Chapter 3

13 1 0
                                    

Tommy's Pov

Papunta ako ngayon sa beerhouse. Gigimik lang ako sandali. Paniguradong magugustuhan ni Tiffany yung binigay ko sa kanyang flowers and chocolates pero parang may mali kanina eh. Hindi ko naman din alam kung ano bang dapat kong maramdaman kanina nung hinatid ko sa bahay nila 'yon.

Nang malapit na ako sa Beerhouse na sinabi nang mga kaibigan ko. May tumawag sakin, mabilis kong sinagot iyon nang makita ko ang pangalan nya sa screen.

"Hello?"

["T..tom"]

Agad bumilis ang tibok nang puso ko nang tawagin nya ang pangalan ko. Parang may mali sa boses nya,

"A..anong problema, Tiffany?"

Mabilis kong tanong sa kanya.

["Help me p...please"]

Nanlaki yung mata ko nang marinig ang boses nya. Parang pinipilit nya lang magsalita, hindi ko nanaman maipaliwag yung nararamdaman ko. Hindi ko nga alam na nailiko ko na yung kotse ko para pumunta sa bahay nila.

"Okay, just hang on okay?"

["Wag mo sanang ipahalata sa barkada. Please"]

Hirap na hirap syang isalita yan. Hindi na naman nya kaylangan mag salita nang please dahil isang sabi nya lang susundin ko. Mabilis akong nagmaneho papuntang bahay nila. Naabutan ko naman yung barkada na para bang binagyo yung bahay o binagyo yung mga mukha nila?

"Bakit ka nandito?" Chloe.

Hindi ko sya sinagot at mabilis na pumuntang kwarto ni Tiffany. Ni-lock ko agad ito dahil alam kong magsusunod yung mga 'yon.

Tumingin ako kay Tiffany. Putlang-putla yung mukha nya, at parang pinipilit nyang tumayo pero hinang-hina na sya. Mabilis akong lumapit sa kanya.

"Tiffany, anong nangyari sa'yo?"

Inalalayan ko sya para makahiga sa kama nya. Hinayaaan ko nalang muna syang matulog dahil hinang-hina na talaga sya. Nilagay ko yung kamay ko sa noo at leeg nya. Ang taas nang lagnat.

Nagpiga muna ako nang panyo galing sa malamig na tubig. Nilagyan ko din nang unting alcohol galing sa closet nya. Nilagay ko nalang muna sa noo nya iyon para bumaba ang lagnat nya. Narinig kong parang may kumakalikot na susi galing sa labas. Agad kong hinawakan yung doorknob.

Sabi kasi ni Tiffany ayaw nyang malaman nang kaibigan nya ito kaya hindi ako papayag na makapasok sila.

"Sh*t. Ayaw!" rinig kong sabi ni Cyrus.

Napailing nalang ako at hinawakan ko nang mahigpit yung doorknob para hindi sila makapasok.

"Impossible, Cy. Mukhang may nagpipigil sa loob" James.

"Hoy! Tommy, lumabas ka jan baka kung anong ginagawa mo sa pinsan ko!!"

Napangisi naman ako. Seriously, ganito kagreen ang mga utak nang kaibigan ni Tiffany?

"No I'm not."

"Ikaw nga yung pumipihit nang doorknob para hindi kami makapasok. Langya kang lalaki ka!! Papasukin mo kami!"

"Baka pasalamatan nyo pa nga ako.." bulong ko.

Hindi ko lang sila pinakinggan at sumandal sa pintuan habang hawak-hawak pa din yung doorknob.

"Tommy, please buksan mo na yung pinto" pagmamakaawa ni Samantha.

"I won't"

"Ano ba?! Ano bang kaylangan namin para makapasok kami jan?! Gusto mo bang sirain namin 'tong pinto?!! Nagaalala na kami sa kaibigan namin. Sana maintindihan mo, Tommy!" sigaw ni Summer.

In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon