Chapter 7

1.5K 55 1
                                    

Its been a week.

Isang linggo na matapos naming umpisahan ang pag iimbistiga kay Silvia.

Hindi ko alam kung may balita na ba dahil wala pa namang sinasabi si Kuya.

"Nakapag impake ka na?"

Napalingon ako kay kuya. Nakasandal sya sa pinto ng kwarto ko.

Sinarado ko ang zipper ng maleta ko saka ko sya nginitian at tumango.

Lumapit sya sakin at naupo sa tabi ko.

"Magpakabait ka ron"

Sinimangutan ko sya. "Kuya, hindi na ko bata" natatawa kong sabi.

"Alam ko. Hindi ko lang talaga alam kung anong sasabihin. Mag iingat ka lagi. Wag na wag mong pababayaan ang sarili mo" hinalikan nya ko sa noo.

Maya maya ay darating na si kuya Andy para sunduin ako.

Ngayon na kase ako lilipat sa bahay na binili nya para sa amin ni Cole.

Bukas na ang uwi ni Cole galing America.

Sabi ni Kuya Andy, pag successful raw ang operasyon ni Cole, uuwi raw ito kaagad.

Masaya akong malaman na nakakakita na sya. Sa ganon, mas mabilis nya kong maaalala.

Pamilyar naman siguro ang mukha ko sa kanya hindi ba?

Nakaka-Kaba. Natatakot ako. Hindi ko maiwasang isipin... ano kayang magiging reaksyon nya kapag nakita nya ko?

Maalala nya kaya ako? Maging pamilyar kaya ako sa kanya?

"Jivril, nandyan na ang sundo mo" sabi ni Ate Andy na buhat buhat ang baby nya.

Tumayo ako at yinakap sila kuya

"Lagi kang magtitext. Tatawag tawagan kita" sabi ni kuya bago ako halikan sa pisngi.

Sya ang nag dala ng maleta ko sa sasakyan ni Kuya Andy.

Hinalikan ko muna ang natutulog na sina Eros at Ada bago ako tuluyang nag paalam at sumakay ng kotse.

Hingang malalim, Jivril. Masanay ka na.

Binalingan ko ang nagmamanehong si Kuya Andy.

"May balita na ba?" Tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga sya bago tumango.

"Mamaya, pagkarating sa bahay. Magpahinga ka muna"
Kahit na gusto ko nang malaman kung ano yon ay pinili kong makinig. Mas mabuti pa ngang sa bahay na namin iyong pag usapan.

******

30 minutes lang pala ang biyahe papunta rito.

Nandito na agad kami

Tago nga ang bahay na ito dahil medyo natatakpan ng mga puno.

Para itong nasa gitna ng gubat pero konting lakad lang nasa highway ka na. Hindi ka maliligaw.

Hindi ito malaki pero hindi rin maliit.

May tatlong kwarto sa taas. Dalawa naman sa baba. Maluwag ang kusina at malaki laki rin ang sala.

May garden sa likod kung saan puro puno ng mga prutas.

"Maganda" komento ko.

"Siguro naman tago na kayo rito" untag ni kuya Andy.

"Bukod kina Castro at Alex, makakasama mo ang Nurse ni Cole. Sya ang encharge sa pagpapainom ng vitamins at pagpapakalma kay Cole. Pati sa pagpili ng pagkain. Mabait rin sya kaya wala kang dapat na ipag alala"

Kumunot ang noo ko.

"Pagpapakalma?" Nagtatakang tanong ko.

Huminga sya ng malalim. "Jiv, medyo naging mas marahas si Cole ngayon. Ayaw nya sa ibang tao. Mainitin ang ulo nya. At nagwawala sya sa simpleng bagay"

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi nya.

Masasaktan pa ba ko? Ewan... para na kong namanhid.

Pinapangako ko na ano pa man kakayanin ko.

Sandali. May naalala ako.

"Kuya Andy... Yung balita?" Pag iiba ko ng usapan.

Pinaupo nya muna ako sa sofa. Naupo naman sya sa tabi ko bago maglabas ng isang brown envelope sa briefcase nya.

Inabot nya yon sakin at agad ko naman iyong tinignan.

Birth certificate at kung ano anong articles ang nakita ko.

"Sya si Aisa Reinan Armania. Ang anak na babae ni Silvia. Illegitimate child si Aisa, kaya apelyido ni Silvia ang dala nya. Anak sya sa pagkadalaga" kinuha nya yung Article. "Natagpuan sya sa CR ng isang club. Dito lang rin sa laguna. Ang sabi, overdose raw sa drugs ang ikinamatay nya. Namatay sya, a year bago ikasal si Silvia at si Papa. 3 years before CJ's accident" pagkikwento nya.

"Kuya Andy, ilang taon ka ba sa America?" Tanong ko.

"Isang taon. Bago ako umalis, may girlfriend si Cole noon"

Ikinagulat ko ang sinabi nya.

Akala ko kase ako ang first girlfriend ni Cole.

At isa pa... nakakapagtakang may girlfriend sya eh ni hindi nga sya lumalabas ng kwarto.

"No, scratch that. Hindi nya pala girlfriend yon. Kaibigan lang ang turing ni Cole sa kanya. Pero sya.. tsk tsk" umiling iling sya "Patay na patay sya kay Cole. Ito namang si Cole, walang nararamdaman sa kanya"

Napasimangot ako... bakit nya nga ba ito kinikwento?

"Soo?.... Anong Connect nyan sa Aisa Reinan na yan?" Tanong ko sa sarkastikong tono.

Tiningan nya ko ng seryoso.

"Ang babaeng yon... ay si Aisa Reinan Armania"

Napanganga ako. As in nalaglag ang panga ko.

Kung patay na patay sya kay Cole, pero rineject sya... Hindi kaya... nag suicide sya dahil kay Cole?

"Three years ago, nagconfess si Aisa kay Cole. And he rejected her. Sa Autopsy ni Aisa, nakumpirmang suicide nga ang ikinamatay nya. Proweba na rin don ang mga laslas sa kanang kamay nya. Sinadya nya sa sarili nya ang paginom ng maraming drugs "

Shit.

Unti unti nang nagiging malinaw ang lahat.

Sinira ni Cole si Aisa at ngayon, si Cole ang sinisira nya.

********

Haha... this story just has a lot of revelations. Nakakalurkey.

Anyway.... pm me for some questions....

Comment & Vote..... Labyu >_<

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now