Chapter 62

785 18 0
                                    

Isang buwan na ang makalipas. Sobrang saya ko kasi sa isang buwan na iyon, hindi kami masyadong busy ni Cole kasi wala na rin masyadong gawain, kaya nakabawi sya sa sakin sa ilang linggo nyang pagka-busy. Sa isang buwan na iyon, walang araw na hindi kami magkasama. Paano ba naman kasi, lumipat pa talaga sya ng apartment para sa akin! Palagi ko siyang pinagluluto sa apartment ko. Sabay kaming nag-aalmusal, tanghalian at hapunan araw-araw. Kulang nalang maglive-in kami! Pero hindi nakikitulog si Cole sa apartment ko kasi nirerespeto nya raw ako at parang ang pangit daw tingnan kung magkasama kaming matutulog nang hindi pa kami kasal. OA? haha. Minsan, nagluluto ako at minsan naman, kumakain kami sa labas kapag gusto akong pagpahingahin ni Cole sa pagluluto. Minsan rin, sumasabay sa amin si Jackie o kaya naman nakiki-kain sa apartment ko si Kuya Andy dahil nami-miss nya daw ang luto ko. Hindi raw kasi marunong magluto si Crystal na ilang buwan nya nang pinag-titiisan.

Aaat! Malapit na ang midterms namin kaya kahit walang pasok, andito kami ngayon ni Jackie sa library ng school. Hinatid naman ako ni Cole dito pero umalis sya saglit. Sabi nya may daraanan daw sya kay kuya Andy. Pero nagtext na naman sya na parating na sya.

"I dont get it. Lalong-laan is Jose Rizal? Why'd he change his name to Lalong-laan?" Tanong ni Jackie habang hawak-hawak nya iyong libro namin sa Philippine History. "Come on, honeeey. Help me heeere." Pagmamaka-awa nya with matching hila pa sa balikat ko.

"Hindi nya pinalitan ang pangalan nya. Kumbaga, Pen-Name nya lang iyon sa La Solaridad." Page-explain ko naman. Mabuti naintindihan nya. Magdadalawan ko na syang tinuturuan ng tagalog, aba! At syempre, dahil magaling ako magturo, nakaka-intindi na sya ng tagalog ngayon. Yun nga lang, English pa rin sya mag-salita. Nahihiya raw kasi sya magtagalog dahil sa accent nya. Masyado kasi syang slang. Parang kulot o buhol iyong dila nya. Pero ok na rin yon. Atleast nakaka-intindi na sya ng tagalog kaya hindi ko na kaylangan mag-english. Bawas stress rin iyom sakin! Haha! Nakaka-stress naman kasi sa kausap eh.

"Ok ok... Oh! There's your boyfie!" Sabay turo nya kay Cole na papalapit na sa amin ngayon. Binigyan nya pa ako ng 'Ayan-na-yung-bebe-mo-look' kaya napatawa naman ako sa kanya. Habang nakatingin kami kay Cole na papalapit sa amin, bigla nya akong siniko. "You are so swerte kay Cole talaga. He's so handsome!" Sabay hampas nya sa balikat ko dahil sa kilig. Binigyan ko naman sya ng 'dont-make-agaw-my-boybie-look'. Mukha namang naintindihan nya yung tingin ko kasi bigla syang natawa sabay hampas nya ulit sakin. Ang sakit, huhu. Bugbog sarado talaga ako lagi sa babaing to. Buti nalang mabait ako, kaya hindi ko sya nasasabunutan.

"Hi babe." Sabay kiss sakin ni Cole. Sa lips. Sa harap ng maraming tao. Dito mismo sa library. At nakatingin pa yung librarian!

Agad ko naman syang hinampas nang makaupo sya sa tabi ko. "Umayos ka nga." Pabulong kong saway sa kanya. Pinagtinginan tuloy kami.

Hindi nya naman pinansin iyong pag-saway ko sa kanya, sa halip, tumawa lang sya sabay abot sa akin ng isang puting rosas. "For you. A sign of pure and forever love." Sabay kindat.

Waaaaah! Ba't ganto syaa?! Parang gusto nya yatang atakihin ako sa puso. Palagi nya nalang ako binibiglaa.

"Thank you." Hindi ako makatingin sa kanya kasi baka mahalata nyang kinikilig ako. Lalaki na naman ulo nyan. Sasabihin nyang patay na patay ako sa kanya.

Sa halos dalawang buwan na pagsasama namin, never kaming nag-away. Feeling ko nga abnormal yung relationship namin eh. Kasi diba normal sa relasyon ang nag aaway? Eh hindi naman kami nag-aaway. Kaya abnormal kami, haha.

