Chapter 8

8 2 0
                                    

Michelle's Pov

"Huy, panget. Bakit ganun 'yun?"

Tumingin ako kay Chloe na nagtataka kung bakit ganun inaakto ni Tiffany. Weird nya. Pero infairness, suot nya ngayon yung damit na binigay ni Tiffany.

"Ewan. Hayaan mo muna."

"Okay po."

Umupo nalang sya do'n sa sofa. Nandito kasi kami sa dorm namin, kakaalis lang ni Tiffany. Binigyan nya kami nang niluto nyang pancakes at yung speaciallty nyang adobo. Nag effort pa sya, pwede naman ipabigay nalang sa budyguards nya.

So ngayon, wala na akong PMS kaya pwede na. Haha, sorna. Naiinis lang talaga ako. Wag na nating pagusapan yun, baka maturn off ako sa sarili ko.

Bukas ko na rin kakausapin si Josh. Hindi ko naman din matitiis yun, mahal na mahal ko yung lalaking 'yun eh. Napairap ako sa sarili ko at pumunta do'n sa naglulutong si Mia at Summer.

"Improving mga panget!"

"Improving ka jan. Eh matagal na akong marunong magluto nuh!" Summer.

"Naku! Natuto ka lang nung nagka restaurant tayo noh."

Nagtawanan kaming dalawa ni Mia. Haha! Pagtulungan ba daw si Summer. Malalagot kami nito. Na miss lang namin magkulitan.

"Hoy! Nagtatawanan pa kayo jan. Mag aalas-diyes na nang gabi hindi pa kayo nakakaluto" Chloe.

"Heto na Ma'am. Gutom na eh." Mia.

Nilapag nila sa lamesa yung kaldereta na niluto ni Summer at yung steamed fish ni Mia. Wow, ang sarap ah. Hoho pero hindi ko pa natitikman.

Nagkainan lang kami nang apat. Hindi rin nawala yung asaran at tawanan namin habang nakain. Bukas na 'yun, aawas nang 8pm si Josh bukas kaya ganun rin sched ko.

***

Ngayon daw dadating yung mga boyfriend nila. Boyfriend namin.. hindi naman kami nag break ni Josh diba? Tss. Ayoko na munang pag-usapan 'yun.

"Michelle! Di ka mapakali? Mukha kang tanga." Tiffany.

"Hayaan nyo muna yung babaeng 'yan alam nyo naman na may pinagdadaanan eh." Chloe.

"Nakow! Padating na naman din eh. Doon na kayo magusap nang matino ha?" Samantha.

Napa pout nalang ako. Uusap nang matino? Kaya ko nga ba syang harapin nang ganon? Ano ba 'yan kakakaba! Wag nalang muna kaya akong magpakita? Pag nagkulong naman ako sa kwarto baka masira pa yung pinto ko dahil sa mga kaibigan ko. Aiast!!!

"Sam, nahihiya kasi ako eh."

"Fvck ngayon ka pa nahiya. Kung kelan yung tamang time para kausapin sya." Summer.

Hala, grabe makapag mura itong babaeng 'to. Tama naman sila pero ito ba talaga yung tamang time para mag sorry sa kanya. Hay! Lulunukin ko na lahat nang pride ko basta makakapag sorry lang ako sa kanya.

"Oy! Nandito na sila." Mia.

Nagtatakbo naman sya para buksan yung pintuan. Bumungad sakin yung mga gwapong nilalang, pero asan yung isa? Kulang sila. Tss! Ngayon pa sya nawala.

"Babe, asan si Josh?" Tiffany.

"Andoon sya sa bar. Sumunod nalang tayo don." Nissan.

"Toinks! Bakit tayo pupunta don?" Mia.

"Syempre mag-iinom alangan namang zoo diba?"

Sinamaan nya lang ako nang tingin pero hindi ko pinansin. Wala namang magagawa 'yun. Nag crossed arms lang ako at humiga sa sofa. Matutulog nalang ako.

In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon