Chapter 58

786 23 1
                                    

Jivrielle's POV

"Wah!" Naiuntog ko ang ulo ko sa desk ko. Ayoko na talaga! Paano ba naman kasi, eh first week of class palang namin, pinapatay na ako ng accounting!

Nakakagigil naman itong subject na to. Nakakahilo! Actually, madali lang naman talaga eh. Mabilis kong nakakabisado ang assets, liabilities, owner equities, income revenues, debits and credits at kung ano ano pa. Pero iyong samahan pa ng mga numbers?! Aba, ibang usapan na iyon. Kayang kaya ko pa ang philosopy at psychology pero ito? Ehem. Halos sukuan ko na.

Man, bakit nga ba ako nag BSBA? Bigla kong nakalimutan.

"Hi babe!" Biglang sumulpot si Cole na may dalang mga pagkain. "I brought you food." Nakangiti nyang sabi habang inilalagay ang mga pagkain sa lamesa. Nasa classroom kasi kami ngayon sa school. Two hours ang vacant namin kaya naisipan kong mag aral. Wala namang ibang tao sa room kundi kami ni Cole, dahil ang iba naming kaklase ay nagliliwaliw.

Tumingala ako sa kanya, saka ako nag-pout. Nawala naman ang ngiti nya at napalitan iyon ng pag-aalala. "What's the problem, baby?" Naupo sya sa tabi ko.

"Malapit ko nang maibato itong libro kay Mr. Kapinpin. Konting konti nalang." Tukoy ko sa prof namin sa Accountancy.

Natawa naman sya sa sinabi ko. "Bakit naman? You were doing good, this past few days. Nagustuhan ka nga nya agad."

Mas lalo akong napanguso. Tama nga sya. Nagusuhan ako agad ni Mr. Kapinpin nung first days dahil magaling ako. May mga alam din kasi ako dahil ako ang nagma-manage ng shop, pero nung tumagal nahirapan na ako. Hindi ko naman kasi alam na may adjusting trial chuchu pa!

Isa pa itong trial balance! Hindi ko maintindihan kung san ako nagkakamali at ayaw magpantay nitong debit at credit. Panglimang solve ko na ito, aba! Tapos ano? May adjusting trial balance pa? Trial balance pa nga lang, halos sukuan ko na, adjusting trial balance pa kaya?! Gosh, alam kong matalino ako sa math, pero ibang level ang accountancy!

Naiuntog ko tuloy ulit ang noo ko sa lamesa. Ouch.

"Hey!" Suway ni Cole saka hinimas ang noo ko. "Why did you do that?" Pagalit nyang tanong.

Mas lalo akong napanguso. "Eh kasi..." Eh kasi, ang sakit na ng ulo ko sa accounting!

Bumuga sya ng hangin saka ako inakbayan. "Come here."

Nakanguso akong sumandal sa kanya. Para akong batang nagsusumbong dahil pinapahirapan ako ng accounting.

"Kaya mo yan, love. Ako nga hindi mo sinukuan, accounting pa kaya?" Natatawa nyang sabi, sabay kurot pa sa ilong ko.

Napangiti ako saka yumakap sa kanya. Ito talagang boyfriend ko! Alam na alam kung anong sasabihin at kung ano ang kaylangan kong marinig.

Tumatawa sya habang ginugulo ang buhok ko. "Kaya mo yan. Akala ko ba ang isang Santos ay hindi sumusuko?" Nakataas ang isang kilay nya na parang nanghahamon.

Well, challenge accepted! "Kaya ko to." Diterminado kong sabi, saka hinarap ang sixteen columns na columnar pad sa Desk ko.

"That's my girl." Tumawa sya ng mahina sabay gulo sa buhok ko.

"Oops, no cuddling in the classroom, please."

Napaangat ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa harap namin ni Cole.

Maganda ang babae. Matangkad at makinis ang balat. Hindi sya pamilyar sa akin dahil hindi ko sya kaklase. Nakatingin sya kay Cole na parang wala ako sa harap nya. Loko to ah? Ngiting ngiti pa sa Boyfriend KO.  As in capital K-O, KO.

"What's up, Hon!" Sabay suntok nya sa balikat ni Cole.

"Nothing much, hon. What are you doing here?"

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now