Cyrus Pov
Kumakain kami ngayon dito sa bahay, umuwi na sila, Gian, at Adrian. Ang one of the girls muna ako ngayon. Si Nissan, nasa bahay pa din daw sya sabi ni Tiffany sakin.
"Cy, di ka pa uuwi?" tanong sakin ni Chloe pagtapos naming kumain. Umiling ako. "Matutulog ako sa kwarto mo." sabi ko. "Ahh. Okay, may extra ka pa namang damit sa taas." Tumango nalang ako.
Sa kaartehan talaga ng pinsan ko, ako ang pinaghugas ng pinggan. Pagkatapos kong maghugas tumaas muna ako sa kwarto nya. "Tiff?" binuksan ko yung pintuan at nakita ko syang nakahiga habang nakatingin sa kisame. "Yes, Cy?" tanong nya at nag indian sit.
"Nga pala, Cy! Next week na ako babalik sa condo ko." sabi nya sakin. Napakunot yung noo ko sa sinabi nya. "Bakit ka nanaman babalik doon?" tanong ko. Umupo din ako sa kama nya.
"May bago akong movie, ako yung pinili ni manager para doon." Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya. Babalik ulit sya sa TV! I don't know pero masaya ako kapag nakikita ko sila sa TV sa mga acting-acting na ganyan. "Di nga, Tiffany?!" tumango-tango naman sya.
"Sige, hihintayin ko iyon ha! Galingan mo." sabi ko sa kanya. Ngumiti sya sakin na para bang ang yabang. "Syempre naman ako pa." Mukha syang lalaki dahil nagpapogi points pa sya. Mukha lang syang lalaki kaya ginulo ko yung buhok nya.
"Dito ka matutulog?" tanong nya.
"Yep, doon sa kwarto ni Chloe. Sige na, matulog ka na. Mahal na prinsesa!" natatawa kong sabi.
"Bwisit ka talaga, Cy!" Irita nyang sabi.
"Prinsesa ka naman talaga, prinsesa ka ni Nissan." dumila pa ako sa kanya kaya umalis na ako sa kwarto nya. Baka batuhin pa ako ng unan non.
***
Tiffany's Pov
Abnormal talaga yung lalaking yon!
Napailing nalang ako dahil sa pinakamagaling kong pinsan. Gwapo naman si Cy lalo na kapag tumatawa at ngumingiti dahil sa pisngi at mga ngipin nya. Ang cute kaya, hindi naman masungit yan si Cy. Kapag nagagalit lang talaga sya nagtatampo or hindi namamansin. Kapag nag aalala sakin yan, laging nasa tabi ko.
Minsan lang din umibig yan si Cy. Nakita ko lang ang pagiging lover boy kay Chloe. Napaka loyal! Hahaha.
At dahil pumasok ulit sa utak ko yung nangyari kanina sa comfort room. Bakit, naman? Sinong gagawa sakin nun? Nagpaikot-ikot ako sa kama ko dahil nababaliw nanaman ako.
Narinig ko yung ringtone sa skype. Nakita ko si Samantha. OMG! Sinagot ko agad at nagayos ng buhok. Kasama nya si Ralph.
"Sam!" masaya kong sigaw. Napatingin ulit sya sa camera at ngumiti din sakin.
"Tiffany! Andito na kami sa Italy. Here, kasama ko si Ralph. Limang oras ang lamang namin kesa sa inyo." sabi nya. Napatango-tango ako.
"So, bukas na ba start nyo?"
"Oo, itong si Ralph tinatamad pa. Mas gusto nya pa daw mag gala-gala muna para maenjoy daw ang bakasyon dito sa Italy." tiningnan ko si Ralph na nagse-cellphone sa likod ni Samantha.
"Magkasama kayo sa isang kwarto?"
"Hindi, pumunta lang ako dito para hiramin yung tablet nya, ayaw naman nyang ipadala sa kabilang kwarto. Napaka arte nitong lalakinh ito, e!"
"Hoy, Samantha! Akala mo hindi ko naririnig yang mga pinagsasabi mo? Ikaw na nga dyan yung pinahiram ikaw pa dyang yung magagalit kung—" singit ni Ralph pero pinutol ni Sam ang sasabihin nya.
