"Sige, kapag nagutom ka... magluto ka ha? Hahaha!"
"Gaga Michelle. Umayos ka, baka isapin kita palayo nang condo." Tiffany
"Di mabiro. Babye!"
Nagbesohan lang kaming lima at umalis na kaming apat. Nakasalubong din namin ang mga budyguards nya, siguro pinatawag nya na.
BINABASA MO ANG
In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]
Teen FictionThey have a happy life. Simple life and simple personalities. What will happen when the devil is came back? The happy live turn to a messy, sad and complicated life. What we'll they do? Give up or not?