Chapter 5

1.7K 59 1
                                    

"Hindi ka makatulog?"

Napalingon ako sa nagsalita na si Kuya pala.

Alas tres na kasi ng madaling araw pero heto ako. Naka upo sa sofa at nakatulala sa bintana.

Nginitian ko si kuya.

"May problema ba?" Tanong nya at saka umupo sa tabi ko.
Tiningnan ko sya sabay iling.

"Wala naman" kahit ang totoo gusto kong isagot 'Oo, may problema. Ang lahat sa buhay ko ay problema'

"Ang lalim yata ng iniisip mo" sinuklay suklay nya ng kamay nya yung buhok ko.

Bumuntong hininga ako.

"Wala to, kuya. Iniisip ko lang kung... pano ko haharapin si Cole. Kung paano ko ipapaalala sa kanya ang sarili ko" tiningnan ko si Kuya sabay ngiti ng tipid.

"Alam mo, Jivril, walang relasyon na hindi sinusubok ng tadhana. Dyan nakikita kung gaano kayo katatag. Kung gaano nyo kamahal ang isa't isa. Kapag nalampasan nyo yan, kayo na talaga ang para sa isa't isa. Kagaya namin ni Andy, hindi ba?"

Yinakap ko si Kuya.

Si kuya talaga, daig pa si tatalino. Tuwing may problema ako, the best magbigay ng advice.

Tama nga naman. Walang relasyon na hindi sinusubok ng tadhana.

Naalala ko noon, kinailangan pa nyang itanan si Ate Andy

Ayaw kase ng magulang ni Ate Andy sa kanya dahil nga mahirap lang kami. Pero ok na sila ngayon. Nagkaayos sila sa huling burol nila Mama't Papa.

"Kuya?" Pagtawag ko sa kanya.

Niluwagan nya ang pagkakayap sa akin at saka ako tinignan.

"Bakit?"

"Sa tingin mo ba... kung buhay pa sila mama, ok lang sa kanila ang gusto kong gawin? Na ipaglaban si Cole kahit na ako lang mag isa ang lumalaban?"

Huminga sya ng malalim bago sumagot.

"Kung buhay sila mama, magiging proud sila sayo. Kahanga hanga ang katatagan mo, Jivril. Kaylan ka nga ba sumuko?" Tumawa sya ng mahina. "Siguro kung sa ibang babae to nangyare, tsk. Baka nagpakamatay na"

Natawa ako sa sinagot nya.

"Seryoso ako. Wala akong nakitang babaeng kasing tatag mo magmahal. Una, pinatawad mo sya kahit na sya ang may kasalanan sa pagkawala ng mga taong pinaka importante sayo. Pangalawa, tinanggap mo sya kahit na anong pakikitungo nya sayo. At higit sa lahat, wala kang takot. Pati tadhana kinakalaban mo. Talagang handa kang ipaglaban sya kahit na tadhana pa ang kakalabanin mo... Jivril, nakaka inggit yang katatagan mo. Lahat ng pagsubok ay nakaya mo. Kaya wag kang mag alala, pagdating sa dulo makukuha mo rin kung ano ang deserve mo. Konting tyaga lang" sabay pisil sa ilong ko.

Naiyak ako kay kuya. Akala ko ang hina hina ko pero pinaalala nya sa akin ngayon kung gaano ako kalakas. Hindi ko sya napigilang yakapin

Kase, ilang beses na ba kong umiyak? HIndi ko na mabilang. Wala nga yata akong problema na hindi ko iniyakan eh.

Tumawa si Kuya.

"Matatag ka pero napaka iyakin mo" sabay gulo nya sa buhok ko.

Pabiro ko syang hinampas.

"Eh kasi naman ikaw eh!" Pinunasan ko ang luha ko.

"Tama na yan. Matulog ka na. May amnesia ka pang pagagalingin"

Natawa kami pareho. Sa huli... natulog na rin ako.

Tama si kuya. Matatag ako. At wala akong pagsubok na hindi kakayanin. Kahit pa tadhana na mismo ang maka away ko. Sa huli, mapapasa akin rin ang pinaglalaban ko.
*******

"Ate Jivril, gising na!"

Nagising ako sa pagyugyog sa akin ni Eros.

Tiningnan ko kung anong oras na.

Alas syete pa lang ng umaga.

"May bisita ka, ate Jivril!" Excited na sabi ni Ada.

Kumunot ang noo ko. Sino namang bibisita sa akin ng ganito kaaga?

"Sino naman?" Takang tanong ko.

"Matangkad, mestiso at gwapo! Ate, ang ganda ganda mo talaga. Ang dami mong manliligaw!"

Kinurot ko sa pisngi si Ada. Kahit kaylan parang dalaga magsalita. Sa edad nyang otso alam nya na ang ganyang bagay.

Naligo muna ako at nag ayos ng sarili bago ako lumabas.

Ayoko namang paghintayin yung bisita ko pero ayoko ring lumabas ng ganito ang itsura ko. Hindi pa ko nagsisipilyo at mukha pa kong Zombie dala nga ng puyat ako.

Matapos ang ilang minuto, lumabas na rin ako.

Bumungad sakin si Castro na ikinagulat ko.

Driver sya ni Silvia

Ano namang gagawin nya dito? Pinadala ba sya ni Silvia?

Kumulo agad ang dugo ko

"Huy, girl! Andito ako!"

Napalingon ako sa nagsalita at nagulat ako nang makita ko si Alex.

"A-anong ginagawa nyo dito?" Takang tanong ko.

"Ewan ko dito kay Alex. Nagpahatid lang sya sakin dito" sabi ni Castro.

Tiningnan ko si Alex ng may pagtataka.

"Girl, halika dito dali!" Sabay turo nya sa upuang katabi nya. Sinunod ko naman sya at naupo ako roon.

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Si Sir Andy. Galit na galit sya kay mam Silvia. Sumugod sya kahapon sa mansion. Sinaktan nya si mam" pagkikwento nya.

Nagulat ako sa sinabi nya.

"A-anong ginawa nya?"

"Hinawakan nya ng mariin sa braso si mam habang sinisigawan. Nag aaway sila. Jivril... may narinig itong si Castro na kausap ni Mam sa telepono" sabay turo nya kay Castro.

Napayuko sya

"Ano iyon?"

"J-jivril... p-palagay ko... hindi aksidente ang nangyari noon" halata kong kinakabahan sya sa pagsasalita.

"Anong ibig mong sabihin?" Sa puntong to kinakabahan na rin ako.

"Si Mang Kanor.... ang driver ni Cole... N-noong gabing iyon, dapat susunduin nya si Cole sa bar. P-pero pinigilan sya ni Mam Silvia. A-ang sabi ni mam... hayaan raw si Cole doon. J-jivril... nagsinungaling si Mang Kanor. Ang sabi nya, pagpunta nya sa bar, wala na si Cole doon...pero ang totoo, hindi nya talaga sinundo si Cole"

"Jivril, sinasadya ni Silvia na ipapatay si Cole. Nung gabi rin na yon may inutusan syang magtanggal ng preno ng kotse ni Cole" pagtutuloy ni Alex

"At hindi rin yon. Sya rin ang may kasalanan ng aksidente ng magulang mo. Ayun rin ang ginawa ni Silvia noon sa kotseng sinasakyan ni Cole, kaya nya nabundol ang kotse ng magulang mo"

********

Comment & Vote ^_^

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now