Chapter 3

1.8K 51 4
                                    

"Jivril.... Anong sinabi ni Silvia sayo nung pumunta sya sa inyo?"

"Jivril.."

Nahahalata ko na sa boses nya ang pagkainis.

Sinubukan kong i-refresh ang utak ko.

Tangina gulong gulo na ko sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung makakapag isip pa ba ako.

"A-ang sabi nya.. I-ikakasal na raw si Cole kay Crystal.. Nabuntis raw ni Cole si Crystal.. Lumayo na raw ako sa kanya... Yun ang sabi nya"

Nakatulala lang ako. Hindi alam kung saan nanggagaling ang boses ko maski ang mga salitang nasasabi ko.

Palagay ko nabaliw na ko sa sobrang daming gumugulo sa isip ko.

Hindi si Cole ang nakabuntis kay Crystal kundi si Kuya Andy. Nagsinungaling sakin si Silvia sa di ko malamang dahilan. Ngayon, sinasabi ni Kuya Andy na niloko ko si Cole at galit sya sa akin.

Putangina! Sana wala nalang akong utak! Ang gulo gulo!

Natahimik si Kuya Andy na parang may malalim na iniisip.

"H-Hindi totoong niloko ko si Cole.. H-Hindi yon totoo kuya Andy..." umiling iling pa ko habang sinasabi yon.

Nanginginig ang buong katawan ko pati ang boses ko. Siguro nga kung hindi hawak ni kuya Andy ang magkabilang balikat ko ay natumba na ko.

"Nung araw na nakita nya ko sa park... yun din ang araw na nilinaw ko kay Collin ang lahat.. .Tinawag ko sya non.. P-per" bago pa man ako makatapos ay yinakap na ko ni Kuya Andy.

Hindi ko namalayan na sobra na pala ang pag iyak ko. Hindi ko pa mapapansin kung hindi ko maramdaman na nahihirapan na pala akong huminga dahil sa paghikbi. 

"Ssh" hinaplos haplos ni kuya Andy ang likod ko.

Kahit papaano ay nababawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Unti unti nang lumilinaw ang lahat sa isip ko.

Pero nasasaktan pa rin ako.

"Ang sabi ni Silvia kay Cole pag uwi nya noon, may iba ka na daw mahal. At si Collin Briosso yon. Umamin ka raw na pera lang ang habol mo. Hindi naniwala si Cole non dahil mahal ka nya. Kaya pinuntahan ka nya. Pero sabi ng kapitbahay mo, umalis raw kayo kasama si Collin. Sinabi rin ng kapit bahay mo na boyfriend mo yon dahil araw araw nasa inyo. Pagkagaling sa inyo, dumaan sya sa park. At doon nya nakumpirma ang hinala nya. Nakita nya kayo noon"

Sa lahat ng sinabi ni kuya Andy, walang ibang nasa isip ko kung di si Cole. 

Gusto ko syang maka usap ngayon rin mismo. Ayaw ko nang magpalipas pa ng oras. Kaylangang malinaw namin sa isat isa ang lahat.

"K-kuya Andy... Nasan si Cole? Gusto ko syang makausap! Please...." iyak na ko ng iyak. Kada salita ko, parang nauubos ang boses ko.

"Jivril... Si Cole..."

Mas lalo akong kinabahan sa boses ni Kuya Andy.

Sa isip isip ko, nagdadasal ako. Na sana ayos lang ang lahat. Na sana maayos namin to.... Maaayos naman namin to diba?

"Kuya Andy, please!" Pagpupumilit ko. Bahagya pa akong pumadyak

Humigpit ang pagkakahawak nya sa balikat ko. Nasasaktan na ko pero walang wala. Kung bibitawan nya ko, malamang matutumba na ko.

"Nung araw na nakita  nya kayo sa park.. kinagabihan, niyaya nya kami ni Crystal na mag inuman noon.... Nasa bar kami noon. Nag iinuman. Doon nya sinabi samin lahat ng nalaman nya. Doon sya nilabas lahat ng sama ng loob... Jivril... kinailangan nang umuwi ni Crystal non... kaya iniwan namin sya. Pinasundo ko sya non sa driver namin pero... wala na non si Cole pag dating nya sa bar. Isa lang ang ibigsabihin non. Nagdrive si Cole ng lasing... nung gabing naaksidente sya... yon din ang gabing may nangyare samin ni Crystal"

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now