Chapter 7

13 4 1
                                    

Pumunta ako kung saan nando’n si Josh. Nakakabadtrip promise! May PMS pa naman ako. Sa hindi naman kalayuan nakita ko si Josh na may kasamang babae. Nakaakbay pa sya do’n ha.

Wow lang. Porket kasama ko lang si Tommy do’n sa restaurant. Naiinis nalang ako bigla, parang ayoko nang pumunta kay Josh. Naiinis ako, si Tommy lang naman yung kasama ko kanina pero hindi ko man lang sya hinahawakan o ano, sinusungitan ko pa nga eh. Heto naman si Josh, may kasama na ngang babae naka akbay pa. Sweet nila ha?!

Mas makakabuti nalang na umalis na lang ako dito bago ko pa hindi ko matiis yung sarili ko na makipaghiwalay sa lalaking ‘yan. Pero pag nakipaghiwalay naman ako, ako din naman yung mahihirapan. Kaya wag nalang.

Tumalikod na ako sa kanila. Naiinis na talaga ako, naiiyak na nga ako sa inis eh. Bakit ba kasi si Josh?! Ano bang problema mo?!

“Michelle!!”

Hindi ko lang sya pinansin at mabilis nang naglakad. Tapos ngayon, tatawag tawag sya? Magsama sya nang babae nya.

“Michelle!!”

Hinawakan nya yung braso ko at hinarap sa kanya. Mabilis kong tinanggal yung kamay nya sa braso ko.

“Ano bang problema mo?!”

Sigaw nya sakin. May gana pa syang sigawan ako ha? Sya na nga ‘tong may babae, sya pa yung galit?! Wow lang talaga. Nakaka-pakshet.

“Wala. Wala akong problema. Walang wala”

Sarcastic kong sabi sa kanya tumalikod na ulit ako sa kanya at tumakbo na. Pero naramdaman ko nanaman yung paghawak nya sa braso ko at hinarap ulit sa kanya.

“Bakit ka ba umiiyak?”

“Sino yung babaeng ‘yun?”

Naiinis din ako sa tanong ko. Letche naman kasi si Josh. Mas malala kasi yung sa kanya nya eh.

“Lumapit ako sa kanya dahil naiiyak sya. Syempre I comfort her, nakipag break daw sa kanya yung boyfriend nya. Kaya ayun!”

“I don’t need your opinion. I need you’re explanition, bakit mo kaakabay yung babaeng ‘yon?!”

Pag hindi talaga ako nakatiis. Sasampalin ko na talaga si Josh. Ang ganda kasi nang explanation nya eh. Ang ganda, sobra.

“I don’t want to be rude.”

Natawa ako sa sinabi nya. Pinunasan ko yung luha ko, yung luha ko na kanina pa tulo nang tulo. Rude? Ako nga nagiging rude na ako kay Ken tuwing tatawagan at pupuntahan nya ako sa bahay. Si Tommy naman, hindi ko sya kinausap nang maayos kanina at tinarayan ko pa. Eh sya? UNFAIR!

“Rude you're face! Si Ken, tumatawag sya pero hindi ko sinasagot. Si Tommy din kanina na tinarayan ko pa at hindi ko sya kinausap nang matino. Para sayo yun Josh!! Pero ikaw? May parude-rude ka pang nalalaman! Wag mo na muna akong kausapin Josh. Gusto ko lang muna mapag-isa.”

Pinigilan ko yung mga luha ko. Tumalikod ako sa kanya, doon ko nalang binuhos ang luha ko. Ayoko lang kasing maging mahina sa harapan nya, dahil kapag pinakita ko ’yun baka kung ano pang magawa ko sa kanya.

“Gusto ko munang mapag-isa dahil... baka namamalikmata lang ako sa lahat nang pinapakita mo sakin. Sobrang unfair Josh. Sobra...”

Mabilis akong naglakad papalayo sa kanya. Palayo do'n sa lalaking sinaktan ako ngayon. Sobrang napaka selosa ko talaga kapag meron ako, bakit kasi ngayon pa umiyak yung babaeng ‘yun? May paiyak-iyak pa syang nalalaman. Ayaw nalang nyang tumalon pababa sa mataas na building.

***

“Anong nangyari kay Michelle?!”

Bungad sa'min ni Tiffany. Pumunta kasi sya dito sa bahay ko, si Pathrick kasi nakita akong umiiyak tapos tinawagan na sila Chloe. Kaya hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako sa nangyari sa’min kanina ni Josh. Naiinis talaga ako!

In The Name Of Love [Book 2 of FOREVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon