Chapter 13

859 25 0
                                    


"Huy, Jiv. Ano yang ginagawa mo?" Tanong ni Alex nang makapasok sya sa kusina.

"Nagluluto. Obvious ba?" Sarkastiko kong sagot. Umirap naman sya at lumapit sa akin at tiningnan ang ginagawa ko.

Hinahalo ko ang orange food color sa mixture ng harina para sa lulutuin kong kwek kwek. "Ano sa tingin mo? Tama lang ba? Masyado bang orange?" Tanong ko kay Alex na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"Tama lang naman. Teka, ano ba kase yan?" Nagtataka nyang tanong. Seryoso, hindi pa ba sya nakakakain ng kwek kwek?

"Magluluto ako ng kwek kwek!" Sagot ko nalang habang kinukuha ang mga nabalatan nang mga pugo sa Ref.

"Bakit? Anong trip mo? Pwede namang bumili nalang dyan sa labas, bakit kaylangang magluto ka pa?" Sabay irap nya pa ulit. Malapit ko nang masabunutan ang mga pilik mata nya dahil kanina nya pa ako iniirapan.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Gusto ko mag-effort para kay Cole. Tska baka hindi nya kainin kapag binili ko lang dyan sa labas" Sabi ko habang isa isang nilulublob ang mga maliliit na itlog sa mixture na ginawa ko kanina.

"Eh bakit kwek kwek? Bakit hindi ka magluto ng sinigang, kare-kare, mechado. Kwek kwek talaga?"

"Eh kase, ito yung kinain namin sa park nung first time naming magdate. Alam mo, sobrang nagustuhan nya to. Bumili pa nga sya ng marami at inuwi nya yon sa bahay dahil sarap na sarap sya." Bumuntong hininga ako. "Tsaka baka makatulong to para maalala nya ako. Sabi kase ni Kuya Andy, wala syang magagawa sa ngayon. Kung wala syang magagawa, edi ako nalang ang gagawa ng lahat para maalala ako ni Cole" Paliwanag ko. Nakita ko naman na tumatango tango si Alex.

"Oh sya, sige. Ako na magluluto nyan. Akyatin mo muna si Cole at baka gising na iyon" Sabay agaw nya sa akin ng foodtong na ginagamit ko.

"Ako na!" Inagaw ko ulit yung foodtong. "Gusto ko ako. Ikaw na muna kay Cole." Sabi ko sabay tulak sa kanya. Inirapan nya naman ako.

"Hmmp! Oo na, sige na. Pero ayoko nga umakyat kay Cole! Don nalang ako sa garden. Magdidilig nalang ako dun. Tulog pa naman ata yon eh. Babush!" Sabay halik nya sa pisngi ko.

Umiling iling nalang ako habang natatawa ng mahina.

Matapos ang ilang minuto, naluto na rin ang mga kwek kwek. Nilagay ko iyon sa tray kasama ng mga sawsawan na ginawa ko at umakyat na sa kwarto ni Cole.

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok. Nakita ko naman agad sya na nakaupo sa kama nya at nakatulala sa kawalan.

"Co- Ahem. Sir Cole. Breakfast po" Kinakabahan kong sabi saka ko inilagay ang tray sa lamesa nya.

"What's that?" Kunot noo nyang tanong habang nakatingin sa pagkain na parang first time nyang makakita ng ganon.'

"Kwek kwek." Nakangiti kong sabi. "Paborito mo yan eh" dagdag ko pa. Kinakabahan ko. Lord, sana tumalab to.

Mas lalo akong kinabahan nang biglang lumipat ang tingin nya sa akin. Matagal nya pa akong tinitigan bago sya nagsalita. "How'd you know its my favorite? I've never even seen that kind of food" Sabay irap nya.

Tumayo ako ng diretso "Paborito mo yan... Hindi mo lang maalala" binulong ko lang ang huling mga salita.

"Tss." Wika nya sabay tayo. Ngayon ko lang napansin na naka boxer lang pala sya at wala syang pang-itaas. Napalunok ako. What the heck? Bakit parang wala lang sa kanya na nakikita sya ng babae na nakaganyan lang? Pinapapasok nya rin ba si Avery dito nang naka ganyan lang sya? Bigla nalang uminit ang dugo ko. Punyemas, mabuti nalang at umalis si Avery ngayon.

"Aray!" Napasapo ako sa noo ko nang may biglang pumitik doon.

"Tss. Why do you always look stupid?" Wika nya at saka naupo sa upuan.

Kumuha sya ng isang kwek kwek at isinawsaw iyon sa minatmis saka nya isinubo.

Napatigil naman ako nang bigla nya akong tingnan. Nakahinga lang ako ng maluwag nung tumango tango sya. "This is good" Sabay subo nya ulit.

"Are you just gonna stare at me while I eat?" Tinuro nya ang magulo nyang kama. "Clean up my room"

Agad naman akong sumunod. Inuna kong ayusin ang kama nya na parang binagyo. Yung laptop at cellphone nya ay nakakalat lang sa ilalim ng kumot kaya panigurado, nadadaganan nya lang iyon habang natutulog sya. Sayang, mamahaling brand pa naman. At yung tablet nya naman ay nasa ilaim ng unan. Seryoso, natutulog ba syang katabi ang lahat ng gadgets nya? Umiiling na kinuha ko ang mga iyon at inilagay sa computer table nya na wala namang silbi dahil lahat ng gadgets nya ay katabi nyang matulog.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtutupi ng kumot nang marinig ko syang sumigaw. Mahina lang naman iyon at hindi maririnig sa labas ng kwarto pero naalarma ako dahil halatang nasasaktan sya.

Agad akong napatingin sa kanya at nakita kong nakahawak ang dalawang kamay nya sa ulo nya. Napansin kong sobrang diin ng pagkakahawak nya sa ulo nya. Sobrang diin, na namumuti na ang kamay nya.

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Anong nangyayare?

"Aaargh!!"

Napatakbo na ako sa kanya nang bigla syang mapaluhod.

"Shit! C-cole, anong nangyayare?!" Niyakap ko sya agad at sinapo ko ang ulo nya. Hindi sya sumasagot, sa halip ay patuloy lang sya sa pagsigaw. Palakas ng palakas iyon na para bang pasakit rin ng pasakit ang nararamdaman nya.

Naaiyak nalang ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Wala akong nagawa kundi ag yakapin sya habang hinahagod ang likod nya hanggang sa biglang bumukas ang pinto at pumasok si Avery.

"Anong nangyare?!" Agad nyang tanong saka sya lumuhod sa harap ni Cole.

"Ewan ko! Asan ka ba kase?" Nagpapanic kong sagot

"Shit! I'll get his medicines" Agad syang tumakbo palabas ng kwarto at naiwan akong nakayakap kay Cole

"Aargh!"

"Sssh. Magiging ok ang lahat, Cole." Yun lang ang nasabi ko. Unti unti syang napahiga sa hita ko kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko.

Pumupungay ang mga mata nya, na para bang mapapapikit na sya ano mang oras. "J-jivril..." Ayon lang ang lumabas sa bibig nya bago sya tuluyang pumikit at mawalan ng malay.

Natulala ako sa mukha nya. Totoo ba iyon? Totoo ba iyong narinig ko? T-tinawag nya ako! Binanggit nya ang pangalan ko. Naalala nya ba ako?

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now