Chapter 9

9 1 0
                                    


Summer's Pov

Kakaiyak, aalis na agad si Michelle. Di bale may mga magagandang memories naman kaming nagawa bago sya umalis. Isang linggo makalipas na maghiwalay yung dalawa, yun ang desisyon ni Michelle kaya hindi na namin sya mapipigilan.

Kahit ako naman ayoko syang umalis pero kaylangan na rin yun para sa ikakabuti naman nya. Si Josh? Ayun. Hindi na muna nagpapakita samin pero kila Gian nagpapakita naman. Ayaw lang daw nya talaga kaming kaharap.

Ako din, baka masapak ko pa sya pag nakita ko si Josh. Kagaguhan yung mga ginagawa nya, nakakainis! Buti nalang nasampal ko yung babae. Natandaan ko rin yung pagmumukha nang malanding yun. Hindi nya muna inaalam kung taken na ba yung kalandian nya. Nagkakalat pa kasi sya nang problema sa buhay eh. Kainis!

"Hoy, Michelle. Mag ingat ka do'n ha? Pasalubong kong chocolates." Chloe.

"Opo Ma'am. Haha, ma mimiss ko kayo nang sobra!" Michelle.

Naku, baka mag drama pa kami dito sa airport nakakahiya sa mga tao dito. Pero mamimiss ko naman din itong panget na 'to. Mababawasan nanaman yung barkada. Uwaa! Nakakamiss lang.

"Panget, pag na mimiss mo ko. Isuot mo yung dress na binigay ko sa 'yo ha?" Tiffany.

"Edi araw-araw kong susuutin yun?" Michelle.

"Ikaw bahala." Tiffany.

Nagtawanan naman kami. Ma mimiss ko talaga sya, hayst! Baka umiyak pa ako dito nakakahiya sa tao. Ecck! Asan ba yung mga boyfriend namin? Nyeta kanina pa kami nag hihintay dito eh. Malalagot talaga sakin 'yun pag hindi dumating 'yun.

"Asan na yung iba? Baka maiwanan ako sa flight ko."

"Just a wait lang, panget. Tska sigurado ka bang doon ka talaga mag mu-move on? Pwede namang dito sa bahay. Magtatawanan nalang tayo hanggang sa makalimutan mo s'ya diba?"

"Oo nga panget. Pero ang tanong mag mu-move on ka ba talaga?"

"Baka mali 'yang ginagawa mo ha."

"Basta. Magpapaluwag lang ako sandali sa abroad. Malayo sa gulo at sakit. Babalik rin ako dito at magiging maayos na ang lahat."

Naiiyak tuloy ako sa sinabi ni Michelle. Pangalawa na ang aalis sa barkada. Una, si Gian dahil sa Lola nya. Ngayon, si Michelle naman dahil sa break up nila ni Josh. Soon, si Sam and Ralph na mag tatanan na. Joke lang, may tapping silang dalawa.

"Papaluwag. Tatahiin ko damit mo at gawin nating large 'yan!"

"Kalokohan mo, Tiffany! Basta. Mahal na mahal ko kayo."

Uhh. Ang sweet naman ni Michelle. Ganan ba talaga sya kapag aalis? Nanlalambing bigla? Bahala na.

"10 minutes nalang. Sige babye lang mga panget. Mahal na mahal ko kayo."

"Sige na. Kami na ang bahala sa mga boyfriend namin. Baka maiiwan ka pa sa flight mo."

"Okay, Madame's!"

Nag group hug lang kami sandali at tiningnan sya palayo samin. Palayo sa mga sakit na dinaranas nya. Palayo para makapag pasaya naman kahit papaano.

You will be back again. Michelle. Good luck!

***

Michelle's Pov

Inayos ko ang bag ko. Papunta ako sa part time ko sa isang pizza parlor. Kaylangan ko ito para makatulong rin kila Mama at hindi ako manghingi nang manghingi sa kanila. Nakakahiya naman pag gano'n. Kinuha ko na yung bag ko at umalis sa condo. Ni lock ko rin ito.

"Hi, Michelle!"

Bati sakin nang ka trabaho kong si Leila. Ngumiti nalang ako sa kanya, tatlong araw narin ang magbuhat akong lumayo sa Pinas. 2 araw palang ako dito sa pizza shop. Friendly rin naman si Lei kaya mabilis kaming nagkakilala.

In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon