Chapter 27

920 25 7
                                    

Avery's POV

Umiyak ako ng umiyak habang yakap yakap nya ako. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Kase baka ito na ang huli. Baka ito na ang huling makayakap at makasama ko sya.

Tama si Collin. Tama ang lahat ng sinabi nya sa akin. Hindi ko kaylangang lokohin si Cole para lang may magmahal sa akin. Tama sya. Sarili ko lang ang linoloko ko. Tama ang lahat ng sinabi nya...

Hindi ko alam pero gusto ko syang pasalamatan. Gusto kong sabihin sa kanya na salamat kase ginising nya ko sa katotohanan... Collin... Salamat...

"Bakit?" Rinig kong tanong nya. Walang halong emosyon ang boses nya. Walang lungkot, walang galit.

"C-cole... Im sorry... Im so so sorry." Napalakas ang pag iyak ko. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at saka tiningnan ang mga mata nya. Wala iyong bahid ng kahit na anong emosyon. Hindi ko alam kung galit ba sya o malungkot o kung ano man. Basta nakatingin lang sya ng deretso sa akin.

"Niloko mo ako, Avery. Niloko mo ako! Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko. Pinagsamantalahan mo ang sakit ko. Bakit? Bakit mo ginawa yon? Bakit mo ako niloko?" Hinawakan nya ng mahigpit ang magkabila kong braso.

"Alam ko..." Paninimula ko. "Alam kong alam mo na Cole. Alam kong simula umpisa, alam mo na. Pero hindi mo pinaniwalaan ang sarili mo. You kept on denying that you made a mistake! Pinili mong paniwalaan ako dahil ayaw mong aminin sa sarili mo na nagkamali ka. Ikaw ang lomoko sa sarili mo, Cole. Niloko mo ang sarili mo... At niloko ko lang rin ang sarili ko." I laughed bitterly.

"Pinaniwalaan ko ang sarili ko na matututunan mo akong mahalin. Pinaniwala ko ang sarili ko na kapag niloko kita, ako na ang mahal mo at hindi na si Jivril... Pero sarili ko lang rin ang niloko ko." Umiling ako habang pinupunasan ang mga tumutulong mga luha mula sa mga mata ko pero wala ding saysay dahil patuloy pa rin ang pag iyak ko

"Oo na. Sige na. Niloko na kita... Pero nagpaloko ka rin." Tumawa ako ng mahina.

"Shut up!" Tinulak nya ako nang malakas kaya napaatras ako. Hinawakan nya ang ulo nya at saka sya sumigaw ng malakas. Pinagbabato nya ang kung ano mang gamit na mahawakan nya. Nagwawala na sya pero nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Basta tiningnan ko lang sya habang umiiyak ako.

Nang matapos syang magwala ay napaupo sya sa lupa. Nakatakip ang dalawa nyang palad sa mukha nya

"Tama na, Cole." Nanginginig ang boses ko. Nilapitan ko sya at saka hinawakan ang balikat nya. "Tigilan na natin ang pagloko sa sarili natin." Umiiling kong sabi. "Look at where it brought us... Sa huli, pareho tayong talunan." Lumuhod ako sa harap nya.

"Sorry..." Napaluha ako ulit. "Sorry..." Paulit ulit kong sabi. Hindi sya sumagot. Hindi nya ako tiningnan. Basta nakaupo lang sya at nakatakip ang mga palad nya sa mukha nya. Alam kong umiiyak sya dahil nanginginig ang katawan nya ay basang basa na rin ang mga palad nya

"Sorry kung dinamay pa kita sa panloloko ko sa sarili ko. Pero Cole, sana maintindihan mo... Ayaw kitang mawala sa akin. Ikaw nalang ang meron ako... pero hindi ka pala sa akin..." Mas lalo akong napaiyak. Ni hindi ko na nga alam kung saan pa nanggagaling ang luha ko. Nakakapagtaka kase hindi pa rin sila nauubos samantalang kanina pa ko iyak ng iyak.

Tumawa ako ng mahina. "Its like I started a joke, but the joke is on me." I laughed bitterly.

Tiningnan ko sya. Hindi na sya gumagalaw. Mukha ring tumigil na sya sa pag iyak pero ganoon pa rin ang posisyon nya.

Huminga ako ng malalim.

I did something wrong, and now, I want him to do the right thing.

"Do the right thing, Cole." Panimula ko. "Hanapin mo si Jivril. Tell her you're sorry. Woo her. Maybe it's not to late." I said bitterly. Hindi sya sumagot. Basta hindi sya gumagalaw.

Hinawakan ko ang kamay nya. "Col-"

"No." Tinabig nya ang kamay ko at saka ako tiningnan ng diretso sa mga mata.

"Cole. Maybe it's not too late. May be she'll forgive yo-"

"I said no!" Galit nyang sigaw sa akin. Padabog syang tumayo at saka naglakad papalayo. Hinabol ko sya at saka hinablot ang braso nya dahilan para mapatingin sya sa akin.

"Do the right thing, Cole!" I yelled at him. He just looked at me with fury in his eyes.

"Did you not hear what she said?" Nilapit nya ang mukha nya sa akin kaya napaatras ako. Mukha syang galit na galit at parang kahit ano mang sandali ay masasampal nya na ako.

"Ang sabi nya, wag ako magkakamaling habulin sya. So no. Ayoko. She'll reject me. And for all I know, maybe she's with Collin already. I am not stupid." Tinalikuran nya ako ulit.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at saka ako ulit nag salita. "You are such a coward." I said. Tumigil sya sa paglalakad pero hindi nya ako tinignan. Nakatalikod pa rin sya sa akin. Nagpatuloy ako. "Una, naduwag kang aminin sa sarili mo na nagkamali ka. At ngayon naman naduduwag kang sumubok na lapitan sya ulit dahil naduduwag kang mareject ka nya." Huminga ako ng malalim. "Yes, you are not stupid. But you are a coward. You don't deserve Jivril. Pinaglaban ka nya pero hindi mo kaya na ipaglaban sya."

I cant believe myself. I don't even know where all of these are coming from. Basta ang alam ko, gusto kong gawin ang tama. Gusto kong bumawi kay Jivril dahil gusto kong pagbayaran ang kasalanan ko.

Inagaw ko sa kanya si Cole at ngayon, gusto ko na syang ibalik sa kanya.

"Do the right thing, Cole. You know, she'll forgive yo-"

"Enough." That was all he said before he walked away leaving me dumbfounded.

______

Sooooo, what do you guys think? Ano kayang gagawin ni Cole?

Aaanywaay... I updated 5 chapters para makabawi ^_^ 

Updates will be tommorow or the day after tommorow.

And, for your information, I am only 16 years old! 16! Wag nyo po akong i- "po" Sa message, haha. 


SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now