"Kung makapagsabi ka! Minsan lang ako humiram sayo ng gamit ipagdadamot mo pa! Kung sampalin kaya kita?!"
"Hoy, Samantha! Bakit ano bang hinihiram ko sayo?"
"Books, magazines, earphones sometimes nga cellphone ko pang text mo. Baka umangal ka? Tapos humihingi ka pa ng pagkain sakin!"
Ayun, nag away na yung dalawa sa harapan ko. Ganan lang yan sa una, tapos sa huli magkakaibigan na. "Hoy, Tiff. Anong sabi mo?!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Sam. Masyado ata akong nadala. Tumawa ako at sinabing wala.
***
Ginala ako ni Sam sa condo ni Ralph. Magkapareho lang naman din daw kaso magkaiba lang nang kulay. White lang yung kay Ralph and may blue naman yung kay Sam. Hanggang sa inantok yung dalawa, may jetlag pa silang dalawa. Haha!
Kinabukasan, ganun parin naman ang routine tatambay dito kakain. Dahil bagong linis ang pool namin. Mag swi-swimming ako ngayong umaga. Wohhoo! Exiting. Sinuot ko muna yung short kong itim and longsleeve na black. Medyo kita yung tyan ko.
Ako lang magisa? Pero okay na yon. Practice lang mag langoy langoy kesa sa walang magawa. Nagtali rin ako ng pony at bumaba na. Lahat sila nakatingin sakin.
"O, bakit ganan suot mo? Mag momodel ka ba sa gitna ng kalsada?" tanong agad ni Chloe sakin. Natawa naman ako. "May kadate ka? Naka ganan?" tanong ni Michelle.
"Siguro, magdidilig lang nang halaman." Cyrus.
"Baka magluluto." Mia.
"Baka—"
Inirapan ko nalang silang lahat at dumiretso na sa likod ng bahay. Mga wala namang mararating mga pinagsasabi nila. Nilagay ko yung towel ko don sa may upuan and nagbabad na. Masyadong maligamgam.
Swimming dito, swimming doon. Yan lang yung ginagawa ko. Hanggang sa mapagod ako umahon muna ako at nilagay yung towel sa balikat.
"Ikaw lang magisa?" napatingin ako sa lalaking nagsalita.
"May kasama ba ako?" tinawanan nya lang ako.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Akala ko hindi ka pa pinapayagan ng Mama mo na pumunta dito," dagdag ko.
"Matitiis ba kita?" sabi nya sakin at kumindat. Abnormal talaga tong Nissan na ito. Pumasok nalang sya sa loob.
Lumusong nalang ulit ako sa tubig. Nakita kong lumabas si Cyrus. Kaya umahon ulit ako. "Di ka ba magiimbita?" tanong nya. Umiling ako. "Gusto ko munang mapagisa." nakangiti kong sabi.
Nagulat nalang ako bigla nya akong hinatak pababa. Bigla nalang akong nakarinig nang putok ng baril kaya bigla akong kinabahan. "Shit!" sigaw ni Cyrus.
"Dito ka lang Tiffany!" mabilis nyang sabi at mabilis ring tumakbo palabas. Tinawag ko yung pangalan nya baka mapahamak pa sya kapag hinabol nya yung bumaril.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung hindi ako pinadapa ni Cyrus. At kung hindi sya pumunta rito. Malamang, patay na ako ngayon. Nakita kong naglabasan ang barkada.
Lumapit si Nissan, Chloe, at Michelle sakin. And the rest lumabas sila. Napayakap agad ako kay Nissan at doon umiyak sa balikat nya. "Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Anong masakit sayo?" sunod-sunod nyang tanong. Umiling naman ako.
Nakita kong nagtinginan si Michelle and Chloe at sabay napatingin sakin. I know their stares. Hindi naman nya gagawin sakin yun. Unless, kung may nagawa nanaman ako sa kanya
Wala na sya. Wala na sya. Bakit nang gugulo pa din sya?! Please, tumigil ka na.
BINABASA MO ANG
In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]
Teen FictionThey have a happy life. Simple life and simple personalities. What will happen when the devil is came back? The happy live turn to a messy, sad and complicated life. What we'll they do? Give up or not?