Actually, nag-aaway naman kami pero yung mabababaw lang. Kagaya nang hindi ako kumain sa tamang oras, o kaya pag nag-pupuyat ako, o kaya naman kapag lumalabas pa ako sa gabi at kapag maikli ang short ko. Yun lagi naming pinag-aawayan, tapos si Cole daig pa ang pari kung makapag-sermon. Pero nagbabati naman kami agad. Konting lambing ko lang sa kanya, bibigay na sya. Di ako matiis eh. Minsan din syang nagseselos sa katabi ko, lalaki kasi iyong seatmate ko, tapos palagi pa akong dinadaldal. Ang ginawa nya, nakipag-palit sya ng upuan doon sa lalaking iyon para kami ang magka-tabi. Wala namang nagawa yung lalaki kasi siga si Cole, haha. Seloso na, possesive pa. Pero iyon lang naman mga pinag-aawayan namin. Never kaming nag-away ng seryosong away talaga. Tampuhan lang.

"Oooh! You're blushing Honey!" Pang-aasar ni Jackie sabay sundot sa bewang ko. "You're so lucky talaga! Even if kayo na, Cole still courts you pa rin!" Sabay hampas nya naman ngayon.

"Now, now, Jackie. Wag mong masyadong saktan ang baby ko." Sagot naman ni Cole na mas lalong nakapamula sa akin.
Mabuti nalang sinaway kami ng librarian kaya natigilan na sila sa pang-aasar sa akin.


Tatlong oras na kaming nag-aaral at madami na akong na-review. Feel ko na talaga na reading-ready na ako para sa exams next week! Buti nalang talaga, masipag ako, tapos na-impluwensyahan ko silang dalawa na mag-aral din ng mabuti. I'm such a good  influence! Char. Syempre, kahit hindi ako good influence, sisipagin talaga mag-aral si Cole kasi inspired sya sakin! Ako na, ako na talaga!

"Nagugutom na ko." Reklamo ko sabay tingin kay Cole. Syempre alam nya na agad gagawin nya, haha.

Tumayo naman sya at hinalikan ako sa noo. "I'll buy you food." Sabay alis na nya. Hindi nya na kaylangan tanungin kung anong gusto ko kasi alam nya na kaagad iyon. Sa dalawang buwan namin, alam kaagad namin ang lahat tungkol sa isa't isa.




Magda-dalawang oras na pero wala pa rin si Cole. Tiningnan ko naman yung cellphone ko, wala sya kahit ni isang text. Anong nangyari don? Eh ang lapit lapit ng canteen dito ah?

"Jackie, dito ka lang muna ah? Hahanapin ko lang si Cole." Sabi ko tapos tumayo na ako. Tumango naman si Jackie tska ngumiti. "Saglit lang ako." Dagdag ko pa.

"It's ok, Honey. Take your time." Sabay wave nya pa. Tumango na ako at lumabas ng library at nagtungo sa canteen.

Bakit kaya natagalan si Cole? Wala naman masyadong mga estudyante ngayon dahil wala namang pasok. Pagdating ko sa Canteen, lilimang estudyante lang ang mga nandoon. Wala si Cole. Asan iyon?

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Parang feeling ko may hindi magandang mangyayari.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para itext sya pero hindi nya din ako nire-replyan kaya napag-desisyonan ko nang tawagan sya.

Lumipas ang kalahating oras, naka-58 missed calls na ako sa kanya, ni isa hindi nya sinasagot. Kinakabahan na ako. Ano bang nangyayari?

Wag kang kabahan, Jivril. Wag kang kabahan. Baka sa labas lang ng school bumili ng pagkain si Cole at na-traffic sya kaya wala pa sya ngayon. Siguro lowbat na rin sya kaya nya hindi sinasagot yung mga tawag ko. Tama!

Pumunta ako sa parking lot para tingnan kung nandoon ba iyong kotse ni Cole, pero mas lalo lang akong kinabahan nung makitang andoon iyon.

Asan si Cole?

Papasok na sana ako sa school nang biglang huminto ang isang van sa harap ko. Hindi ko naman sana papansinin, kaso nagsilabasan mula doon ang apat na lalaking naka-itim at may mga suot na takip sa mukha. Napa-atras ako nang ma-realize kong ako ang nilalapitan nila, pero huli na dahil nahawakan na ako ng dalawa sa kanila.

"S-sino kayo?! Bitawan nyo ako!!! Tuloooong!!" Sinubukan kong manlaban pero wala akong nagawa nang kaladkarin ako ng dalawang lalaki papasok sa van. Iyong isa naman ay nilagyan ng piring ang mga mata ko habang hawak hawak pa rin ng dalawang lalaki ang magkabila kong balikat at tuluyan na nila akong naipasok sa van.

Sobra sobra ang kaba ko. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Ang nasa isip ko lang ngayon ay si Cole.

Naramdaman kong may tumakip na panyo sa ilong ko, may nakaka-hilong amoy iyong panyo dahilan para mahilo ako at unti unting mawalan ng malay.

Ang huli ko lang narinig ay ang boses ni Jackie na sinisigaw ang pangalan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now